Habang naglalakad, hindi ko alam kung bakit pero ang bigat ng puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa may kadiliman, binuhay ko ‘yung flashlight ng cellphone ko.

 

Nang makaapak na ako sa gubat, inalerto ko ‘yung sarili ko. Siyempre, gubat pa rin ito. Maraming mga hayop dito na baka nakakamatay, dapat pa ring mag-ingat. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay hindi ko pa rin makita ang isa sa kanila. Mas lalong tumitindi ‘yung kutob ko. May tumulo na ring tubig mula sa mata ko. Magkahalong emosyon ‘yung nararamdaman ko. Takot. Pag-aalala at Galit.

Bakit siya pupunta dito? Anong pakay niya…

 

Bigla kong nabitiwan ‘yung telepono ko. Naiwang nakabukas ‘yung bibig ko sa nakita ko. Hindi ako makapaniwalang nasasaksihan ko mismo ang ginagawa nilang pagtataksil sa akin. Nakita ko si Gray na nakasandal sa isang malaking puno habang nakatingala at nakapikit, animo’y sarap na sarap. Si Jandrix naman ay nakita kong nakaluhod at sinasamba ang pag-aari ng boyfriend ko.

 

Hindi ako makagalaw. Tumaas lahat ng dugo ko sa mukha at nagpupuyos ako sa galit. Bakit?! Bakit nila nagawa sa akin ‘to! Dahang dahang lumabas ‘yung mga butil butil ng luha sa aking mata. Napansin nilang may ilaw na tumama sa kanila at saktong paglingon nila ay nakita nila ako. Nag-ayos sila ng kanilang sarili pero huli na. Nakita kong lahat. Tumalikod na lamang ako at saka nag-umpisang lumakad papalayo sa kanila. Hindi pa rin rumerehistro sa utak ko ‘yung nakita ko. ‘Yung boyfriend ko, at saka ‘yung pinsan ko… ginagago nila ako! They’re having an affair. Narinig kong tinatawag niya ‘yung pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Narinig kong ‘yung mga yabag niya papalapit sa akin at naramdaman kong iniharap niya ako sa kanya. Nang magkaharap na kami, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkaguilty.

 

“ Reggo… ano… ‘yung nakita mo, wala lang ‘yun. Wala lang talaga ‘yun. I can explain. Let me explain please, bae.” Lumuluha niyang sambit sa akin.

 

“ ‘Wag ka ng magpaliwanag. Alam ko… may mali din ako. Lalaki ka nga pala. Nakalimutan kong may pangangailangan ka. " Umiiyak kong tugon sa kanya. " But you should've asked. " 

Bigla niya akong ikinulong sa mga bisig niya at saka ako niyakap ng pagkahigpit higpit. Hindi ko na magawang tugunin pa siya ng yakap din dahil hindi ko na alam kung ‘yung mga sinasabi ba niya sa akin ay totoo pa… o baka hindi lang ako ‘yung sinasabihan niya ng ganyan.

 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now