Napatango na lang ako. Alam kong may kakaiba. Alam kong may hindi tama. Pero ayokong isipin 'yun. May tiwala ako kay Jandrix. May tiwala akong nagbago na siya. At higit sa lahat, may tiwala ako sa boyfriend ko, alam kong ako lang, sapat na. Sa dinami-rami ng napagdaanan namin, alam kong hindi niya ako magagawang talikuran ng ganoon lamang kadali. Mahal niya ako. Alam ko 'yon. Kaya imposibleng gawin niya sa akin 'yon. 

Noong maramdaman kong medyo ok na 'yung pakiramdam ko, dumungaw ako sa bintana. Magdidilim na. Inilibot ko 'yung mata ko at nakita ko 'yung mga pinsan kong masayang naglalaro. 'Yung mga magulang namin, abala sa pagsasaya. Nakita ko sila lahat. Maliban kay Gray... at kay Jandrix.

Pumasok sa isip ko na baka magkasama sila. Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko. Bakit? Bakit sila magiging magkasama? Eh 'diba awkward nga sila sa isa't isa? At bakit hindi pati sinabi sa akin ni Gray? 

Kinalma ko 'yung sarili ko.

" Relax, Reggo. 'Wag kang maparanoid. " 

 

Kinuha ko ‘yung cellphone ko sa bulsa ko at mabilis na idinial ‘yung numero ng telepono niya pero nabigla ako ng marinig ko itong tumutunog sa ilalim ng unan niya. Nagtaka ako. Hindi naman ‘yun madalas mag-iwan ng telepono niya ah? Bago ‘yun ah. Sunod kong idinial ‘yung cellphone ni Jandrix pero ayaw rin niyang sagutin though nagriring. Lumabas na ako ng cottage at nagtanong kung may nakakita sa dalawa.

 

“ Hindi eh. Si Jandrix… kanina nandito lang ‘yun eh. Nagkakalikot pa nga ng cellphone niya.” Tugon ng Mama niya.

 

“ Ah. Sige po, Tita. Salamat po.”

 

May tumakbo sa aking bata.

 

Kuya, Kuya… I saw Tito Jandrix. Pumunta siya dun.”

 

Itinuro noong bata ‘yung parang forest area ng resort. Dito’y puro puno lang ‘yung makikita mo. Sabi ng management, sinadya daw nilang maglagay ng forest sa resort para naman may mapaglakad-lakaran ang mga tao at hindi na lang puro dagat. Lumuhod ako at saka nagpasalamat sa pinsan ko.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now