eighteen

87 9 7
                                    




     Nakatulala lang si Yoongi sa kaharap na kisame. Hindi matigil sa paglalaro sakanyang kamay. Pasado alas onse na ng gabi ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil sa halo-halong mga naglalaro sa isipan niya. Mula kahapon, kanina na nangyari sakanila ni Jimin at yung tungkol sa pagpunta ni Hoseok sa bahay nila— napabangon siya ng higa ng hindi niya na natiis pa.

Hinayaan ang mahabang sleeve ng sweater na itago ang kangang mga kamay. Hinayaan ang magulong buhok, suot ang kaswal na tingin at ekspresyon sakanyang mukha. Bumaba siya ng hagdan at napagdesisyunan na katukin si Taehyung sa kwarto nito na mas maganda pa sa naturang kwarto niya.

Itinaas ang kamay sa ere at handa ng kumatok ng tumigil muli ang kamay niya sa gagawin. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalangan. Bigla siyang nahiya dahil baka natutulog na ito. Bawal pa man din kay Taehyung ang magpuyat.

Napatitig siya sa suot na tsinelas na may desenyo ng paborito niyang itim na oso. Napapikit ng kanyang mata at marahas na napakamot sakanyang ulo.

Tatalikod na sana siya upang bumalik sa kwarto niya ng marinig niya ang pagpihit ng doorknob at sunod ay ang pagbukas ng pinto.

Tumambad sakanya ang inaantok na mata ni Taehyung, ang magulo nitong buhok at ang oversized white t-shirt nito na dumadausdos sa balikat dahilan para maexposed ang collarbone nito.

Napalunok si Yoongi. Pakiramdam niya din ay nagsitaasan bigla ang dugo papunta sa ulo niya at nakaramdam din siya ng init sa katawan.

"N-nagising ba kita? 'Di bale, pabalik na rin naman ako sa kwarto—"

"May kailangan ka?"

Dumako ang tingin ni Yoongi sa kamay nito na humawak sa malaki nitong tiyan. Napabuntong hininga siya at natatawa na lamang sa sarili niya. Parati niyang nakakalimutan na buntis pala ang lalaking kaharap niya.

"May tatanong lang sana ako, kaso nag-alangan ako dahil baka tulog ka na. I-ikaw? Bakit pala gising ka pa? Hindi ba kabilin-bilinan sayo na huwag kang magpupuyat?"

Humakbang si Taehyung, tumabi naman si Yoongi upang makadaan ito. "Gusto ko ng gatas. Hindi ako makatulog eh."

Tumango lang si Yoongi at sinundan si Taehyung papunta sa kusina nila. Nakatitig lang siya sa likod nito habang malalim ang iniisip.

Ng makarating sa kusina ay agad na kumuha si Taehyung ng baso at gatas. Ang kaso nakalagay ang gatas sa mataas na bahagi ng kabinet sa kusina, sinubukan ni Taehyung tumingkayad ngunit bumabangga ang tiyan nito sa kanto ng lababo, hindi niya rin kayang pumwersa dahil baka matumba siya sa sobrang pagtingkayad. Napakurap si Yoongi ng mapagtanto ang nangyayari, napailing siya ng nakatulala lang pala siya at pinapanood na nahihirapan si Taehyung. Naglakad siya palapit dito at tinapik sa balikat ang nakababata dahilan para matigil ito sa ginagawa.

Parang insulto ito kay Yoongi, dahil alam niya na mas matangkad sakanya si Taehyung at siya pa talaga ang kukuha ng gatas sa mataas na istante. Napakagat siya ng pang-ibabang labi ng nahiya siya sa naiisip niyang gawin. Nakakawala man ng swaeg ay nagpatuloy nalang siya sa balak niya. Nag-abot siya ng upuan at tumuntong dito. Nagpipigil naman ng tawa si Taehyung dahil baka mainsulto niya ito, siya na nga tinutulungan siya pa magiging bastos.

"Ako na magtitimpla ng gatas mo."

Sabi na lamang ni Yoongi gamit ang may kalamigan na boses upang itago ang hiyang nararamdaman niya. Tumango lang si Taehyung at pinanood ang sunod na gagawin ni Yoongi.

Tahimik na sila ng ilang segundo. Ang tanging ingay na naririnig sa kusina ay ang pagtama ng kutsara sa baso dahil sa ginagawang paghalo ni Yoongi ng gatas.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now