nineteen

108 11 34
                                    




"A-asan ang anak ko? Heechul? Asan si, Jimin ko?"

Sinalubong ng ina ni Yoongi ang ina ni Jimin na labis ang pag-aalala para sa anak. Hindi ito mapakali at naluluha na rin matapos makapasok sa loob ng kwarto kung nasaan si Jimin. Naabutan nila si Yoongi dito na nakatayo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Jimin at hawak ang kaliwang kamay nito.

"Jimin anak. Nandito na si mama. Gising ka na anak ko, nandito na ako."

Nag-angat ng tingin ang ginang kay Yoongi. Gusto niyang magtanong ngunit hindi niya magawa dahil sa labis na emosyon na dumadaloy sa buong katawan niya, dumako ang tingin ni Yoongi sa papa ni Jimin na walang kaimik-imik. Tila nga wala itong pakealam sa nangyayari.

"Nagising na po siya kanina at nakapagsagawa na ng test sakanya, nai-CT scan na rin po siya. Ang kaso, binigyan po siya ulit ng pampatulog kanina dahil hindi siya kumakalma, nagwawala siya at iniinda ang binti at braso niya."

"Diyos ko."

Ito lang ang tanging nasabi ni Mrs. Park, matapos maipaliwanag ang nangyari kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Jimin.

Matapos niyang makita si Jimin na humandusay sa kalsada ay agaran siyang tumakbo palabas ng bahay nila. Hindi niya maipaliwanag kung gaano siya katakot ng mga sandaling iyon.

Ang nasa isip niya ng mga oras na iyon ay kaagad na maitakbo sa hospital si Jimin dahil ayaw na niya ulit maranasan na mawalan ng mahal sa buhay.

"Ano bang ginagawa ni Jimin sa harap ng bahay niyo?"

"H-hindi ko po alam."

Natatakot si Yoongi na baka nagpunta doon si Jimin para sakanya. Maaaring nakita sila nito ni Taehyung sa labas ng kwarto niya. Pero ang inaalala niya ay kung dapat pa ba siyang magpaliwanag sa maaaring nakita nito o hahayaan niya na lamang ang tadhana na magtakda sa kapalaran nila. Kukunin niya itong pagkakataon upang tuluyang makalimot kay Jimin.

Ngunit ngayon pa lang na nakikita niya itong nakahiga sa kama ng hospital, hindi na niya kinakaya pa. Waring dinudurog ang puso niya. Tila nauulit ang nakaraan. May dahilan pa naman siya para manatili sa tabi nito at patunayan ang totoong nararamdaman niya.

Lalaban pa rin ba siya? o
Titigil na?

"Jimin!"

Lahat sila ay napatingin kay Jimin ng unti-unting minumulat nito ang kanyang mga mata. Napangiti si Yoongi, ngunit hindi mawala sakanya ang kaba at pag-aalala. Siguro lahat naman sila ay natatakot para sa kalagayan ni Jimin. Kahit na ang ama nito na tarantado ay bakas ang pag-aalala sa mukha, ng makita ang pagmulat ni Jimin ay tila nabunutan din ito ng malaking tinik sa lalamunan at malalim na napahinga.

"M-mama,"

"Bakit, Jimin? Anak bakit ka umiiyak?"

"M-mama, h-hindi ko po maramdaman ang kanang binti at braso ko. W-wala po akong maramdaman mama.."

Nagsimula ulit umiyak si Jimin dahil sa pagpa-panic ng hindi maramdaman ang kanyang binti. Maging ang ginang ay naiiyak na rin dahil sa kaba. Inabot ni Jimin ang kamay ng mama niya, mahigpit itong hinawakan. Tila humahanap ng sagot sa nangyayari sakanya.

"Ma-ma, n-natatakot ako. H-hindi ko maramdaman ang binti at braso ko."

"Kahit diinan ni mama ng ganito, anak?"

Diniinan ni Mrs. Park ang binti ni Jimin, kita nila kung gaano nito nilagay lahat ng pwersa niya, imposibleng hindi pa rin iyon maramdaman ni Jimin.

Doon sila nawalan ng pag-asa ng umiling lang ito. Panibagong luha ang bumagsak sa mga mata niya. Hindi pa rin sumuko doon ang ginang at sumubok ng bagong paraan para pagaanin ang loob ni Jimin, na tila mas lalo lang nagpapalala sa sitwasyon.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now