ten

92 12 18
                                    

third person's

Naghahanda na si Ethan para pumasok sa eskwela. Hindi niya maiwasan na hindi mapatingin sa lalaki na nakaupo sa kanilang sofa, tinititigan siya na waring kinakabisa bawat parte ng katawan niya.

Naiilang siya.

"Sa UST ka pala nag-aaral?"- tanong nito na ang tingin ay nakatuon sa suot niyang i.d.

Napatigil siya saglit sa pagsisintas ng marinig ang tanong sakanya ng lalaki. Inangat niya ang tingin dahilan para makita niya ang halos walang emosyon na mga mata nito.

Kumunot ang noo ni Ethan, hindi niya na lamang pinansin ang pangingilid ng mga luha ni Vince.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo ng matapos sa pagsuot ng sapatos, inayos niya rin ang nagusot niyang damit, muli niyang tinignan ng maalala ang tanong na kagabi niya pang gustong itanong dito.

"Saan ka ba nakatira?"- napalunok si Vince, iniiwas ang tingin kay Ethan.

Hindi niya alam ang isasagot niya. Hindi niya pwedeng sabihin saan siya nanggaling.

"Ethan, anak. Hayaan mo munang makapagpahinga si Vince. Mukhang pagod pa ata siya sa byahe."

Nagsukatan ng tingin ang dalawang binata, hindi alam ni Vince kung anong sinabi ni Ethan sa ina niya, o kung ano ang pakilala neto sakanya.

Ang mahalaga ay hindi na rin ito mangungulit sa kalagayan niya.

Napakamot si Ethan sakanyan batok ng maglakad palapit sakanya ang ina, pinasadahan siya ng tingin sabay pabirong binatukan siya. "Kagabi ko pa napansin yang mga pasa mo sa mukha, hindi ko lang pinansin dahil nahiya na akong sermonan ka sa harap ng bisita mo! Ano bang nangyari jan? Sinong nakaaway mo?"

Hindi nalang siya nagsalita at hinayaan nalang ang ina sa naging tanong nito. Alam niya na kapag sinabi niya na si Jared ang may gawa ng mga pasa niya ay paniguradong hindi naman ito maniniwala sakanya.

"Si mama na ang bahala sayo, kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi kay mama. Okay?"- tumango si Vince at ngumiti ng pilit.

Nagpaalam na rin si Ethan sakanyang ina, bago maglakad paalis. Tinitigan niya muna si Vince, pinagmasdan niya itong mabuti at hanggang ngayon ay pilit niya pa ring inaalala kung nagkita na nga ba sila noon pa.

🎶

Napatigil sa paghakbang ang mga paa ni Ethan, hindi niya gusto ang huminto sa gitna ng tahimik na hallway ngunit wala siyang pagpipilian.

Tila ba may sariling utak ang kanyang mga paa. Kahit anong pilit niya sa sarili na muling humakbang ay hindi niya na magawa.

Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng hininga, nang oras na magkasalubong ang mga mata nila. Ilang beses na nga ba itong nangyayari ngunit tila iba pa rin ang epekto ng binata sakanya. Ngunit mas ramdam niya ang pagkadurog ng kanyang puso sa sitwasyon na bumungad sakanya.

Abala si Raine sa paglalagay ng mga bandaids sa mga sugat na natamo ni Jared sa kanyang mukha, ang malala pa dito ay halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Hindi ata uso sa dalawa ang salitang 'espasyo'.

Nagsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya nasasaktan sa nakikita niya ngayon. Daig pa ang sakit sa mga natamo niyang sugat. Hindi niya masabi kung gaano niya kagusto na sana ay siya nalang ang ginagamot nito, sana siya nalang ang nakakaramdam ng malasakit galing kay Raine. Ngunit ang hilingin na maging siya ay mali.

Umigting ang panga niya ng hindi nakaligtas sakanyang paningin ang ginawang pagngisi ni Jared, otomatikong tumalim ang tingin niya rito. Hindi niya dapat ito nararamdaman ngayon, ngunit tila ba ay bigla siyang kumulo na tila isang nagaalborotong aktibong bulkan.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon