The Son of Demons

89 15 3

Chapter 27

Nang gabing iyon ay naisipan nila Freza at ang mga kaibigan niya na mangaso sa kagabutan.Tila bagong challenge ito sa kanya dahil ngayon niya masusubukan ang galing niya sa pag-hawak ng pana.Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang adventure na nais niyang gawin kahit tutol ang mga magulang niya dito.

"Narinig niyo ba 'yon?"tanong ng isa sa mga kaibigan ng dalaga.

"Wala naman,ah!"sagot nang isa sa dalawa pang kasama nila.

"Pakinggan niyong mabuti,"ulit nito."Tila may umuulolong sa bandang roon,"anito.

"That's great!"Masayang sagot ni Freza."Tara tingnan natin kung ano iyon,"aniya.

"Wait!"pigil ni Wela."Mas mabuting mag-hunos-dili tayo.Hindi pa natin alam kung ano ang mga iyon,"suggestion nito.

"Tama!"sagot naman ng mga kasamahan niya.

Sa pangununa niya ay sumunod ang mga ito sa kanya.Tila ingat na ingat sila sa kanilang bawat hakbang at pigil ang malakas nilang paghinga.Napatigil si Freza ng makita ang sitwasyon.Ang babaeng buntis na bihag at nakakatali ito sa malaking puno at napapalibutan ng mga malalaking oso.Sa panahon ngayon ay marami parin palang hayop na ganoon.

Dumapa sila upang hindi sila makita at maamoy ng mga ito.
"Mag-ingat kayo,"bulong niya sa mga kasama."Huwag kayong gagawa ng ingay at gagalaw sa mga kinapupuwestuhan niyo.Magmasid nalang muna tayo,"babala niya sa mga ito.Tumango naman ang mga ito bilang pagsang-ayon.

Freza was half-sister of Jabez.Magkapatid sila sa ina.Naikuwento rin sa kanya ng kanyang Mommy Maria na may kapatid siyang lalaki.Ang kanyang kuya Jabez.At tuwing tinatanong niya kung nasaan ito ay ang palagi nitong sagot sa kanya ay patay na raw ito. Ngunit hindi siya naniniwala sa kanyang ina.

Isang gabing umuwi siya ng hating-gabi at napadaan sa kuwarto ng kanyang ina ay may nakita siyang anino ng demonyo at kausap ito ng kanyang ina.Ang akala lang niya ng mga sandaling iyon ay namamalik-mata siya pero totoong anino ang nakita niya.Nakita rin niyang naglaho ito.Mula noon ay natuklasan niya ang lihim ng kanyang ina.Buhay pa ang kanyang kapatid.At iyon ang nag-udyok sa kanya para mag-aral ng pana.Gusto niyang hanapin ang kanyang kuya Jabez sa kagubatan at napag-alaman niyang sa lugar na ito siya nakatira.Lingid sa kanyang mg kaibigan ay hindi nila alam ang plano niya.

"Ano Jabez,nakapagdesisyon ka naba?"tanong ng kung sino man.
Sa pagkarinig ni Freza sa pangalang 'Jabez' ay naalimpungatan ang dalaga sa kanyang malalim na pag-iisip.Nasa panganib ang kuya niya at ang kasintahan nito.Kailangan niyang iligtas ang mga ito sa kamay ng bumihag sa kanila.Malakas ang kutob niyang ang Jabez na hinahanap niya ang nasa panganib.

Binilang ni Freza ang mga osong nakapalibot kay Aiden.Lima ang mga ito.Sinilip niya ang kinaroroonan ni Jabez ngunit hindi niya ito makita dahil madilim ang kinaroroonan nila.
"Dito lang kayo,"bulong ni Freza sa kanyang mga kaibigan."Titignan ko lang ang sitwasyon sa banda roon,"aniya.

"Mag-iingat ka,"paalala naman ng mga ito sa kanya.Tumango muna siya bago gumapang.Napaghandaan na ni Freza ang sitwasyong iyon.Alam niyang maligno ang kuya Jabez niya at hindi na iyon bago sa kanya.Ngunit ang malaking katanungan sa kanya ay kung sino ang may kagagawan ng pagkabihag nila.

Sa hindi sinasadya ay may nasagi si Freza na naglikha ng malakas na ingay.Naikinabulagta ng mga malalaking oso.Kakaibang mga oso dahil may mga malalaking ngipin ang mga ito at tumutulo pa ang kanilang mga bunganga.Agad siyang pinuntahan sa kanyang kinaroroonan at inaamoy ang paligid.Pigil ang sariling huwag siyang makita ng mga ito.

Agad siyang gumulong patago sa malaking puno.Idinapa ang sarili.She set her bow and arrow.Tutok sa mukha ng oso ay buong lakas niyang hinila at inasinta ito at sapol agad.Isinunod naman niyang inasinta ang isa pa at napatay rin niya ito.Biglang naglaho ang mga ito nang matamaan niya.Naalala niyang nilagyan pala niya ng 'Holy Water' ang dulo ng mga iyon.Talo nalang ng naiwang bantay kay Aiden.Ngayon naman ay kung ilan ang nasa paligid ng kanyang kuya Jabez.Kasama ang leader ng mga ito.

****
Mailigtas kaya ni Freza ang kuya Jabez niya?

Next...

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!