seventeen

89 13 11
                                    




Hindi maialis ng myembro ng dance club ang tingin nila sa walang tigil na pagsasayaw ng isa sa kamyembro nila. Lahat sila ay nakatingin dito ng may mga awa sa kanilang mga mata. Hindi dahil sa pawis na tumatagaktak mula dito na halata ang sobrang pagkapagod, hindi dahil sa ilang pagbagsak nito mula sa sahig dahil sa hindi makuhang flipping routine. Ang awa na ipinapakita nila ay dahil sa mailang ulit na pagsigaw nito na may halong frustration at ang maya't mayang pagbuhos ng luha nito sa mga mata.

Tumigil na sila sa pag-eensyo at lahat ng mga mata nila ay nakapako lang ng tingin kay, Yoongi.

Maging si Soonyoung ay pinapanood lang ang tila ba pagpapagaan ni Yoongi ng sariling loob dahil sa hindi nila alam na dahilan.
Hindi niya man ito ganun kakilala ay alam niya na kung gaano nito kamahal ang pagsasayaw na siyang nagiging karamay nito sa mabigat na pinagdadaanan. Base sa nakikita niya ay wala sa ayos si Yoongi. Gusto niya itong kausapin ngunit pinangungunahan siya ng hiya.

Lahat sila ay pigil hininga na nakatingin kay Yoongi ng muli nitong subukan ang kanina pang hindi makuhang backflip para sa choreography niya. Tumayo ang ilan at natigilan sa balak na gawing paglapit ng muling pumalpak si Yoongi at mas malakas na ang naging impact ng pagbagsak niya sa sahig. Halata ang sakit na bumakas sa mukha nito, inis na pinadaan ang kamay sa pawisan na buhok at mariin na ipinikit ang mga mata sabay ng malakas na pagsigaw nito.

"Yoongi,"

"Huwag kang lumapit!"

Hindi na naituloy pa ni Soonyoung ang paghakbang ng ito ang marinig niya sa nakatatanda.

Sinubukan ni Yoongi na tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig, nagawa niyang bumangon ngunit halata ang sakit na iniinda nito sa likod maging sa binti. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang iba't-ibang reaksyon ng kanyang mga kasamahan, binigyan niya lamang ito ng kanyang casual na blangkong tingin. At hindi na umimik pa habang inayos ang kanyang gamit.

"Yoongi, kung may problema ka.. you can always tell me."- sinubukang lumapit ulit ni Soonyoung. "Kung hindi man sakin, kahit sino sa member natin. We're all ready to lend you our ears."

"I'm okay."

"That excuse is already overused, Yoongi. We all know you're not okay."

Pansamantalang natigilan sa ginagawa, tinitigan si Soonyoung ngunit agad rin nag-iwas ng tingin. "It wasn't an excuse, it's the fact."- malamig na pagkakasabi nito.

Lalabas na sana ng studio si Yoongi ng mapatigil siya.

Wearing his innocent face, tho it is far from what he really is. Their eyes met, but unlike before— no affection, no electricity, no love can be found in each other's eyes. One is showing guilt, one is showing grudge against the other.

Ang kaninang tahimik na silid ay mas lalo pang naging tahimik. Ramdam ng lahat ang tensyon na nagaganap sa pagitan ng dalawa, hindi na kailangan magtanong kung ano ang nangyayari dahil sa mga mata palang ni Yoongi. Alam na nila ang galit na nararamdaman nito para sa isa.

Sa kabila ng ramdam na tensyon, sinubukan pa rin ni Jimin ang magpakita ng isang tipid na ngiti. Inaasahan niya ang makikita niya ay ang mala pusang mga mata ni Yoongi sa pagngiti sakanya pabalik. Bagkus, isang matalim na titig ang nakuha niya.

"Yoon—"

Agad na natikom ni Jimin ang bibig niya ng may sasabihin sana siya. Muntikan na rin siyang mawalan ng balanse ng sadyang banggain siya ni Yoongi sakanyang balikat.

Tho it is intentional, Yoongi still make sure it wasn't that hard to the point na masasaktan si Jimin sa pagbangga niya. He still thinks for Jimin's safety. He's still concerned to the younger opposite from what he is trying to show everyone.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now