four

106 8 9
                                    


Pakiramdam ko ay bumalik ako ng mga oras na nasa US pa ako. It was the same old feeling. Seeing this dance studio, the big mirrors, loud music banging through the four cornered room, and students sitting on the floor. Sobrang saya ko dahil this time, I'm going to showcase my talent in my own country. Makikita nila kung ano ang natutunan ko sa ibang bansa.
Hindi sa pagmamayabang, yung grupo namin noon sa US ay laging first place.

"First time? Kinakabahan ka ba?"- napatingin ako sa katabi ko, matangkad siya ngunit maliit ang pangangatawan, patpatin pero malakas ang karisma. Hindi pa nga ako sigurado kung ako ba yung kinakausap niya.

"They're going to picked five person, dalawa for hip-hop category, dalawa for ballroom at isa for contemporary. I bet you're a good dancer."

"Sa contemporary? Isa lang, kasi for partner doon sa champion nila?"- tinanguan niya ako. Sobra akong nae-excite na magperform, sobrang pinaghandaan ko ito kasi gusto ko talaga na ako yung mapili na kapartner ng gold medalist nila. Gusto ko rin makapag-compete sa Japan.

"By the way, I'm Minghao."

"Ethan."

Nginitian ko siya dahil hindi naman ako suplado at para narin magkaroon ako ng bagong mga kaibigan. I'm not really into socializing but, I'm trying my best para mabago ito. Lalo na ngayon at dalawang taon nalang ay graduating na ako.

Natigil ako sa pakikipagkamay sa kaharap ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang may tumawag ng pansin ko. "That guy wearing a denim jacket. You're next."- napatingin ako sa mga nakaupo, lahat ng attention nila ay nasakin. Napansin ko rin na ako lang ang nakadenim na jacket kaya sigurado ako na ako yung tinutukoy nila.

Kanina ay hindi ako kinakabahan ngunit ngayon, tila biglang nagbago ang ihip ng hangin. Nanlambot ang tuhod ko lalo na ng makita ko si Jared na nakatayo sa isang sulok ng studio. He's coldly staring at me. Sobrang nakaka-intimidate ang mga titig niya.

"Ikaw ata yun, tol."- pabulong na sabi sakin ni Minghao ng hindi pa ako tumatayo upang maghanda.

Marahan akong tumayo at saka iniwan ang bag sa sahig. Naglakad papunta sa gitna ng studio dahilan para mas lalong manlambot ang mga tuhod ko. Ayoko ng pakiramdam na ito. I just want to run and just leave. This is not even an audition for a reality show that has a grand prize but my heart was beating rapidly. Nakakainis isipin na sa unang araw ng pag-pasok ko sa university ay masyado nang maraming nangyari sakin.

"Name?"- tanong sakin ng isa sa mga nakaupo sa harapan. Ito ata yung pinakahead ng dance company nila. Nakakaintimidate din tumingin.

"Ethan Yoongi Lopez, 21. I'm auditioning for contemporary category."- sunod-sunod na sabi ko para naman hindi na masayang ang laway niya sa pagtatanong sakin. Tumango ito at saka ko naman ibinigay ang phone ko sa music operator nila para maiplay ang tugtog na sasayawin ko.

Bago magsimula ay hinubad ko na muna ang denim jacket ko, hinubad ang sneakers at inalis sa pagkakatuck-in ang plain white t-shirt upang mas makagalaw ako ng mas magaan. Nang handa na ako ay tinanguan ko ang music operator at nagsimula nang mag-umpisa ang tugtog.

I gave Jared a glance, his eyes is on me. As if he is waiting for me.

Hold on by Chord oversteer play as a background music. (music is on the multimedia box)

As the music start, I raised my hand up, kung gaano kabagal ang tugtog ay ganun din kabagal sa pag-angat ang kamay ko.
The music builds up and so my move too. I bend and stretch, turned and jump. I was interpreting the music so well. My facial expressions showing what does I feel for the music. As if my move was really interpreting every single word of the lyrics.

Tinignan ko ang dance director na nakaupo sa harapan, hindi siya kumukurap man lang. Tila ayaw mamissed ang ilan sa mga galaw ko. He's not giving any reaction but I can see in his eyes how impressed he was.

I don't wanna let go,
I know I'm not that strong.

I hold my hand as if it was someone else's hand, too tight showing how badly I didn't want to let it go. The lyrics of the song is really affecting me. Noong nerehears ko ito ay hindi naman ganito yung pakiramdam ko.

Hold on, I still want you.

This was the second to the last words before the fade out of the song. Nang umikot ako, sakto na sa pintuan ako nakaharap. Doon ako natigilan ng makita ang isang tao na nakatayo doon. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat, ngunit mas nangingibabaw dito ang kalungkutan at sakit.

"What happened? Why did you stop?"

My heart was nearly broken as I saw that single tear flowing on his face. Biglang nanginig ang mga kamay ko, gusto kong tumakbo papunta sakanya at yakapin siya ng mahigpit. Gusto kong sabihin sakanya lahat ng mga hindi ko nasabi ng araw na iyon. Gusto kong sabihin sakanya kung gaano ko siya kamahal.

"Raine?"- pabulong na sabi ko.

Come back I still need you.

The music stopped.

Sa pagtigil ng tugtog ay siya namang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Waring tumigil ang pag-ikot ng mundo, I didn't expect seeing him right now, this early. Ang ipinagtaka ko ay kung bakit ganun na lamang namamaga ang mga mata niya. Tila kagagaling niya lamang sa pag-iyak.

Ramdam ko ang tinginan ng lahat samin. At wala akong pakialam doon. Sanay na akong pinagtitinginan.

I was about to step forward, nang mapatigil ako kaagad.

Mabilis ang pangyayari, hindi ako nakakilos. Kung ano ang ikinabilis kanina ng pagtibok ng puso ko, ngayon naman ay hindi ko ito maramdaman. Tila tumigil ito sa pagtibok dahil sa nasaksihan ko ngayon.

I want to ripped his head out of his body. I want to beat him badly.

Pakiramdam ko ay trinaydor ako.

I just witnessed my best friend kissing my ex boyfriend on the lips. Right in front of me.

Napaatras na lamang ako at tuluyang nanghina ang mga tuhod ko. Napaupo ako sa sahig habang hinayaan na tumulo ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan nung sumasayaw pa lamang ako.

Humiwalay si Jared at saka tumingin sakin. It was blank, without any emotion. But why does it feel like my heart was aching so badly.
Bumaba ang kamay niya sa kamay ni Raine at saka ito hinila palayo. Without saying anything. Nakatitig lamang ako sa papalayo nilang pigura. Ang sakit.

Sobra.

Nakaramdam ako ng pagtapik sa likuran ko. As I tilt my head, I saw that it was Minghao. Sympathetically staring at me.

"Okay, so the audition will be continued tomorrow afternoon. After class."- nagsitayuan na ang lahat ng matapos marinig ang announcement ng dance director. Maging si Minghao ay naghanda na rin.

Ako?

Nanatili lang akong nakaupo doon.

I feel so betrayed,

Ngayon lang ako nakaramdam ng pagiging talo.

Not even in dancing.

"I know you're not okay. 'Di ba, you're auditioning for contemporary? Just to tell you, Raine will be your dancing partner if ever na ikaw ang mapili."

Napaangat ako ng tingin sa dance director. Biglang umatras ang lahat ng tapang ko. Tila gusto kong mag-back out. But, thinking this will be my chance na magkaayos kami. Bigla ako ulit ng karoong ng dahilan na magpatuloy.

But Jared? How can he do that to me? He should be helping me to fix all of this.

Is this what happened while I am away?




to be continued. . .

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now