The Son of Demons

202 19 4


Chapter 29

NAPALINGON si Jabez sa paligid at hindi niya inaasahan na may maglakas-loob na iligtas sila. Lalo na't hindi ordinaryo ang kalaban.

"Ssshhh...! Huwag kang maingay, ililigtas namin kayo."Wika ni Wela sabay laslas niya ng tali sa  kamay ni Aiden.

"Maraming salamat sa inyo"

Nakita ni Jabez ang tatlong babae na iniligtas nito si Aiden, pakiramdam niya'y nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

Palaisipan sa kanya kung sino ang mga ito at bakit napadpad sila lugar na'yon.

Biglang nawala si Vivian sa kanyang harapan, kaya nakakuha s'ya ng tiyempo upang saklolohan si Aiden at ang mga nagligtas sa kanya. Sapagkat napansin sila ng mga halimaw at ngayo'y dahan-dahan na lumapit sa kanila na handang-handa na silang lapain.

Hindi nag-aksaya ng oras si Jabez at agad siyang sumalakay sa mga lobo. "Hindi nila pwedeng makita ang tunay kong pagkatao."Naisaloob niya, at dinampot ang malaking kahoy na may kahabaan.

Iyon ang ginamit niyang panlaban sa mga halimaw. Gumamit siya ng lakas sabay hampas sa mga lobo at malayo ang binabagsakan nito.

"Aiden,isama mo sila at umuwi kayo sa hacienda.  Alam na ni yaya Gloria kung anong dapat gawin at ako na ang bahala dito."

"Pero Jabez, paano ka?" Tanong niya na may kasamang pag-alala.

"Huwag mo akong isipin, pangako, makakauwi akong buhay."

"May kasama pa kaming isa, baka napaano na 'yon. Hindi na nya kasi sinasagot ang tawag namin. "Ani Wela  na, nasa boses ang sobrang pag-alala.

"Huwag kayong mag-alala, hahanapin ko siya."

Nang makaalis sina Aiden, ay agad siyang nag-palit anyo,tuluyan siyang nagiging halimaw. Dahil sa talas ng kanyang paningin at pang-amoy, ay agad niyang natunton ang kinaroroonan ng isang mortal na babae at kaharap nito si Vivian.

"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako, kutong-lupa ka!"Galit na boses ni Vivian at dahan-dahan na lumapit kay Freza.

Umaatras naman ang dalaga, upang paghandaan ang pag-atake ng halimaw.

"Alam kong isa kang demonyo, subalit ay hindi ako natatakot sayo! "

"Pwes!! Ito na ang katapusan mo! " Sabay atake niya dalaga.

Ngunit,maagap na,sumaklolo ang isang lalaki na halimaw at agad sinakmal si Vivian. Kapwa ang dalawa na gumulong-gulong at patuloy ang kanilang pagpalit-palitan ng lakas at kapangyarihan.

"Kuya Jabez! " Sambit ni Freza sa halimaw na lalaki. Ngunit hindi iyon narinig ng halimaw. Patuloy lang niyang pinagmasdan ang dalawa, ngunit lagi siyang nakahanda kung sakaling madihado ang kaniyang kuya Jabez.

Demonyo laban sa demonyo iyon ang nangyari sa pagitan ni Jabez at Vivian.

"Hindi mo ako matatalo Jabez! Dahil mas-malakas ako kaysa sayo!"Bulyaw nito.

"Sino ka ba talaga!?Ano ang pakay mo sa akin?"

"Hindi na mahalaga kung sino ako! Ang importante sa akin ay mapatay ka, upang mapasaakin ang trono."

"Wala akong pakialam sa trono na sinasabi mo, pero ngayon palang ay hindi ko mapapayagan na ikaw ang maghari. Sapagkat nakikita ko na ang maaring mangyari sa mundo ng mga tao!"

Nagpatuloy ang kanilang labanan at kapwa na  mabilis ang kanilang mga galaw.  Nagiging maingat naman si Freza, dahil halos hindi na nya matanto kung nasaan na ang dalawa.

"BAAAG!"

Napalingon ang dalaga sa kanyang likurang bahagi, dahil doon bumagsak si Jabez mula sa himpapawid.

"Katapusan muna Jabez! "Sigaw ni Vivian at inilabas ang isang matulis na patalim.

Ang patalim na'yon ay ang nag-iisang bagay na s'yang makakapuksa sa pinakamakapangyarihang demonyo.

"AAAAAHHH!"

Muling sigaw ni Vivian at akma na niyang saksakin si Jabez. Ngunit mas mabilis si Freza at nagpakawala ng isang bala ng pana, tumama ito  sa likod ni Vivian at bahagya itong umusok.

Humarap siya sa kanyang likuran at,tiniis ang kakaibang sakit ng kanyang buong katawan. Maagap namang kumilos si Freza at muling naglagay ng bala, sapagkakataong iyon ay dalawa na ang kaniyang inihanda para sa halimaw.

"Hindi kita, hahayaan na mapatay mo ang aking kuya!"Sigaw niya at biglang nagulat si Jabez sa kanyang narinig.

"Kung ganoon, uunahin na kita!!"Aniya at nagsimulang iangat ang kanyang kamay. Ngunit sinabayan iyon ni Freza, Agad niyang hinila ang hawakan ng kanyang pana at pinakawalan niya ito.

Nang mapansin niyang may lumabas na malaking apoy mula sa kamay ni Vivian at papunta sa kanyang kinatatayuan,  ay agad niya itong iniwasan. Tumalon siya at gumulong-gulong. 

Si Vivian naman ay natamaan sa kanyang dibdib at unti-unting nalulusaw. Hanggang sa, nagiging itim na usok ito at biglang naglaho.

Mabilis na tumakbo si Freza at nilapitan ang kanyang kapatid. "Kuya Jabez okay ka lang ba?" Pag-alala niyang tanong.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala at tinatawag na kuya? "

"Ako si Freza anak ni Mary, magkapatid tayo sa ina,"malumanay niyang tugon.

"Mary?"Pag-uulit ni Jabez sabay pag-alala sa pangalan ni Mary.  Natandaan niya ang sinasabi ni yaya Gloria na Mary ang pangalan ng kanyang ina.Agad nanumbalik ang kanyang galit para sa tunay niyang ina.

"Nasaan siya!? Gusto ko siyang makita! "

TO BE CONTINUED.

A/N... MAPATAWAD KAYA NI JABEZ ANG KANIYANG INA? AT ANO KAYA ANG MARAMDAMAN NI MARY KUNG MAKAHARAP NA NIYA ANG ANAK NA DEMONYO? ABANGAN ANG HULING BAHAGI.....

Next....

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!