The Son of Demon

2.5K 78 12
                                    

Chapter 32 FINALE

Sinunod niya ang utos ng ama,isang kulay dugong apoy ang lumabas mula sa bibig ng kaniyang ama at lumipat ito sa kaniyang bibig. Nang makapasok iyon sa kaniyang katawan ay unti-unti namang nagiging usok ang kaniyang ama. Hanggang sa tuluyan itong naglaho.

"HINDIIII...... HINDIII.....!" Pagsisigaw ng isang halimaw, na tila hindi matanggap ang pagyakap ni Jabez sa kaniyang kapalaran.

Ngunit si Jabez ay, nanatiling nakayuko at, pinakiramdaman ang kaniyang buong katawan. Sa wari niya'y bigla siyang nag-iba. Sobrang init ang buo niyang laman.

AAAHH!

AAHHH!

Boses ni Jabez, na pilit kinukuntrol ang malakas na aura sa loob ng kaniyang buong katawan. Sinamantala naman iyon ng ama ni Vivian.

Bigla itong umaatake. Malayo palang ay naramdaman na niya ang presensiya nito. Inangat niya ang kaniyang kamay at lumabas ang apoy.Nakailag naman ang halimaw, Muling inangat ni Jabez ang kaniyang kamay at biglang nanigas ang katawan ng kalaban. Sapagkat kinukuntrol niya ito gamit lang ang kaniyang isip.

"Ito ba ang dahilan, kung bakit mo pinatay ang aking ama?" Tanong niya at dahan-dahan na lumapit.

Suminyas ang ama ni Vivian sa mga alipores na sumugod, subalit naramdaman ni Jabez ang pag-atake nang mga ito. Kaya agad niyang ikinumpas ang isang kamay at ang lahat ay nagiging usok.

Muli niyang hinarap ang kalaban, "sisiguraduhin ko sayo na susunod ka sa aking ama at hindi kana muling mabubuhay."Wika ni Jabez at itinaas niya ang sagradong patalim na siyang ginamit nito sa pagpatay sa kaniyang ama.

"Huwag!

Huwag!

Huwaaaaag!"

Sa puso ito itinama ni Jabez,at unti-unting nalusaw ang katawan ng halimaw."Hindi pwedeng magkalat pa kayo sa mundo ng mga tao, kaya gugunawin ko kayong lahat."Anang isip niya at hinarap ang iba pang mga halimaw.

Sa bawat hampas ng kaniyang mga kamay ay, nagiging usok ang mga kalaban. Hanggang sa maubos ang mga ito at sinigurado niyang walang natira ni isa. Lahat ng lagusan sa kweba ay kaniyang isinara at nanatili siya sa loob.

"Kailangan kong kontrolin ang aking pagiging halimaw. Upang hindi ko mapahamak ang mga tao, lalo ang aking mag-ina."

SAMANTALA, nakalabas sila Freza at Aiden sa kagubatan na ligtas. Ngunit ang isip ni Aiden ay si Jabez, sobra ang kaniyang pag-alala para dito.

"Ate Aiden, doon muna tayo sa bahay tumuloy."

" Hindi,dito muna tayo. Hintayin ko si Jabez."

"Pero dilikado dito. Doon na tayo sa bahay maghintay kay kuya."

"Ka anu-ano mo pala si Jabez?"

"Magkapatid kami sa ina.Mahabang kuwento ate,pero ikukuwento ko sa'yo. Sa ngayon kailangan muna nating lumayo dito."

"Sige."

Isang araw na ngunit hindi pa rin nakabalik si Jabez, kaya mas lalo ng nag-alala si Aiden.

"Aiden, kagabi ka pang hindi kumakain, baka magkasakit ka nyan at ang baby. Kumain ka muna,kahit konti lang,"wika ng ginang.

"Hindi ako nagugutom  tita. Bakit kaya hindi pa, nakauwi si Jabez?"

"Hihintayin muna natin baka mamaya lang ay, nandito na siya."

"Hindi ako mapakali eh. Si Freza nasaan tita?"

"Nasa kuwarto niya, tulog pa."

"Puntahan ko lang siya,"Patakbo siyang umakyat sa hagdan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Son Of DemonsWhere stories live. Discover now