Chapter Twenty Four

6.9K 221 41
                                    

Hi guys!

Oh yes! Isa itong update. Woohoo!

Pashneya naman kung ngaun lang ako nakapag update. Naging busy lang ako sa buhay ko. Tao din kasi ako baka nakakalimutan nyo. Hahaha.

Sana magustuhan nyo ang chappy na ito. Feeling ko maikli lang ito pero bawi ako sa susunod na mga chappy. :3

So comment?

Vote?

Inom sunkist. saraap. :

-Chriss

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Trina's P.o.V

Mabilis kaming nakalayo sa abandonadong warehouse kung saan kami nanggaling. Kahit pagod na pagod na kami ay hindi kami tumigil sa pagtakbo. Napakadilim na ng paligid at tanging flashlight lang ang ilaw namin sa daan.

Tama. Flashlight. May flashlight palang dala si Maddy. Nang magdilim kasi ay agad nya itong binuksan. Thank god dahil doon.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon sa isang maliit na bahay na gawa sa bato. Malayo na ito sa abandonadong warehouse kaya kahit papaano napanatag ng kaunti ang aming loob. Pero sana lang talaga ay hindi kami makita ng mga kalaban.

Nakahiga ako ngayon sa sahig at nakaulo sa hita ni Shawn habang sya ay nakatingin sa apoy na nagmumula sa mga kahoy at papel na nasa loob ng isang malaking lata.

Iginala ko ang aking tingin sa mga taong nasa harap ko ngayon.

Si Kyle na nakaupo din sa sahig habang nakasandal sa isang mahabang kahoy na upuan. Ang nasa upuan naman na yun ay ang batang si Maddy na nakahiga at nakatingin din sa apoy.

Si Jayvee naman ay nakasandal sa pader na katabi ng pintong hinarangan namin ng malaking lumang aparador.

Ang tahimik ng paligid. Mga kuliglig lang ang maririnig at ang pagputok paminsan minsan ng nasusunog na kahoy.

Lahat kami ay pawang pagod na pagod at inaantok na. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa pagtakbo sa napakadilim na gubat. Hanggang sa makarating kami sa highway ay tumatakbo pa din kami. Takot na baka nakasunod sa amin ang mga kalaban.

Lalo akong inantok ng sinimulang haplusin ni Shawn ang aking ulo ng paulit ulit. Pinapatulog na nya ako. Alam nya kasi na pagod ako at inaantok na pero ayaw na makatulog dahil sa takot na dumating ang mga kalaban.

Naisip ko tuloy. Dati. Mga walkers lang ang tanging kalaban namin. Pero ngayon. Pati kapwa tao ay kalaban na din. Imbis na magtulungan para mabuhay ang lahat ay nagpapatayan na ang mga tao para mabuhay ang kanya kanyang sarili. Nakakalungkot isipin na kahit ata kailan ay hindi na talaga maisasalba ang buhay ng mga natitirang tao sa mundo dahil din sa kapwa nilang pumapatay para sila'y maka survive.

Sa kaiisip ko nito ay unti unti na pala akong nakakatulog kahit ayaw ko pa. Hanggang sa hindi ko na kinaya at tuluyan ng pumikit an aking mga mata.

"Kailangan na nating makaalis agad."

"Alam ko. Pero saan tayo pupunta? Malamang pinaghahahanap na tayo ng mga tauhan ni Blake."

"Hindi ko alam kung saan tayo pupunta pero hindi tayo pupwede sa highway dahil malaki ang chance na andun sila Blake."

"Tama ka. Alam mo. Parang pamilyar yung mukha ng Blake na iyon. Hindi ko masyadong naaninag ang mukha nya nun una natin syang makita pero pamilyar talaga eh."

"Baka artista sya kuya Jayvee? May itsura naman yun kaya baka artista nga."

"Baka nga. Pero ang yabang ng mokong na yun."

My Zombie Girl (girlxgirl)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ