Pero hindi iyon ang main point. Ang main point ay kung bakit mukhang ang friendly naman ata n'ya sa isang kagaya ko kumpara sa mga kasama n'ya. Hindi ko naman nararamdamang kaplastikan lang.

Pero buti pa nga sila papasok na ulit, samantalanang ako nandito pa rin sa lobby ng building na ito. Pinaghihirapan ang bagay na hindi ko naman dapat pagbayaran.

Sinimulan ko na lang ulit ang magpunas ng glass wall na nasa harapan ko. Pinipilit kong mawala ang inis ko para mabilis akong matapos. Kung bakit ba naman kasi minsan, hindi ako nagiisip bago kumilos. Sobrang careless ko pala talaga kaya madalas akong mapahamak.

Hay buhay, kailan ka ba magiging mabuti sa'kin.


"Are you having a good time Scholar?" Mabilis akong napatigil ng may muling magsalita mula sa likuran ko.

Parang uminit ang dugo ko ng marinig ang boses na yun. Agad ko syang hinarap at ibinigay sa kanya ang pinakamasamang titig na hindi ko pa nagagawa sa kahit na kanino. Ngayon pa lang, sa kanya pa lang.


"Stop fooling around. You don't have enough proof for putting me here." I coldly said while giving him my deadly stare.

Kung pwede ko lang sana syang sugurin. Kung pwede ko lang sanang ibuhos sa kanya ang tubig na laman ng timba na pinaghahawhawan ko ng maduming basahan. Kung pwede ko lang sanang ipamukha sa kanya na ang tanga tanga nya para basta basta na lang ako pagbintangan at paratangan sa bagay na hindi naman talaga ako ang gumawa. Gusto kong ipamukha kung gaano s'ya kabobo sa part na yun.


"I am the living proof. What else do you need?" He jerk his head and smirked arrogantly.

Lalo akong nakaramdam ng inis sa kanya. Kung hindi ko lang iniisip si Mama at si Kurt, malamang sinapak ko na sya at sisiguraduhin kong kinabukasan pa s'ya magigising.


"I need you to disappear within my sight. I don't want to see your freaking face here." Agad ko na syang tinalikuran.

Magsisimula na muli sana akong magpunas ng maramdaman ko ang paunti unti nyang paglapit.

"I said-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng harapin ko sya.


His right hand are now leaning at the glass wall, at the left side of my head exactly. While his left hand remains on his pocket. He cornered me and invading the space between us.

Mariin nya akong tinitigan ng malapitan. Tila isang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha. Hindi ako nagpatinag at nilabanan ko rin ang titig na yun. Kahit naiirita akong isipin na iisang hangin lang ngayon ang nilalanghap namin.


"Freaking face? Coming from you pa talaga?" Nangaasar syang ngumiti. "You really have the guts to talk back. Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin sa'yo huh, Scholar?" muli syang ngumisi na akala mo dapat ko syang katakutan.


Sa twing kinakausap nya ako, binibigyan nya talagang diin ang salitang Scholar. Na tila gusto nyang iparating na yun lang ako, Elite sya.


ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon