twenty one

118 10 24
                                    




"Pa'no mo nalaman na daisy ang paboritong bulaklak ko?"

"Someone told me." Mahinang sabi niya.

Nag-aalangang ngiti ni Hoseok kay Jimin habang makahulugan na tinititigan siya. Napakamot tuloy siya sa batok niya at agad na nag-iwas ng tingin, inayos niya na lamang ang bulaklak sa isang glass vase na nakapatong sa side table.

"Nagi-guilty tuloy ako." Marahang sabi ni Jimin kaya naman mabilis na nag-angat ng tingin si Hoseok sakanya. May pagtataka sa mukha dahil nakita niya ang pagbakas ng konsensya sa mukha ni Jimin.

"B-bakit? Para saan?"

Bumuntong hininga si Jimin, "Hindi pumapalya si Jungkook noon sa pagbigay sakin ng mga bulaklak. Lahat yun tinatanggihan ko. Sa huli niyang bigay sakin, sinabi ko sakanya na allergic ako sa bulaklak. Ang harsh ko ba sakanya?"

Ngumiti si Hoseok, inayos niya ang buhok na tumatabing sa mukha ni Jimin bago ibinigay ang sagot. "Hmm, hindi naman masyado." Sabay tawa na rin nito.

"Grabe, ang sama ko pala sakanya."

"Medyo lang."

"Dalawang buwan siyang nanligaw sakin. He tell me how much he loves me but, I gave nothing to him but pain— I boldly told him that I don't need his love either anyone's love. I'm such an arrogant idiot person."

Napatikhim ng bibig si Hoseok, hindi niya alam ang sasabihin niya. Alam niya na hindi ganong klase ng tao si Jimin. He can't give pain to anyone. He can give and he can also take. Hindi niya inaasahan na naging ganun pala si Jimin kay Jungkook. Alam niya naman na hindi intensyon ni Jimin na manakit na kahit sino. Pupwera nalang kung masasaktan din siya.

Ilang saglit na tumitig siya kay Jimin, ng mapagtanto ang may katagalan niyang titig ay napagdesisyunan niyang umupo sa may dulo ng kama sa paanan ni Jimin. Nginitian niya ito dahil sa paraan ng pagtitig nito sakanya— ramdam niya ang tila ba pagkwestyon nito kung bakit hanggang ngayon ay nanatili pa rin siya sa tabi nito sa kabila ng kondisyon niya.

Mas lumawak ang ngiti ni Hoseok. The usual smile he's always wearing. The smile that can make everyone's day brighter than the sun. The smile that the younger misses and longing to see.

"Sapat na siguro ang salitang mahal kita kaya mananatili ako sa tabi mo hanggang dulo."

Si Jimin. Halos matunaw ang puso niya dahil sa narinig. Ngunit bakit tila may kung anong bagay ang nagsasabi sakanya na hindi dapat siya maging panatag sa matatamis na salita na maririnig niya kay Hoseok. Siguro dahil noong nakaraan na hindi sinagot nito ang naging tanong niya.

o may iba pang dahilan kung bakit.

"Mahal kita, Jimin."

"Hmm, salamat."

Bakit mali ba ang naging sagot niya, para matigilan ng ganun si Hoseok? Mali ba na magpasalamat sa isang tao na nagmamahal sayo? Mali ba na salamat ang sagot mo sa salitang mahal kita? Bakit, kailangan ba na sagutin mo rin ito ng parehong salita?

"W-walang ano man."

Napayuko na lamang si Jimin. Tumitig ang mga mata sa kaliwang binti na hanggang ngayon ay hindi niya parin maigalaw. Hindi nagtagal ay may ipinatong na plato si Hoseok sa gilid ng kama niya, nag-angat siya ng tingin at kumunot ang noo niya dito.

"Kumain ka na, kailangan mong magpalakas. Bukas makalawa din daw magsisimula ng ang therapy mo."

"Ayaw ko."

Parang bata na saad ni Jimin. Inilihis ang tingin kay Hoseok na matalim siyang tinititigan dahil sa tigas ng ulo nito. Hindi sumusunod sa payo ng doktor.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now