The Son of Demons

185 14 4

Chapter11

Patuloy lang si Yaya Gloria sa paki-kipagkuwentuhan sa kanya habang abala naman siya sa pagkain.
Binantayan siya nito at hindi iniwan hanggang sa hindi niya na ubos ang inihinda ng ginang para sa kanya.

"Nabusog ka ba,Ineng?"nakangiti nitong tanong.

"Opo,"aniya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Sa,tingin ko pa ay maayos na ako."

"Mabuti naman kung ganoon,Aiden.Dapat siguro ay makipag-ugnayan ka sa pamilya mo para malaman nilang nasa maayos ka ng kalagayan.Baka nag-aalala na sila sa iyo.Kutob ko nga baka iniisip nilang patay ka na."

"Nasa Amerika po ang mga magulang ko Yaya.Baka kapag nakipag-ugnayan ako sa kanila gamit ang long distance call, hindi ko rin sila makontak dahil sa sama ng panahon."

"Ganoon ba?Di dito kana muna tumuloy,tutal ang laki naman ng hacienda ni Jabez at saka para may kakuwentuhan ako kapag walang tao rito."

Nais niyang magtagal pansamantala ngunit puno ng agam-agam ang dibdib niya.Tila kay hirap paniwalaan na may nakita siyang halimaw na noon ay napapanood lang niya sa telebisyon.

"Puwede ho ba akong makahiram ng cell phone Yaya Gloria?Tatawag lang ho ako sa amin.Puwede rin ho landline,"aniya.

"Sandali..."

"Sige ho,"ani Aiden.

Pagbalik ng ginang ay may hawak na itong cell phone.Sinabi nitong landline iyon.Tinanggap niya iyon ay idinayal ang telepono sa bahay nila matapos mailagay ang area code.Apat na ring bago sinagot iyon ng kasambahay nila.

"Ma'am Aiden....!"

"Ako nga,"aniya.

"Nasaan ho kayo?"

"Nandito pa ako sa Batangas.Makinig ka,I want you to rescue me here,kaso hindi pa ako makaalis sa ngayon dahil may bagyo.Ipaalam mo kina Susan at Annie na sunduin nila ako rito sa lalong madaling panahon."

"Sige po,Ma'am."

"Salamat."

Tinapos na niya ang kanilang usapan.Ibinalik niya ang cell phone kay Yaya Gloria.Niligpit na nito ang pinagkainan niya.
"Pasensiya na ho kung nakakaabala ako rito."

"Wala iyon,Aiden."

"Nakakahiya rin sa may-ari ng bahay,"aniya.

"Mabait naman si Jabez.Kung masama iyon,sa tingin mo ba iuuwi ka niya rito?" Nakangiti nitong pahayag.
"Balik tayo sa kuwarto.Dalawang araw pa 'yang suot mong damit.Kailangan mo nang magpalit."

"Sige po."

Bumalik nga sila sa kuwarto.Saglit siya nitong iniwan at pagbalik ay may dala itong mga damit.Pumasok naman siya sa banyo at naligo kahit na bumabagyo.Gumaan ang pakiramdam niya.

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!