fourteen

108 8 22
                                    


—• 🖤 🖤 •—
- Yoongi -

"Taga saan ka ba, paano ka napadpad dito sa Seoul? Hindi ka naman siguro pipi para hindi magsalita, at lalong hindi ka rin binge para hindi mo ako marinig.."

Iyan ang naabutan kong eksena sa loob ng kwarto kung nasaan si Taehyung.

Nasa tabi ng kama niya si Jungkook, nakaupo sa isang upuan habang panay ang tanong sakanya. Tila ba nais malaman ang buong istorya ng buhay ni Taehyung.

Habang si Taehyung naman ay nakatingin lang sa kawalan, tila malalim ang iniisip. Walang pakialam kahit pa may makulit na kuneho sa tabi niya. Hindi niya din alintana ang mga titig na nanggagaling kay Namjoon.

"Ahhem."

I cleared my throat just to get their attention. Napatingin sakin si Jungkook at ganun din si Namjoon.
Dumako ang tingin ko kay Taehyung na hanggang ngayon ay wala pa ring imik. Nanatili lang ang tingin sa kisame.

"Kanina ka pa jan, hyung?"

Naglakad palapit sakin si Namjoon, tinignan ko lang siya na mayroong pagpapahiwatig. Tila naintindihan niya naman ako dahil tumango lang siya at dumeretsyo sa sofa na nasa loob ng kwarto upang doon na umupo.

Hindi ko gusto na pangunahan ako ni Namjoon sa pagsabi kay Taehyung ng nalalaman ko. At sa tingin ko, hindi pa siya handa na malaman ang lahat. Ngayon pa na masyadong mabigat ang pinagdadaanan niya.

Bagamat hindi ko siya labis na kilala, at kahapon ko lang siya nakita... dahil sa mga nalaman ko tungkol sakanya ay tila ba nagbago ang tingin ko sakanya, I need to protect him no matter what. Ngunit hindi ko pa rin ibinigay ng buo ang tiwala ko sakanya.

Hindi naman sa hindi maganda ang background niya, kaso sa panahon ngayon mahirap nang magtiwala. Mismo nga malapit na tao sa buhay mo ay nagagawa kang lokohin, yun pa kayang mga tao na hindi mo naman kakilala?

"Naiwan mo ata ito?"

Inilahad ko sakanya ang scarf na nakuha ko kanina sa may bench. Napatikom ako ng bibig at humigpit ang hawak ko sa scarf nang hindi man lang siya kumibo.
I wonder what he is thinking right now, those thoughts that keeps on drowning him.

Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao? Love can change one person's perspectives in life? Can bring you unbearable pain and at the same time can bring you unexplainable tingling feeling inside. Love really do crazy.

"I don't need it! Hindi na ako nilalamig! I can't feel his warmth anymore!"

Lahat kami ay dumako sakanya ang tingin. Ang malalim at malamig niyang boses ay nakapagdulot ng kakaibang kailangan sa loob ng kwarto.

"Ang sabi niya gamitin ko iyan kapag pakiramdam ko ay wala ni isa ang may pakialam sakin at kailangan ko ng kayakap. Gamitin ko yan at isipin na siya ang yumayakap sakin tuwing nilalamig ako, kapag gamit ko yan ay maalala ko ang presensya niya. Kaya ayoko. Ayoko na siyang maalala..."

Nakita ko ang unti-unting pagbuhos ng kanyang luha kaya naman ay agad kong iniiwas ang tingin ko sakanya. Dumako ang tingin ko sa hawak kong scarf, pinagmasdan ko ito at umigting lalo ang mga ngipin ko.. nagagalit ako. Hindi ko dapat ito maramdam pero nagagalit ako.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now