Chapter Twenty One

6.8K 240 82
                                    

Magandang tanghali!!

Dahil naging bipolar ako kagabi sa di ko malamang kadahilanan, ay naisipan kong mag update.

Tama! Isa itong update! Hindi repost! Ahahaha. XD

Sana ay magustuhan nyo ang chappy na ito. Pinaghirapan ko to nun isang araw. Kahit pala sa wikang tagalog ay mahirap mag explicate ng mga senaryo. XD kaya sobrang babaw lang ng pagkaka describe ko sa mga senaryo sa aking mga istorya.

Para nga pala ito kay @AlbatrossMinion dahil bitter daw sya kaya napapainom ng tubig na may kulay! haha. XD

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pagboto sa aking mga istorya. ;)

Kayo ay mag comment?

Vote?

Bipolar eh. XD

-Chriss

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Third Person P.o.V

Patuloy lang ang nilalang na ito sa paglakad. Minsan napapahinto ito na parang may pinoproseso sa kanyang utak. Pagkatapos ay maglalakad syang muli.

Minsan nga'y may nakasalubong syang katulad din nya. Nagkatitigan silang dalawa na aakalain mong naguusap gamit ang kanilang mata. Umungol ang nakasalubong nya at ganun din sya sabay lakad muli. Weird diba.

Inabot na sya ng gabi sa daan. Sobrang dilim ng paligid. Pero dahil kakaiba siyang nilalang ay parang may night vision ang kanyang paningin. Nakikita nya ang kanyang dinadaanan.

Napaka tahimik ng buong paligid. Tanging huni lang ng mga kuliglig ang maririnig, at syempre ang mga yabag ng kanyang mga paa.

Makalipas ang ilang oras pang lakaran ay huminto sya sa kanyang paglalakad sa gitna ng highway.

Nakatayo lamang sya doon na parang may iniisip o pinapakinggan. Ano nga ba sa dalawa. Hindi kasi malinaw kung ano ang kanyang ginagawa.

Maya maya pa ay iniangat nya ang kanyang ulo na nakapagpabagsak sa kanyang hindi kahabaang buhok sa kanyang likuran.

Walang anu ano ay sininghot nya ang hangin sa kanyang paligid. Maya maya lamang ay inihilig nya ang kanyang ulo sa bandang kanan na parang baliw lang na nakaisip ng paraan kung paano papatay ng tao. Devilish smirk na lang ang kulang. Aha. Joke lang po.

Inihilig nya ang kanyang ulo sa kanan na parang nahanap nya ang kung ano mang bagay na kanyang na amoy kani kanina.

Nag umpisa na naman syang maglakad pero sa gawing kanan na ngayon. Dire-direcho lamang sya.

Sa kanyang paningin, ang nakikita nya ay mga hindi kataasang talahib na aabot lamang sa kanyang beywang. Mga matataas na puno ng mangga at mga puno ng buko.

At sa wakas, may natumbok din siya. Isang bahay na hindi kalakihan ngunit may ikalawang palapag. Aninag nyang may liwanag sa loob ng bahay. Siguro out of curiosity ay pinuntahan nya ang bahay, ngunit bigla syang tumama sa isang bagay na pumipigil sa kanyang paglakad.

Tiningnan nya ito at nakita nya ang bakal na bakod. Ang bakod na ito ay lagpas sa ulo nya. Sinubukan nyang maglakad muli pero tumama na naman sya sa bakod. Inulit na naman nya ito at tumama na naman sya.

~grrrrrr...~

Parang galit nyang ungol. Siguro nalaman nyang sagabal ang bakod na ito sa kanyang paglakad.

Umikot sya sa paligid nito upang makahanap siguro ng madadaanan ngunit napagtanto nyang napapalibutan ng bakod ang bahay. Bumalik sya sa bandang unahan ng bakod kung saan sya unang nakatayo.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now