nine

113 12 38
                                    

Agad na napatigil ang mga paa ko sa paglalakad ng may makasalubong ako. Sabay kaming nag-angat ng mukha at parehas din ang naging reaksyon namin. Agad akong nag-iwas ng tingin nang maalala ko ang nangyari samin kagabi.

Nahihiya ako,

Pakiramdam ko ay inalisan ko siya ng kanyang karampatang pribadong espasyo. Naging mapusok ako, hindi ko inisip ng husto ang magiging aksyon ko. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin.

Tinignan ko siya ngunit hindi ko inangat ang aking ulo. Nakita ko ang paraan ng kanyang pagtitig sakin, tila ba inieksamen ang buong katawan ko.

Bakas rin ang pagtataka at konting pag-aalala sakanyang mukha.

Napatingin ako saaking sariling katawan, kagaya niya ay ineksamen ko ito at naghanap ng mali.

Kaya naman pala,

Puno ng pasa ang mukha ko at dugo ang suot kong uniporme. Kaya siguro siya nagulat kanina ng makita niya ako, walang dahilan sa pangyayari saamin kagabi.

"Ethan—"

Nakita ko kung paano siya bumwelo para magsalita, ngunit ng mapagtanto ay kaagad niya rin itinikom ang bibig niya. Mahirap ang sitwasyon namin, lalo na ang sitwasyon niya.

Hindi na ako aasa pa na kakausapin niya ako. 

At ako bilang makapal ang mukha, iniisip ko na nag-aalal siya kaya bago tumalikod at maglakad palayo sakanya ay nagsalita muna ako para magpaliwanag, siguradong makikita niya rin si Jared na ganito ang itsura. Mabuti nang ako na ang magkwento at mahirap na baka ibahin pa ang istorya.

"Si Jared,"- kumunot ang noo ni Raine, alam ko na alam niya ang nais kong ipahiwatig. 

"Siya yung nagsimula. Hindi ko na sana siya papatulan kaso ginawa niya 'to."- itinuro ko yung unang pasa na nagawa ni Jared sakin, sa pisnge iyon. "Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit siya nagkakaganun."

Sinalubong ko ang mga tingin sakin ni Raine. Hindi siya kumikibo, tila hinihintay lamang ang sunod kong sasabihin.

"Kung mahal ka niya, hindi niya naman na ako kailangan pang saktan. Ngunit hindi ako magpaparaya ng ganun kadali lang sakanya." naikuyom ko ang aking palad, kailangan kong lakasan ang loob ko kung gusto ko siyang maibalik saakin.

"Alam kong mali ang ginawa ko noon, nasaktan kita, nagkulang ako sayo. Kaya babawi ako, Raine. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako ulit."

Sa huli kong sinabi ay doon na siya nag-iwas ng tingin. Tila ba naapektuhan siya sa sinabi ko.

Tipid akong napangiti.

Kung may nararamdaman pa man sakin si Raine, kahit konti man lang. Kakapit ako sa konting pag-asa na yan, gagawin ko lahat para muli kong mabuo ang nawasak niyang puso.

Nagsalita siya, nabulol pa ata. "B-bukas, magkita tayo sa dance studio. Doon ko na lang ipapaliwanag sayo lahat."

Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, "Natanggap ba ako sa audition?"- takang tanong ko na sinagot niya lamang ng isang tipid na pag-iling.

Eh bakit niya ako pinapapunta sa dance studio bukas? 

Nagitla ako ng magsalita siyang muli. "Mauna na ako."- tumalikod na siya sakin hindi pa man ako nakakapagpaalam.

Pinanood ko lamang ang unti-unti niyang paglalakad. Nagtaka ako ng tumigil siya. "Uhm,"- mukhang may gusto pa ata siyang sabihin kaya nag-antay ako. "Hindi ko ginusto na magkagulo kayong mag-kaibigan dahil sakin. Gusto kong malaman mo na wala akong kakampihan sa inyong dalawa. Kung maaari nga lang sana, ayoko na ng gulo. Kahit anong gawin niyo, hindi na maibabalik pa ang dating ako."

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon