Chapter One

23.3K 560 72
                                    

Pagod na pagod na ko sa kakatakbo. Sa patuloy na pagtatago at pagtakas. Yung totoo. Hindi ko na mailakad pa ang mga paa ko. Napasandal na lamang ako sa pader ng fast food chain na ito.

Lumingon ako sa aking kanan. Nakita ko ang pinsan kong si Trina at kanyang boyfriend na si Shawn na naghahabol din ng kanilang hininga.

Sa bandang kaliwa ko naman ay naghahabol din ng hininga ang tatlo pa naming kasama.

Sobrang tahimik. Mga pintig lang ng aming puso and maririnig at ang paghahabol ng aming hininga. Sobrang dilim ng paligid kaya lalo itong nakakatakot.

"Wait, pwede mag rest muna tayo? Kanina pa tayo takbo ng takbo." Si Trina na napaupo na lang at sumandal sa pader.

"Babe, mamaya na, kailangan muna naten makapasok sa secured na lugar. Delikado kung nasa open tayo. Gabi pa naman na." Si Shawn habang nakalahad yung kamay nya para tulungang makatayo si Trina. Syempre tumango naman si Trina kasi no choice talaga kami.

"Shawn, tara, back-up-an mo ko. Pasukin na naten tong Jollibee." Si Jayvee, isa sa kasamahan namen.

Tumango naman si Shawn at nagbilin samen.

"Guys, basta pag may lumabas na walker, ulo agad ha." Bilin nya samen at bigla syang nag kiss kay Trina. Syempre tumango naman kami.

Yep, tama basa nyo. Walker nga. As in zombies. Parang sa the walking dead. Gulat ba kayo? Ako hindi eh. Mga ilang weeks na din kasi kaming nakakakita ng mga ganyan at nakakapatay pa. Sa totoo lang nakakatakot at nakakadiri. Syempre kung makagat kami nun? Eh di zombie na din ako.

Dati, nakakakonsensya pag nakakapatay ako ng mga zombie. Syempre tao sila dati. Naalala ko tuloy yung unang unang zombie na napatay ko.

"Wag kang lalapit saken!" Sigaw ko sakanya.

Hindi naman sya nakinig at direcho lakad nya papunta saken na parang lasing lang ang peg nya. Puro dugo yung bibig nya tapos may kagat yung leeg nya na parang natanggal yung balat at laman nya. Kadiri hayup!

Syempre wala akong idea na zombie na pala sya. Kasi naman kakagising ko lang sa loob ng kwarto ko. At pag baba ko sa kitchen ganyan sasalubong saken? Wala man lang warning.

Tapos bigla syang nag groan. Actually kanina nya pa yun ginagawa. Napaatras ako ng ilang hakbang hanggang sa nasa likod ko na pala yung kitchen counter namen. Shit lang diba?

"Mang Ramon please wag kang lalapit." Makaawa ko pa sakanya. Muntanga lang ako. Eh kaka discover ko lang nga na hindi nya ako naiintindihan. Tapos kinakausap ko pa. Si Mang Ramon, driver ko sya, pero parang tatay na turing ko sakanya dahil lagi syang anjan instead of my father.

Paglingon ko sa left ko, may nakita akong knife. So kinuha ko naman sya agad tapos tinapat ko kung saan naglalakad si Mang Ramon papunta saken. Tapang ko diba?

"Stop right there Mang Ramon! Please!" Sigaw ko pa. Tapos nag groan sya ulit, yung mga kamay nya naka forward yung parang sasakalin nya ko.

"Ayaw kitang saktan kaya please stop right where you are!" I yelled. Kulit amp.

Eh ayaw nya mag stop lumakad. Diredirecho sya papunta saken. Lalo akong nag panic! Then nung iga-grab na nya ko at kakagatin ba nya? eh sinaksak ko yung ulo nya. Dito sa may sentido.

I screamed. Syempre natakot ako. At napatay ko si Mang Ramon. Umiiyak ako tapos nakaluhod ako sa harap nya. Pati sipon ko tumutulo na.

"I-I'm sorry M-mang Ramon." Sabi ko habang umiiyak. "Di ko sinasadya!" Sigaw ko pa. Nanginginig yung buo kong katawan. Shit. Nakapatay ako ng tao.

After a few minutes, biglang may pumasok sa bahay ko.

"Mischa!" Sigaw nung babae. Parang familiar pero di ko matandaan.

Naririnig ko yung footsteps nya around the house. Hinahanap nya ko. Then may biglang yumakap saken. Of course I was startled. Sinubukan ko syang itulak pero baliwala and I kept crying na lang.

"Mischa, shhhh. Stop crying. I'm here now." Sabi nya habang hinahaplos nya yung ulo ko.

"Trina, hurry up. Kailangan pa naten mag pack ng mga kailangan naten." Sabi nun lalaki na feeling ko ay si Shawn yun.

Tumingala ako kay Trina. Naghahanap ako ng sagot sakanya kahit wala naman akong tinatanong. Pero mukhang nabasa naman nya yung gusto kong itanong.

"Long story Mischa, sa ngayon, you need to pull yourself together. May nangyari dito saten, no, I guess sa buong mundo, you need to pack your bags, foods and clothes lang need naten as of now." She said tapos itinayo nya ko.

"Trina, napatay ko si Mang Ramon." I said softly, teary eyed pa rin.

"Shhh, you just did what you have to do. Ang totoo Isha, patay na talaga si Mang Ramon bago mo pa sya masaksak." And I was like, anu daw?

Tapos nagbuntong hininga sya.

"He's a zombie Isha. At maraming nagkaganyan dito. Kung di mo sya nasaksak, malamang kinakain ka na nya ngaun." Explain nya.

Syempre di agad na process ng utak ko yung sinabi nya. Parang lutang tuloy ako. Fcking shit. Zombie? Nananaginip ba ko? Isa ba tong malaking joke?

Kinaladkad ako ni Trina sa room ko. Tapos hinalungkat namen yung closet ko para sa mga magagamit kong clothes daw. Then naririnig ko si Shawn sa room nina dad, feeling ko naghahanap sya ng baril dun, which is meron nga dun nakatago. I think meron dun automatic na shotgun tapos tatlong klaseng handgun and some bullets.

Tapos ayun tsaka lang nag sink in saken yun nangyari at yung mga sinabi ni Trina.

Takbo ako bigla sa may night stand ko tapos kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko yung number nina mom.

Aish! Bat di ko macontact?!

Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko.

"Ish, wala nang communication lines. Lahat down. I'm sorry." Sabi nya.

Nabitawan ko yung phone ko. Tapos parang nanlumo ako. Paano ko malalaman kung okay sina mommy?! Napaupo na lang ako sa sahig. What if patay na sila? Paano na ko? And what if buhay pa sila? Paano kami magkikita?

Niyakap na lang ako ni Trina ng mahigpit habang umiiyak ako.


--------

Ay try lang ng tagalog. Baka may magbasa pa din naman kahit papaano. Haha.

-Chriss

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now