eight

128 11 19
                                    

third person's

Kanina pa gising si Raine, ngunit tila ba wala siyang ganang bumangon o gumalaw man lang sa kinahihigaan niya. Inubos niya ang halos isang oras niya sa kakatitig sa puting kisame, maraming naglalaro sa isipan niya, pakiramdam niya ay napakabigat ng dibdib niya na halos ang iba rito ay gusto niya nang ilabas mula sa mga mata niya.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya bakit kung kailan bumalik si Ethan ay saka naman siya mas lalong naapektuhan. Ibig lang ba na sabihin nun ay masyado siyang naging mapagpanggap ng mga panahong wala ito?

Nagising siya ng hindi pa tumutunog ang alarm niya, kaya naman ng oras na tumunog na ito ay saka lang niya naisipan na bumangon.

Napangiwi pa siya ng maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang balikat at binti, hinimas niya ito at bahagyang hinilot upang maibsan ang kirot na nararamdaman.
Nang maramdaman niya na umayos na ito ay bumangon na siya mula sa pagkakaupo sa kanyang kama at nagsimula ng maghanda para pumasok sa paaralan.

Pipihitin niya na sana ang doorknob ng banyo nang mapatigil siya at mapatitig sa kanyang study table.
Katabi nang kanyang recorder ay nakalagay dito ang daisy flower na ibinigay sakanya ni Ethan kagabi. Nakaramdam siya ng kakaibang lungkot, huminga siya ng malalim at naglakad palapit sakanyang study table. Kinuha niya ang bulaklak at malungkot itong tinitigan.

Inisip niya kung itatago niya ba ito, kahit papaano ay paborito niya parin itong bulaklak. Minsan nalang siya makatanggap ng bulaklak na hindi niya tinatanggihan. Bulaklak na matagal niya nang inaasahan na muli siyang aabutan.

Ngunit ganun nalang ang gulat niya sa kanyang sarili nang maglakad siya palapit sa trash bin na nasa likod ng kanyang pinto. Itinapon niya ang bulaklak dito.
Hindi madali ang ginawa niya ngunit kailangan niyang tatagan ang sarili niya. Hindi siya dapat na magpadala sa emosyon na nararamdaman niya.

Ang kailangan niya lang naman gawin ay magpanggap na parang wala lang lahat. Na kaya niya lahat kahit pa na ang totoo nito ay sobrang sakit. Masakit ang maiwan, masakit ang lokohin, masakit na isa ka lang sa mga pagpipilian. Ngunit alam niya na kapag oras na pumasok ka sa isang relasyon ay kaakibat nito ang sakit. Walang umiibig ang hindi nasasaktan, walang umiibig ang hindi nagpapakatanga.

*

"Raine, anak... Kumain ka muna,"- agad siyang ipinaghanda ng kanyang ina. Dumako ang tingin niya sakanyang ama na halos tila walang pakealam sakanyang presensya. "Pinagluto kita ng paborito mo nak—"

"Hindi na po ako mag-aalmusal,"- napatigil ang kanyang ina sa pagsasandok ng kanin, maging ang kanyang ama ay bahagya ring napatigil. Hindi naman nakatakas sa mga mata niya ang pagtingin ng ama sa pamamagitan ng sulok ng mata nito. "Nawalan na po ako ng gana. Mauuna na po ako."

Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niya ang tila nang-aasar na tinig ng kanyang ama. Naikuyom ni Raine ang kanyang mga kamay. Huminga ng malalim upang tulungan ang sarili na kumalma.

"Katulad lang din kita. Masyadong mataas ang pangarap. Pagkatapos sa huli ay babasag lang din nang wala pang nararating. Kung ako sayo, hindi na ako magpapakapagod habang maaga pa. Mabuti na 'yong hindi ka pa nasasaktan tumigil ka na."

Pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan.

Pilit niyang hindi pinakinggan ang ama, pinilit niyang hindi magpaapekto sa narinig. Ngunit traydor ang mga mata niya, kahit pigilan niya ay tila may sarili itong mga buhay. Tumulo pa rin ang mainit na mga luhang iyon. Tanda na sobra siyang nasasaktan.

Wala siyang ibang ginawa, hindi niya na ito pinatulan pa dahil alam niya na ayaw rin itong mangyari ng ina niya. Hanggat maaari ay siya na lamang ang iiwas sa gulo.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now