The Son of Demons

163 14 0

Chapter25

The new king will be born!

Sa kaligtasan ni Jabez na nakalatay sa kanyang kapalaran ay ang hindi pa naisisilang na sanggol sa sinapupunan ni Aiden ang kasagutan.Ito ang papalit kay Jabez sa kanyang puwesto kaya kailangang maisilang ito ni Aiden.Ngunit sa likod nang mga kalaban ay may nagbabadyang panganib sa mag-ina.

"Bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nagagawa ang misyon mo,Vivian,"boses nang ama nitong demonyo."Nalalapit na ang araw mo sa mundo nang mga tao.Tandaan mo hindi ka mortal."

"Papa,ginagawa ko ang lahat para makuha ang loob ni Jabez.At malapit nang mangyari iyon Papa,"pagsisinungaling ni Vivian rito."Maghintay ka lang."

"At hanggang kailan mo naman gagawin 'yon?Hanggang kailan ako maghihintay?Kapag naging huli na ang lahat!"

"Don't worry,Papa,may naisip na akong plano."

"At ano'ng klaseng plano naman 'yan?"tila diskumpiyadong tanong nang kanyang ama.
"Sana sa binabalak mo ngayon ay siguraduhin mo lang na magtatagumpay kana kung hindi ay mawawalan tayo nang kapangyarihan sa mundo ng mga demonyo!At ang magha-hari ay walang iba kundi ang ama ni Jabez."

Hanggang ngayon ay sakim pa rin ang kanyang ama sa kapangyarihan.Hindi kasi nito mapantayan ang ama ni Jabez.Pero kahit ganoon ang kanyang ama ay handa niya itong pagsilbihan.At gagawin niya ang lahat mapapayag lang si Jabez.At ang naisip niyang solusyon ang maging pain si Aiden.Gagamitin niya si Aiden para mapapayag si Jabez.

Narinig rin niya kanina ang pag-uusap nila Jabez at Lola Gloria.Napag-alaman niyang nagdadalantao si Aiden at si Jabez ang ama.At ang bata na iyon ay isa ring demonyo na puwedeng sumunod na maging hari sa ibayong mundo nila.Isa rin itong tagapagmana ng kaharian ng mga demonyo.

"Hindi puwedeng mangyari ito!"gigil na sigaw ni Vivian sa loob ng kanyang silid.Wala na ang aninong demonyo mula sa kanyang ama na kausap niya kanina sa dingding.
"Humanda ka sa aking babae ka at kayo nang magiging anak mo!Ginagalit mo talaga ako!I-enjoy mo na ngayon ang huling gabi mo!"aniya saka ito nagbagong anyo.

Sa galit ni Vivian ay sumugod siya sa mga bahay na nasa loob ng hacienda ni Jabez.Ipapakita niya sa binata ang bagsik ng galit niya.Papatunayan niya sa binata na kaya niyang sirain ang binuo nitong pamilya sa mga trabahador nito.Hindi siya natatakot at magpapatalo sa binata.

While Jabez wanted to chuckle as he stared at Aiden's dumbfounded face.Hindi niya namalayan ang masamang balak ni Vivian.Nakikipag-kulitan  pa rin siya sa dalaga nang mga sandaling iyon at pinagpapantasyahan.

Nanlaki ang natural nang madidilat na mga mata nito.Her lips were parted.They looked kissable when she was not pressing them in thin line.Mapupula ang mga iyon,parang napakalambot  din.Puwedeng-puwede itong lipstick model.

Kumurap-kurap ito nang ilang beses bago muling pinaglapat nang mariin ang mga labi.Magkasalubong na naman ang mga kilay nito.He wondered  what was wrong with her.Parang napakalaki nang galit nito sa mundo kaya kung umusta ay daig pa ang batang mahirap suyuin.

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?Kung hindi mo kayang panagutan ang pinagbubuntis ko,puwes,bukas na bukas din bago sumikat ang araw,nakaalis na ako dito sa mansion mo!"

"I won't leave here until I explain to you everything."

"Explain mo do'n sa  babae mo!"

He sighed.Bakit ba napakahirap pagpaliwanagan ng mga babae?"Ayokong umabot sa ganoong punto.Ang sa akin lang,ang gusto kong mangyari ay ang kaligtasan niyo ng magiging anak natin.Baka puwedeng hindi mo ipagkait sa akin ang karapatang nasa maayos kayong kalagayan.Please,"pagmamakaawa niya.

Malakas na boses ni Lola Gloria ang sumagot sa pagmamakaawa ni Jabez.Tinatawag ang pangalan nang binata at hingal na hingal pa.Nagkatinginan sila ni Jabez saka tinungo ang kinaroonan ni Lola Gloria.

"Jabez!Jabez!"malakas na tawag nito.Paulit-ulit iyon.

"Ano po 'yon Lola?Ano'ng nangyari?"naguguluhang tanong ng binata sa matanda.Nakita niyang pawisan ito at balisa.

"Jabez....ang mga trabahador mo sinugod nang mga lobo,"nanginginig na sabi nito."Puntahan mo sila,dali!"

"Lobo?"ani Aiden."Paanong may nakapasok na mga lobo dito sa hacienda mo?At paano mo naman kakalabanin ang mga lobo,Jabez?Baka mapahamak ka sa gagawin mo,"natataranta at naguguluhang sabi niya.

"Stay here with lola.At kung maari ikandado mong mabuti ang mga pintuan at bintana.Huwag na huwag kang lalabas hanggat hindi ako bumabalik.'Wag matigas ang ulo."

Wala siyang nagawa kundi tumango at panoorin na lang itong umalis hanggang sa naglaho na ang binata sa paningin niya.Tanging Dasal na lang ang naitulong niya para sa kaligtasan nito.

Malalakas na alulong ang umalingaw-ngaw sa paligid.Animo nagpiyesta ang mga ito dahil sa palakasan sila ng alulong.Wala pa rin si Jabez.Hindi pa ito nakakabalik.Sobrang nag-aalala na siya sa binata.Naiiyak na rin siya sa takot ngunit kailangan niyang maging malakas para sa magiging anak nila.

Diyos ko,iligtas niyo po siya,nai-Dalangin niya sa itaas.Saka pinahid ang luha na tumulo sa kanyang mga pisngi.

****Next****

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!