The Son of Demons

119 10 1

Chapter23

"Lola Gloria,"nangininig na tawag niya sa ginang saka itinuro ang malaki na niyang tiyan."Anyari sa tiyan ko lola?Bakit parang 3months pregnant ako?"nalilitong tanong niya sa matanda na abala sa paghihiwa ngmga rekados na gagamitin nito sa pagluluto.

Natatawang napailing ang ginang sa nakitang pagkataranta at pamumutla ng mukha niya.
"Busog ka lang,hija.Mukhang naparami ka ng kain ngayon dahil sa sobrang gutom."

"Pero Lola, kahit sobrang gutom po ako hindi naman po basta-basta lumalaki ang tiyan ko nang ganito kapag naparami ako ng kain."She sight."Uhm,Teka lang,there is something fishy here Lola?"aniya sa matanda.

"Ano namang fishy naman ang pinagsasabi mong bata ka?Mabuti pa ay mag-exercise ka nalang muna para mawala yang pagkabusog mo at lumiit na muli 'yang tiyan mo."

"Lola,hindi mo naiintindihan.May mali kasi,eh."Hindi pa rin sang-ayong sabi niya sa ginang.

"Kayong mga kabataan talaga konting laki lang ng mga bilbil niyo ay nagiging over acted na kayo,"natatawang pabiro ng matanda sa kanya.

Ngunit hindi siya natuwa roon.Alam niya kung kailan merong pagbabago sa katawan niya and this time is quit serious.Hindi siya busog or hindi bibil ang dahilan ng biglaang paglaki ng tiyan niya."Lola Gloria!"malakas na tawag niya sa Ginang."Kinulam ako Lola.Kinulam ako!"palatak niya.

"Ano!?"hindi makapaniwalang sigaw ng ginang kay Aiden."Sino namang kukulam saiyo dito?Sino ang kumulam saiyo?Mababait naman ang mga asawa ng trabahador ni Jabez kaya imposible 'yang sinasabi mo."iiling-iling nitong sabi.

"I know who did this to me Lola." At si  Vivian ang laman ng isipan niya ng mga sandaling iyon.

"Sino?"

"Yung Vet na 'yon ang gumawa sa'kin nito Lola.Kinulam niya ako.Siya ang may kagagawan ng paglaki ng tiyan ko.Siya lang ang may galit sa akin dito.Siya lang ang puwedeng gumawa sa kain nito,Lola!"sunod-sunod niyang sabi sa matanda.

"Si Vivian ba kamo?Si Vivian ba ang gumawa niyan sa'yo?"

"Oho,Lola at wala nang iba.Isa siyang mangkukulam.Dahil sa sobrang pagka-ingit niya sa akin ay ginamitan niya ako ng black majic,"mangiyak-ngiyak niyang sabi sa ginang."Naiingit at nagseselos siya sa akin dahil ako ang gusto ni Jabez.Ako ang mahal niya."

"Naku,hija.Nagkakamali ka.Hindi magagawa ni Vivian sa'yo 'yan.Mali ang magbintang.Ang mabuti pa ay sasamahan nalang kitang magpahilot mamaya doon kay Aling Bebang para matingnan kung ano nga ang nangyari d'yan sa tiyan mo.Baka nakabagan ka lang  dahil sa lamig."

"Pero...Lola...."ani Aiden.

"Halika na,"sabay hila ng ginang sa kanya."Magpahilot kana para gumaling kana.Ngayon na tayo pumunta para mawala na 'yang agam-agam mo,"aniya.

Wala siyang nagawa kundi sumunod nalang sa ginang.Isa pa ay hindi nga naman siya sigurado kung kinulam nga siya ni Vivian or kabag lang ang laman ng kanyang tiyan.Pero kahit ano pa man ang laman n'yon ay nais pa rin  niyang makasiguro.Mahirap na.Paano kung nilagyan ng babaeng 'yon ng isda ang tiyan ko.Gaya ng batang napanood niya sa KMJS na may isda sa loob ng tiyan.But anyway,false alarm lang naman ang ultrasound nang bata at walang isda sa loob ng tiyan nito.

Ilang sandali pa at nakarating na sila sa bahay nila Aling Bebang.Nang pagbuksan sila nito ay magalang silang inasikaso.Pinapasok sa loob ng munting tahanan nila at binigyan ng makakain."Napasyal kayo,Gloria,"umpisa nito.Sa tantiya niya ay mas matanda lang ito ng konti kay Lola Gloria. 

"Ay,oo.Ikaw talaga ang sadya namin.GUsto ko lang kasing ipahilot itong tiyan ni Aiden dahil nakabagan yata siya," nakangiting paliwanag nito.

Isang ngisi naman ang sagot niya ng sulyapan siya ni Aling Bebang.

"O,siya,hija.Halika dito sa loob.Higa ka dito at ng matignan natin 'yang tiyan mo,"aniya.

Inihaga siya ng matanda sa katreng may sapin ng banig.Itinaas nang ginang ang kanyang manggas.Nilagyan nito ng cocunot oil ang palad.O sa iba ang tawag roon ay "lana."Pagkatapos nitong painitin ang kanyang  palad ay nag-umpisa na itong hinimas ang kanyang tiyan.Pangiti-ngiti pa ang matanda at paling-iling habang hinihilot iyon.Magaan ang palad nito kaya masarap sa pakiramdam.Napakagat labi siya ng may pinisil ang ginang at diniinan iyon.

"Masakit ba?"tanong ng matanda sa kanya.

"Medyo po,"nakangiwi niyang sagot.

"Kailan ang huling naging  dalaw mo,hija?"

"Ho?"

"Congratulation,hija.Tatlong buwan ka nang nagdadalang tao."

Sa narinig ay agad siyang napabaringkuwas ng bangon.Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa matanda.Noong isang buwan lang siya nagkaroon ng  dalaw.Paanong tatlong buwan na siyang buntis?At virgin din siya ng may mangyari sa kanila Jabez.Paanong nangyari 'yon?"Baka naman po nagkakamali lang kayo Aling Bebang."

"Matagal na akong manghihilot,Hija.At hindi ako maaring magkamali."sagot niya kay Aiden."At kung nais mong makasigurado kong buntis ka nga ay maari ka namang magpatingin sa mga doctor sa bayan."

Aiden still in a confused mind.Isang palaisipan talaga kung bakit may bata sa sinapupunan niya?Napaka-imposible talagang mangyari iyon..Isang beses palang silang nag-sex ni Jabez buntis na siya agad?Lumaki na agad ang  tiyan niya?Atsaka paano niya sasabihin ito sa binata?Paano niya ipapaliwanag.Paniniwalaan kaya siya nito?Aakuin kaya nitong anak niya ang dinadala niya?Biglang sumakit ang ulo niya sa mga katanungang naglabasan sa kanyang isipan.

"Jabez....Jabez...."nanggigil niyang sambit sa pangalan ng binata.

Sabay namang napalingon ang dalawang matanda sa kanya.Ngunit pagkasulyap niya sa mga ito ay  magkaiba sila ng ekspresiyon ng mukha.Ang isa ay may tila takot at pangamba samantalang ang isa naman ay galak at kaligayahan.At siya, malakas na kabog sa dibdib ang nararamdaman niya sa natuklasan.There is really something fishy she need to know here.Kailangan nilang mag-usap ni Jabez.Mag-usap ng masinsinan.

****Next***

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!