seven

85 10 5
                                    

Hindi ko maalis sa isipan ko ang itsura ni Raine ng makita niya ako. Nakita ko kung paano puminta ang sakit at galit sa mga mata niya, hindi niya man sabihin ngunit ramdam ko. Dahil doon, mula kanina ay hindi na ako napanatag pa. Iniisip ko kung pwede pa bang maayos ang nasira naming relasyon, kung maibabalik ko pa ba ang mga ngiti hindi lang sakanyang labi maging narin sakanyang mga mata, kung mababalik ko pa nga ba ang dating siya. Ang dating Raine na nakilala at minahal ko.

Dahil sa nakita ko kanina, nalaman ko kung ano ang naging epekto nito sakanya. Nasaktan ko siya kaya't nagbago siya.

Isa pa, mukhang noong umalis ako ay napalapit na rin sakanya si Jared. Totoo, hindi ko ikakaila na nasaktan ako ng nakita ko ang ginawa ni Jared sakanya. Kung paanong inangkin ng kanyang labi ang mga labi na noon ay sakin lamang. Kung paanong hilahin niya palapit sakanya si Raine upang mas laliman pa ang halik. Nasaktan ako, sobrang nasaktan kahit alam kong wala na akong karapatan.

Hanggang baka sakali nalang nga siguro ako,

Pagbabakasakali na maayos ko pa lahat,

Kahit halata naman na wala na akong pag-asa pa.

Ngunit, kung may natutunan man ako mula ng umalis ako sa Pilipinas at makasama ko si Jinhwan, hindi man sa mahabang panahon... at least may naituro siya saking aral. Iyon ay ang hindi ka dapat sumuko sa bagay na alam mo na gusto mo, kahit pa gaano mo nakikita na parang wala nang pag-asa, dapat ay hindi mawawalan ng gana na lumaban. Dahil lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan.

Kung nasaktan ko man si Raine, hindi iyon dahilan para hindi ko na subukan na mapatawad niya akong muli.

Nasaktan ko siya, at ang katumbas noon ay para ko naring sinaktan ang sarili ko.

Napatigil ako sa pag-lalakad ng mapagtanto ko na nasa tapat na ako ng bahay nila Raine.
Ang totoo ay sinundan ko sila ni Jared ng makita ko na magkasama silang umuwi.

Ngayon ko nalang napagtanto na kaya pala ganun nalang kung makapag salita sakin si Jared tungkol kay Raine, yun ay dahil may naramdaman na siya para rito.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, ang maging masaya dahil kaibigan ko ang nagmahal sa kanya o malungkot dahil sa lahat ng pwedeng magmahal sakanya ay ang matalik ko pang kaibigan?

Nagtago muna ako sa likod ng poste, hindi kalayuan sa kung nasaan sina Raine at Jared. Nag-uusap sila ngunit hindi ko naririnig. Ngunit base sa itsura nilang dalawa ay tila hindi maganda ang napag-uusapan nila.

Nang makapasok si Raine sa loob ng bahay nila at pagkaalis ni Jared ay doon na ako kumuha ng tyempo para makalapit sa bahay nila.

Wala na akong naisip pang ibang paraan para muling makausap si Raine ng masinsinan.

Dating gawi,

Naalala ko na ganitong-ganito ko siyang suyuin noon. Pupunta ako sa bahay nina Raine ng hindi niya alam, pipitas ng bulaklak dahil para sakin ay mas romantic yun. Aakyat sa bakod nila at aakyat sa puno na pinakamalapit sa veranda ng kwarto niya para makapasok ako mula sa loob.

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago umakyat sa bakod ng bahay nina Raine, mahirap na't baka mapagkamal pa akong akyat bahay.

Matagumpay akong nakaakyat sa bakod, kahit may konting gasgas akong nakuha sa braso dahil hindi na ako sanay na gawin ito ay okay lang.

Nag-alangan pa akong tumuloy na umakyat sa kwarto niya dahil mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko sila ng mga magulang niya.

Tila nagtatalo.

Sumikip ang dibdib ko at napakuyom ng kamao ng makita ko kung paano sana pagbubuhatan ng kamay ng kanyang ama, mabuti at napigilan ito ni Tita, kung hindi baka ako mismo ang pumigil sa walang kwenta niyang ama.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinKde žijí příběhy. Začni objevovat