"Nastressed ata ako dahil...dahil masyado na kitang mahal Megan. Wala nang mapaglagyan sa puso ko kaya naguumapaw na to. Nakakastress." Ngiting ngiting pagkakasabi nya.

Hindi ko mapigil pero napatawa ako ng malakas sa kanya. Napahawak na nga ako sa aking tiyan sa sobrang sakit na.

"Ahaha. Oh my...gosh b-babe! Aha. Ang...ahaha...ang k-korni!!" Halos maiyak na ako sa kakatawa dito.

"Psh! Ge tawa pa. Totoo naman sinasabi ko." Pagtatampo nya sabay roll pa ng mata.

Ang cute cute talaga ng baby ko. Aha.

"Ang cute cute talaga ng baby ko." Pag-coo ko habang pinipisil ang kanyang pisngi.

"A-aray aray! Baby! Stop!" Pagmamaktol nya pero di ko sya tinigilan sa pagkurot ng pisngi.

"I said stop! Damnit!" Pasigaw nyang sabi sabay hablot sa aking mukha at sabay siil sa akin ng halik.

Natulala naman ako saglit sa ginawa nya pero gumanti na din ako ng halik. Funny part is, two days syang unconscious, so two days syang walang toothbrush toothbrush. Pero damn. Her lips still taste like peppermint like it's always been. And for your information, ang sarap nyang humalik. Mhm. Aha.

Napapikit na kaming dalawa sa aming paghahalikan at sa maniwala kayo at sa hindi, naka straddle na ako ngayon sa kanyang lap sa ibabaw ng hospital bed na ito.

"Good Lord!" Sigaw ng pamilyar na boses sa may bandang pintuan.

Nagpull back ako, ngumiti kay Ish at sabay lingon sa may pintuan kung saan nakatayo si Trina at Shawn.

"Hi." Ngingiti ngiti kong bati sa kanila at hindi pa din ako umaalis sa kandungan ni Ish.

"Dumalaw pa naman kami dahil nagaalala kami sa lagay mo pero mukhang magaling ka na couz. Aalis na lang pala kami. Sorry sa istorbo." Seryosong sabi ni Trina sabay akmang aalis na pero pinigilan sya ni Shawn na ngingiti ngiti naman. Umalis na ako sa ibabaw ni Ish at bumaba na sa kama.

"Pasensya na lovebirds sa istorbo. Nagalala lang tong si Trina kaya napadpad kami dito." Ngiting sabi ni Shawn.

"Okay lang. Pasensya na. Namiss ko lang si Megan eh." Pulang pula ang mukha at kakamot kamot ng ulo tong si Ish.

"Psh. Sabihin mo. Sinumpong ka na naman ng libog." Masungit na sabi ni Trina sabay roll pa ng eyes.

"Aray!" Reklamo ni Trina. Pano ba naman. Binato kasi sya ng unan ni Ish. Wala. Nagkagulo lang kaming apat sa loob ng hospital room ni Ish buong araw. Asaran. Kwentuhan. Tawanan. Parang walang nangyari two days ago sa kanya.

Ang sarap pakinggan ng mga tawa ni Ish. Ang sarap pagmasdan ng kanyang magandang mukha. Kahit may benda sya ngayon sa ulo ay napakaganda pa din nya. Parang anghel lang na bumaba sa lupa at nagkatawang tao. Ang swerte ko lang sa kanya. Mabait si Ish. Sobra. Makulit. Matalino. Matalinaw din. Dahil pag tinamad sya mangongopya yan sa akin kahit two seats apart kami. Napaka sweet nya at masasabi kong napaka gentleman nya. Higit sa lahat. Mapagmahal syang tao. Dahil kita ko kung gaano nya kamahal ang kanyang pamilya. At ramdam na ramdam ko kung gaano nya ako kamahal.

Si Ish. Yung first love ko. Yung unang taong nakapagpatibok ng puso ko bukod kay Adam Levine. Sya na parating nasa tabi ko. Sya na parating pinaparamdam na mahal nya ako at hindi nagiisa. Sya na parating pinapaalala sa akin kung gaano kasarap mabuhay sa mundong ito.

Pinagmamasdan ko lang sya habang nakikipag usap sa dalawa. Ang ganda talaga ng mahal ko.

Pero. Bakit ganito? Unti unting nagb-blur si Ish? Hindi lang si Ish. Ang buong paligid nagb-blur na din.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now