( Ito po 'yung book 2 teaser na nasa book 1 )

Malalim na ang gabi noon pero patuloy pa rin sa pagsasaya 'yung mga kamag-anak at kakilala nina Reggo. Ang dami pa ring pagkain. Ang lakas pa rin ng tugtugan. Marami ng lango sa alak. Isa na si Reggo. Inihiga ko na lamang siya sa aking balikat dahil hindi na talaga niya kayang humarap at magpatuloy pa. Eh mukhang matatagalan pa naman kami.

" Tsk. Si Reggo talaga o'oh. Hindi na nagbago. Parating knock-out. " pabirong wika ni Glenn, isa sa mga pinsan nila.

" Teka, Gray. Kwentuhan mo naman kami kung paano kayo umabot sa puntong ganito ni Reggo. Alam mo na... hindi pangkaraniwan 'yung relasyon niyo eh. " usisa nang isa pa nitong kasama pero hindi ko na makilala. May tama na rin yata ako. 

" Ah. 'Yun ba? Wala naman kasing spectacular talaga sa kwento namin ni Reggo. Sabi nga nila opposites do attract. Kami 'yun. Sobrang magkasalungat namin. Siya, typical boy. Palaaral. Talentado. Mabait na anak. Ako? Tarantado. Gag*. Basta. 'Yung mga ganung kaso. Actually, before magkaibigan na talaga kami nito. Nasira lang gawa sa isang babae. Aksidenteng ano... parang niligawan namin ay iisang babae. Siyempre nagsimula kaming maging uneasy noon sa barkada. Kahit sa barkada namin, nagkakaroon na ng parang hatian. Then one day, noong malalaman na kung sino 'yung pinili sa aming dalawa, ayon... busted ako. Doon ako nagsimulang maging barumbado, tarantado, gag*. " napangiti na lang ako habang kinukwento ko 'yung mga pangyayaring 'yon. Looking back... ang dami na rin palang nangyari. Malayo na rin pala 'yung narating ko.

" Ayun nga. Kung sinu-sinong girlfriend ko. Kung sinu-sinong babaeng kinakama ko. Basta. Naging rebelde ako pero pagdating sa tatay ko... may respeto pa rin naman ako. Nawalan lang ako ng gana noong magseryoso. Parang gusto kong gantihan lahat ng babae noon eh. And then one day, nalaman ko na magiging magkapatid na pala kami ng ungas na 'to. Ang plano ko 'non, papahirapan ko 'to. Gagawin kong miserable buhay niya. Then one night I found myself unconsciously fallin' inlove with him. Sinubukan kong pigilin, oo. Pero wala eh. Kapag lalo kong pinigil, lalo lang akong masasaktan, lalo din akong mahuhulog. So I decided to obey my heart. Tapos eto na. After all the trials... finally. He's mine and I'm his." 

Marami pa kaming napagkwentuhan. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Pakiramdam ko nga, sa kokonting oras na kajamming ko sila... pakiramdam ko tanggap na nila ako. Ramdam ko na totoo at walang halong kaplastikan sa tuwing sinasabi nilang masaya sila para sa amin ni Reggo at tanggap nila kung anong mayroon kami. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay 'yung ibang titig ni Jandrix. Ewan ko ba kung ako lang 'yung nag-iisip noon o sadyang may kakaiba lang sa titig niya. Iba eh. 

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng ihiin. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon