“Alam mo Andrei, galit ako. Aaminin ko, galit ako! Galit ako sa Daddy mo at sayo. Kung ako ang nasa posisyon ni Jess, pipiliin ko rin na lumayo muna. Iisipin ko rin na nagdududa ka dahil sa paulit ulit na test na ginawa niyo sa anak niyo. Andrei, kaming mga babae ganito mag-isip. Madali kaming masaktan sa simpleng ginawa niyo, madali kaming maghinanakit. At kaming mga babae, minsan padalos-dalos sa desisyon. Katulad na lang nang desisyon ni Jess na bigla ka na lang iwan. Kaya hindi rin kita masisisi. Parehas kayong may mali.”

Buong atensyon ko ay nasa sinasabi lahat ni Lola. Tila tinuturo niya sa akin gang iba’t-ibang personality ng mga babae at kung paano sila iintindihin.

“Ikaw ang pagkakamali mo ay ang paglilihim sa kanya. Kung gusto mong maging masaya at walang problema ang relasyon niyo, sana sinabi mo lahat sa kanya. Hindi ka dapat natakot na baka magalit siya dahil normal lang na galit ang unang magiging reaksyon nang mga babae. Sana sinabi mo na magkapatid lang kayo, na tinutulungan ka ni Jen, na baog ka at walang kakayahang magkaanak. At ang mali naman sa apo ko, simple lang, hindi siya maalam makinig.”

Natawa si Lola sa huli niyang sinabi. Tama siya! Narealize ko na tila ang dami ko pang hindi alam sa larangan nang pag-ibig. Pag minsan kasi tayong mga lalaki, basta na lang pumasok sa larangan nang pag-ibig kahit hindi pa tayo handa at kakaunti pa lang ang alam natin.

Nakita kong umiling si Lola. “Ito ang hirap sa mga ang babata pa ay pumasok agad sa ganitong relasyon. Andrei, for a relationship to work, both of you must listen to each other. At kung magiging mag-asawa na kayo, no secrets are allowed. You have to remember that.”

Yinakap ako ni Lola. Ang sarap sa pakiramdam na after mong masabi lahat nang problema mo, ay may mga taong iintindihin ka.

“Pero Andrei!” Nagulat ako nang pinagtaasan ako nang boses ni Lola.

“Ikaw na bata ka! Bakit ka nagdududa na anak mo si Alexis? Kamukhang kamukha mo ang apo ko!” Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya Marco.

“Sobrang kamukha. Paanong hindi niya makakamukha, eh halos walang araw na hindi ka mababanggit ni Jess. At walang araw na hindi ka niya iisipin. Kaya ayun Lola, kamukha nang tatay niyang tanga.” Sabay na tumawa si Lola at Andrei. Natanga pa ako ni Kuya Marco.

Yung bigat sa damdamin ko ay nawala. Isa na lang ang kailangan ko, ang aking mag-ina. I have to find them. Sila ang pinunta ko dito sa Davao ngunit wala sila. Nasaan na ba sila? Alam kong hindi lang ako ang naghahanap sa kanila, ganun din si Jen. Kitang-kita ko ang pagtya-tyaga niya sa paghahanap. Nasaktan ko siya noong huli naming pag-uusap pero sisiguraduhin kong isa siya sa mga pasasalamatan ko kapag nagkaayos na kami.

Sa ngayon, ayaw ko nang isipin lahat nang resulta nang DNA test. Fuck that result! Fuck that DNA! Ako ang ama at paninindigan ko yun. Hindi ko hahayaan na mawala ako sa mundo nang hindi man lang nasisilayan ang paglaki nang anak ko. Hindi ko hahayaan na mawala ako nang hindi kami nagkakaayos at nagkakausap ni Jess.

“Tumigil ka muna dito nang ilang araw. Ipapasyal ka ni Marco para mawala kahit papaano yang stress mo. After that, you can go back on your searching operation. Marco, dalhin mo siya sa kwarto ni Jess.”

Nagtungo kami sa ikalawang palapag nang bahay. Bumungad sa akin ang pambabaeng kwarto. Halatang kay Jess ito dahil may malaking picture frame ito na tila stolen ang pagkakakuha. Ang bata pa niya at napaka-inosente. Napangiti ako habang tinititigan ito.

“She’s so beautiful na kahit na ang mga malalayo naming pinsan ay nagkakagusto sa kanya. Beauty and brains, nasa kanya kaya sabi ko noon napakaswerte nang magiging asawa ni Jess.”

Napatingin ako kay Kuya Marco.

“She sings a lot, lalo na sa bathroom. She loves pink and she loves adventures. Mas kamukha niya ang mommy niya kesa kay Tito Rafael. Kaya ingat na ingat si Tito Raf dyan simula nang mamatay ang mommy niya. She’s a princess.”

“And I’m gonna make her my Queen.”

Tinapik ni Kuya Marco ang balikat ko.

“Make her. Hanggang ngayon iniisip ko talaga kung paano ka magiging baog, samantalang kitang kita ang proweba sa anak mo. Damn man! Your genes are all over Alexis!” Nagtawanan muna kami ni Kuya Marco bago siya umalis sa kwarto.

Muli kong pinagmasdan ang litrato na nakasabit sa dingding.

“Baby, I’m gonna make you my queen. And you don’t have a choice but to say yes.”

Hahanapi kita kahit saan pang lugar yan. Kahit sa langit pa yan!

Sumunod na araw ay ipinasyal nga ako ni Kuya Marco sa Davao. Ang dami naming pinamili na mga prutas. Bukod sa may pagkamura, ay fresh na fresh ang mga prutas dito. Masarap pa sana dito magtagal, pero sinabi ko sa kanila na tatlong araw lang ako dito sa Davao.

Nakarating kami ni Kuya Marco sa bahay at sobra-sobra akong nakaramdam nang pagod. Agad akong umupo at ramdam ko na hirap ako sa paghinga.

“Bro, namumutla ka. Okay ka lang?”

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Marco. Kinabahan agad ako. Alam kong hindi ako okay but I have to act like one.

“Oo naman, napagod lang.” Tumayo ako para umakyat sa patungo sa kwarto ngunit nakaramdam ako nang hilo. Inalalayan ako ni Kuya Marco.

“Bunso!” Sigaw ni Kuya Marco. Damn! Hwag ngayon!

Lumapit naman ang kapatid nitong bunso at ang ilang pinsan ni Jess.

“Anong nangyayari dito?” Rinig kong sabi ni Lola. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa hilong nararamdaman ko. Kumapit ako sa isang pinsan ni Jess. Hindi ko maaninag kung sino ito, pero sa ngayon kailangan ko nang mahahawakan dahil ramdam ko na matutumba ako anytime.

“Iho, ayos ka lang ba? Anong masakit sayo? Iupo niya siya!” Inupo naman nila ako.

“Tubig! Nasaan na ang tubig na pinapakuha ko!” Tumaas ang boses ni Lola. May lumapit naman agad na may dalang tubig. Ininom ko ito, ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang hirap ko sa paghinga. Tumayo ako at agad naman nila akong inalalayan.

I have to be strong.

“Kaya ko na po. Aakyat na lang muna ako sa kwarto.” Binitawan nila ako at hinayaang maglakad. Umiikot ang mundo ko. Hindi ko na naituloy ang paghakbang sa unang baitang.

“ANDREI!”

“KUYA!”

Lord, I will leave everything to you.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now