five

100 8 7
                                    


Napahinto ako sa pagpasok ng dance studio dahil sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon dito at ang isa pa sa ikinagulat ko ay nag-a-audition siya. I didn't know he's that great in dancing. I didn't know what to feel right now.
Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko, hindi ko alam kung bakit ganito kabilis ang pagtibok ng puso ko. Dala ba ito ng galit o dala ng pananabik ng muli ko siyang makita.

Sa loob ng halos tatlong taon ay nagtanim ako ng galit sakanya. Sinabi ko sa sarili ko na kapag nakita ko siyang muli ay hindi ako magdadalawang isip kundi ang sampalin siya, gawin ang lahat ng gusto kong gawin sakanya, sabihin lahat ng galit na naipon sa loob ko ng matagal na panahon. Gusto kong iparamdam sakanya ang sakit na naramdaman ko nung mga oras na isinantabi niya ako para sa iba. Na para bang isa lang akong bato na walang silbi, walang buhay, walang nararamdaman.
Ngunit sa kabila ng galit ko sakanya, lalo na ngayon ay nakita ko siyang muli, hindi ko na maintindihan kung bakit tila nawala lahat ng iyon. Lahat ng galit ko ay napalitan ng lungkot at pananabik.

Napaatras ako at napakuyom ng aking kamay nang pag-ikot niya ay saktong sa direksyon ng pintuan siya tumigil, kaya naman ay nakita niya ako. Katulad ko ay natigilan din siya, bakas sa mukha niya ang gulat.

Napahinga ako ng malalim ng magtama ang mga mata namin, nakaramdam ako bigla ng sakit. Bakit parati nalang ganito? Bakit hindi ko kaya kapag siya na ang nasasaktan?

I felt my eyes burning from too much emotions, hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at hinayaan kong tumulo ang luha ko.
Nakita ko ang sakit sa mga mata niya, nakita ko ang gulat sakanya.

"Raine?"

Pabulong lang ang pagkakasabi niya ngunit nabasa ko sa buka ng bibig niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil gusto ko siyang lapitan at yakapin.

I was about to step forward, nakita ko rin ang nag-aalangang hakbang ni Yoongi ng napatigil ito. Masyadong mabilis ang pangyayari.

Namalayan ko na lamang na nasa harapan ko na si Jared, matalim ang mga titig sakin. Tila hindi niya gusto ang nasasaksihan ngayon. In a split second, I felt Jared's lips pressed against mine. Kasabay ng pag-halik niya sakin ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Wala akong nagawa nang makita ko si Ethan na waring biglang nanghina dahil sakanyang nakita. I tried pushing Jared away from me but the more I pushed him, the more his pressing his lips against my lips. Gusto kong tumakbo papunta kay Ethan para yakapin siya at sabihin sakanya lahat ng totoo kong nararamdaman. Gusto kong maayos lahat samin.

I'm being selfish,

I know.

Ngunit lahat ng kagustuhan ko ay biglang naglaho dahil sa isang katagang ibinulong sakin ni Jared.

"Choose me."- malumanay na sabi niya ngunti rinig sa boses niya ang sakit.

Nagtama ang mga mata namin.

Hindi ko kinaya na makipagtitigan sa mga mata niyang nangungusap.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Ethan, hinawakan ni Jared ang kamay ko at tumingin kay Ethan pagkatapos.

Humigpit ang pagkakahawak niya sakin ng makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang pagbuhos ng luha ng matalik na kaibigan. Iniiwas niya ang tingin dito at saka ako hinila palayo sa studio.

Kunot noo akong nakatitig sa kamay namin na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. Naglalaro sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Kung paano ko nakitang madurog unti-unti ang taong mahal ko.

The words Jared just whispered to me is still processing in my head.

Sa nangyayari ngayon ay tila ba naging malinaw ang lahat,

[ON HOLD] Tears to Dancing | YoonMinWhere stories live. Discover now