sixteen

82 11 18
                                    




Mailang ulit na napapasulyap si Taehyung sa pintuan ng kwarto niya. Tila ba may hinihintay na tao na inaasahang bigla na lamang susulpot at magpapakita ng nakakasilaw na gilagid. Napabuntong hininga ang binata dahilan para mapansin ni Jungkook ang ikinikilos nito.

"May problema ba, hyung? Inaantay mo ba si Yoongi hyung? Kanina ka pa kasi pasulyap-sulyap sa pintuan, bakit hindi nalang ako ang pagtuunan mo ng pansin?"

Naiilang na iniiling ni Taehyung ang ulo niya. At pilit na hindi inintindi ang nakakailang na banat ni Jungkook sakanya. "H-hindi naman. Pero darating ba siya?"

"Baka hindi na yun bumalik dito, Taehyung. Kami nalang maghahatid sayo sa bahay nila dahil inaantay ka na rin ni Tita doon. Ano, tara na?"- sabat ni Namjoon na kakapasok lang ng kwarto galing opisina ni Jin upang kunin ang ilang inilibre nitong vitamins para kay Taehyung.

Napatitig si Jungkook sa kaharap niya nang bumakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Napaisip siya kung bakit ganito nalang ang inaasta nito. Baka naman pinaglilihian si Yoongi kaya panay ang paghahanap sa nakatatanda.

"Gusto mo ba Taehyung hyung, tulungan kita na mahanap mo yung ama ng dinadala mo? Marami akong kakilala sa Seoul kahit pa sa Daegu at Busan."

Ngumiti lang si Taehyung kay Jungkook. Ayaw niyang magmukhang suplado, talagang hindi lang siya sanay na may mga tao na nagpapakita sakanya ng kabaitan. Pakiramdam niya kasi ang mga tao, oras na nagpakita ng mabuti sa umpisa palang ay may kapalit na intensyon. Kukunin ang loob mo at pagkatapos sa huli ay iiwan ka lang. Tama, katulad ng nangyari sakanya. Kinuha ang loob niya, pinaniwala sa mga mabulaklak na salita. Yun pala'y ginagawa lang siyang libangan at pampalipas oras. Hanggang sa nagbunga ang lahat at pagkatapos ay hindi niya na ito nakita pang ulit.

Ang buong katotohanan, kilala niya ang tao na nakabuntis sakanya. Sa katunayan ay matalik silang magkaibigan nito. Ang dahilan kung bakit hindi niya sinasabi sa mga tao ang totoo ito ay dahil ayaw niyang masira ang kung ano man ang buhay na ginagalawan nito ngayon. Marami itong pangarap sa buhay at ayaw niyang sirain ito. Kahit pa na mismong buhay niya ang nasira dahil sa nagpadala siya sa mga pangako nito na napako.

"Alam ko naman na kahit hanapin natin siya, wala ring magbabago sa katotohanan na hindi ako ang pipiliin niya."

"Oh, one sided love? o sadyang gago lang yang nakabuntis sayo?"

"Namjoon hyung naman, huwag ka ngang ganyan. May mga tao talaga na hindi kayang mag-appreciate o suklian ang pagmamahal na ibinibigay natin. Hindi ibig sabihin nun ay gago na sila, katulad natin ay nagmamahal lang din yang gago na tinatawag mo. Ang kaso nga lang imbes saatin ibuhos ang pagmamahal nila ay sa ibang tao nila ibinigay."

Natigilan si Namjoon, maging rin si Taehyung na nag-aayos ng kanyang gamit ay napatitig kay Jungkook na halata ang pagkalungkot sa boses. Damang-dama nito ang mga salitang binitawan dahil mismong siya ay naranasan ang ganitong klase ng pag-ibig. One sided love. Masakit ngunit dapat na maging matatag at maging masaya para sa taong mahal mo.

Mabilis na naglakad si Namjoon sa pwesto kung saan nakatayo si Jungkook at nilalaro ang kulay berdeng scarf ni Taehyung sa kamay nito. Inipit ni Namjoon ang leeg ni Jungkook sakanyang braso at saka ginulo ang buhok nito na siyang nagpasimangot sa nakababata.

"Hugot naman yang ilong mo! Huwag kang mag-aalala, yang puso mo... mahahanap din niyan si the one. Hintay ka lang."

Inayos ni Jungkook ang kanyang buhok at naiilang na tumingin sa ngayon ay nakangiting si Taehyung. Pasimple siyang napahawak sa dibdib niya na malakas na kumakabog. Ewan ba niya, nakakabwiset din minsan ang puso niya dahil yung mga taong pinipiling magustuhan ay may mga lamat na. Mahirap buuhin.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now