The Son of Demons

200 12 0

Chapter Sixteen

MAGDAMAG na hindi nakauwi  si Jabez,dahil sa layo ng kanyang tinakbuhan. Minabuti rin niyang hindi muna bumalik sa hacienda,sapagkat gusto niyang mapag-isa at nahihiya rin siyang magpakita sa dalaga. Dahil sa kanyang nagawang kapusukan .

Samantala'y hindi nakatulog si Aiden ng magdamag,sapagkat iniisip pa rin niya ang kanyang nagawang pang-aakit sa binata. Pakiramdam nya tuloy ay isa siyang babaeng napakababa.

Kaya nagpasya siyang umalis na lamang sa hacienda na hindi magpapaalam sa binata. Buo na ang kanyang pasya at 'yun ang kanyang gagawin.

Kinabukasa'y maagang lumabas sa bahay si yaya Gloria,at inikot ang buong kuwadra,. Dahil nag-alala siya sa binata,sapagkat wala ito sa kanyang kuwarto at alam niyang lumalabas ito ng hacienda.

"Yaya Gloria,"sambit ng bisita.

"Aiden,bakit ang aga mong gumising?"

"Magpapaalam na sana ako yaya. Mas maganda na 'yung maaga ako aalis, para maaga akong makarating sa bayan "

"Hindi mo ba hihintayin si Jabez?"

"Bakit yaya umalis ba siya?"

"Siguro maaga siyang umalis,dahil wala siya sa kanyang kuwarto."

"Ganoon po ba? Hindi na siguro yaya,baka sinadya niya iyon. Dahil gusto niyang umalis na ako dito."Matamlay niyang tugon sa matanda.

"Hindi naman siguro Aiden, pero kung buo na talaga ang pasya mo ay hindi na kita pipigilan. Ipapahatid nalang kita sa isang tauhan dito,upang makasigurado tayo sa kaligtasan mo."

"Sige po yaya,at maraming salamat talaga sa pagkupkop ninyo sa'kin, paki-sabi narin kay Jabez na salamat sa lahat."

"Sige iha, mag-iingat ka."Wika ni yaya at mahigpit na niyakap ang dalaga.

Mabigat ang mga hakbang ni Aiden,habang papalayo siya sa hacienda, nakaramdam rin siya ng kalungkutan nang biglang sumagi sa kanyang isip ang binata. Ramdam niyang mahal na niya ito at nasisiguro niya iyon. Sapagkat ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.

"Magkikita pa kaya tayong muli Jabez?"Tanging tanong niya sa sarili.

SAMANTALA, pagod na dumating sa hacienda si Jabez at bagsak ang mga balikat nito. Agad naman siyang sinalubong ni yaya Gloria.

"Anak,saan ka ba galing?Sobra akong nag-alala sa'yo, okay ka lang ba?"

"Hindi yaya, si Aiden tulog pa ba?"

"Wa-wala na siya Jabez, umalis na siya kanina pa."

"Ganoon ba?"

"Pero kung gusto mo siyang habulin,baka maabutan mo pa."

"Huwag na yaya, mabuti narin na umalis siya,para hindi siya mapapahamak."

"Tapatin mo nga ako anak, nahuhulog na ba ang loob mo sa kanya?"

"Oo yaya, dahil sa kanya lang ako nagkaganito, at kagabi, muntik ng may mangyari sa aming dalawa.Pero alam kong malaking mali."

"Hindi Jabez, hindi mali ang magmahal,at naramdaman kong mahal ka narin ni Aiden."

"Natatakot ako yaya, paano kung malaman niya ang totoo?Baka kasusuklaman niya ako at siya pa ang magpapahamak sa akin, o baka nga, siya ang mapapahamak sa aking mga kamay. Mabuti ng ganito yaya ang malayo siya sa akin."

"Jabez, kahit anong pagtakas mo sa kapalaran ay hindi mo pa rin ito mababago."

"Tayo ang gumawa sa ating kapalaran yaya Gloria, kaya gagawin ko ang lahat. Upang hindi mapapahamak ang babaeng mahal ko. Papasok na ako sa kuwarto yaya, magpapahinga lang ako."

Pagkatapos nilang mag-usap ay tunalikod na ang binata at pumasok sa kanyang Kuwarto.

NASA laot na ang bangka nang biglang nagsalita si Aiden. "Manong,balik tayo." Aniya.

"Po!?"

"Oo,balik tayo manong, please."

Napailing nalang ang lalaki habang ibinalik ang bangkang sinasakyan nila. Dahil may kalayuan ang dagat mula sa hacienda kaya hapon na sila dumating.

Kasalukuyan namang nasa kuwadra si Jabez nang mga  sandaling iyon. Sapagkat pinapakain niya ang kaniyang mga alagang hayop. Subalit ang laman ng kaniyang isip ay si Aiden at ang nangyari sa kanila kagabi.

"JABEZ!" Pasigaw na sambit ng isang pamilyar na boses.

Hindi alam ng lalaki kung ano ang kanyang maramdaman,matutuwa ba siya o magagalit. Ngunit mas pinili niya ang maging kalmado at dahan-dahan siyang lumingon dalaga.

"Ganyan ka ba talaga ka manhid?"

"What do you mean?Bakit ka pa ba bumalik dito?"

"Manhid ka nga Jabez! Hindi mo ba talaga  nakikia ang ang aking ginagawa?"Inis niyang tanong sa lalaki.

"Ang alin?" Pa- inosenteng tugon niya.

"Jabez, nagpa-flirt na nga ako sa'yo, kasi-!"

"Kasi ano?"

"Kasi, mahal na kita!"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Aiden! Manong! Manong!"

"Bakit po sir?"Tarantang sagot ng kaniyang tauhan,sapagkat galit ang boses ng kaniyang amo.

"Ihatid mo siya sa bayan ngayon din."

"Opo sir!"

"Hindi! Hindi ako aalis dito Jabez, hanggat hindi mo ako sinasagot!"Seryosong pagsuway ng dalaga.

Lihim namang napangiti ang tauhan sa hacienda,dahil sa inasta ng dalaga.

"Sinabing umalis kana!" Anang lalaki at binitbit niya ang dalaga na para bang isang bagay.

"Sinabing ayaw ko!"

"Ahhhh!" Napasigaw si Jabez matapos kagatin ni Aiden ang kaniyang balikat at nabitawan siya.

Mabilis na tumakbo ang talaga patungo sa loob ng hacienda at napailing-iling ang lalaki, habang sinusundan niya  ito.

Up next..... Sasabihin na kaya ni Jabez sa dalaga abg tunay niyang pagkatao?Ano kaya ang magiging reaksyon ni Aiden, kung matuklasan niya ang katutuhanan. Mamahalin pa kaya niya si Jabez?

ABANGAN.

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!