twenty

104 11 31
                                    




"Hoseok hyung..."

Bumagsak ang balikat ni Hoseok pagkapasok na pagkapasok niya palang sa kwarto kung nasaan si Jimin. Tila otomatikong nawala ang tama ng alak sakanya. Bumigat lalo ang pakiramdam niya dahil hindi nagugustuhan ng mga mata niya ang nakikita. Nakatitig lang siya sa nakababata, hindi nakagalaw sa kanyang pwesto. Mas lalong nanghina si Hoseok ng makita niya ang unti-unting pagbuhos ng luha ni Jimin.

"H-hyung, hindi na ako makagalaw. H-hindi ko na maigalaw ang kaliwang binti at braso ko."

"Jiminie.."

Mabilis siyang naglakad sa umiiyak na si Jimin, kaagad na ikinulong sakanyang mga bisig. Humawak ang kanang kamay ni Jimin sa braso niya upang mas higpitan pa ang pagkakaakap sakanya.

"Sshh, nandito na ako, Jimin. Please, don't cry. I'm here, hindi kita iiwan."

Mas lalong bumuhos ang luha ni Jimin, at hindi niya alam kung bakit.

Siguro dahil, kahit man na ipagtabuyan niya ang taong totoong gusto niya, may isa pa ring tao ang handang mahalin siya ng buo ng walang hinihinging kapalit, kahit walang commitment as long as na napaparamdam niya ang pagmamahal sakanya. He knows, Hoseok is a nice and strong person. A sunshine indeed. But when it comes to love, mahina rin ito. Masyadong ibinibigay ang lahat para sa taong mahal niya. Handang magmahal kahit walang label. Takot pumasok sa seryosong relasyon ngunit labis kung ibigay ang sarili.

Natatakot siya, alam niya kung gaano siya kamahal ni Hoseok— sobra pa sa inaakala niya, ngunit alam niya rin na lahat ay may hangganan. Lalo pa ngayon na meron na siyang mga kakulangan.

Hindi sigurado ang tuluyang paggaling niya. Natatakot na baka dahil sa kakulangan niya ay unti-unti na ring mawala ang nararamdaman sakanya ni Hoseok.

"Stay, don't go. Promise me.."

Kumalas si Hoseok mula sa pagkakayakap niya kay Jimin, hinawakan niya ang dalawang pisnge nito at saka deretsyong tinitigan sa mga mata. Matamis siyang ngumiti, "I promise babe, I'm staying."

-

"Yoon— Hoseok? Where's, Min Yoongi, Jimin?"

Nagtaka ang ginang ng isang Jung Hoseok ang naabutan niya sa kwarto ng anak habang sinusubuan ito ng mainit na sabaw ng ramyeon na nabili ni Hoseok sa kalapit lang na kainan. Iniwan niya ang anak na si Yoongi ang nagbabantay kaya nagtaka siya kung bakit si Hoseok na ngayon ang nandito.

"Ang buong akala ko pa naman, nagkakaayos na kayo ulit ni Yoongi.. may hindi ba ako nalalaman, Jimin?"

Nagkatitigan si Jimin at Hoseok dahil sa naging tanong sakanila ni Hyunsoo, nahimigan nila ang tono ng pananalita nito, iniisip ata na may relasyon silang dalawa.

"Magkaib—"

"Nililigawan ko po si, Jimin."

Natulala si Jimin. Hindi siya kaagad nakaimik dahil sa narinig niya mula kay Hoseok. Wala siyang alam na nililigawan na siya nito, ni hindi man lang siya nainform. Kahit ang ginang ay natigilan, tila hindi gusto ang narinig.

"Hmm, mabait kang bata, Hoseok. Ang kaso hindi pa kita ganun kakilala. Hindi katulad ni Yoongi na araw-araw pumupunta noon sa bahay para lang ipakita samin na seryoso siya.."

"Ma!"

Hinarap ni Hyunsoo ang anak ng nakapamewang, "bakit, nak? Totoo naman 'di ba? Bakit ngayon ko lang nalaman na may nanliligaw na pala sayo? Nagsesekreto ka na ba kay mama?"

"A-actually po, tita. Ngayon ko lang din sinabi kay, Jimin na nanliligaw na ako."

"Oh,"- manghang tugon ng ginang sakanyang narinig.

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now