" Gag*! " 

" Oo nga! Tingnan mo 'to, nagsasabi ako ng totoo eh tapos bigla akong mumurahin. " sagot ko naman dito.

" Oo na. Sige na, ituloy mo na. " pagsuko niya.

" 'Yun nga. Akala ko dati ang galing galing ko. Ang astig astig ko. Biruin mo, napagsasabay ko silang dalawa? Parang pakiramdam ko ako na yata ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. 'Yung pleasure na gumagawa ka ng bawal? Sa una, nakakaexcite 'yun eh. May thrill kasi nga bawal. Pero hindi ko akalain... " kinuha ko 'yung pangpitong alak na nasa tabi ko at saka ko nilaklak.

" Hindi ko alam na ang kapalit pala noon ay ang pagkawala niya. Hindi ko pala kaya ng wala siya. Kung alam ko lang na ito 'yung magiging kapalit, sana hindi ko na lang ginawa. Sana hindi na lang ako nagpadala. " naramdaman kong tinapiktapik niya ako sa likod tanda ng pag-aalo niya sa akin. 

" Kaya ikaw, Trey. 'Wag mong lolokohin si Miko. Mahal na mahal ka nun. 'Wag mo 'kong gagayahin... gag* na tang* pa. " pabiro pero puno ng emosyon kong payo kay Trey. Tumango lang naman siya.

Bumalik ulit kami sa katahimikan. Nakatingin lang kami sa ibaba. Andito kasi ako sa isang parang abandonadong roof top. Madalas 'tong tambayan ng barkada noon. Nakakarelax kasi dito. Kita mo 'yung buong syudad. Kita mo lahat ng tao, busy. Nakatingin lang kami sa malayo. 'Di nagtagal, biglang tumayo si Trey at sinabing malalim na daw ang gabi. Baka hinahanap na daw ako ng mga magulang ko. 

" Tara na dude. " 

Noong una'y nagdalawang isip ako kung sasama na ba ako pauwi o kung magpapaiwan pa ako. Pero sa huli, sumama rin ako. Siguro mas magandang itulog ko na nga lang ito. Baka bukas makalawa, pagkagising ko hindi ko na siya mahal. Baka bukas pagkagising ko, hindi na ako nasasaktan. 

***

" Nag-alala ako sa'yo. " bungad sa akin ni Jandrix sa kwarto. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now