Chapter Seventeen

7.4K 245 88
                                    

Pashneya madlang people!!!

Pashneya kung ngaun lang nakapag update!! Pulubi po sa load ehh. XD walang internet. Hahahaha. XD

Tama po. Update ito. Kakasabi ko lang nga dba???

Sana magustuhan nyo!!!

-Chriss

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Megan's P.o.V

Naglalakad kaming tatlo ngayon palabas ng SM dala ang mga gamit namin. Bitbit ko ang bag ni Mischa kung saan dun ko na nilipat ang iba ko pang gamit.

Maganda ang bwisit na araw. Parang walang nangyari kahapon kung makasikat sya. Buset!! Tahimik at payapa ang paligid. So far walang mga walkers. Fucking bitches! Kung kelan wala na si Ish tsaka gantong kaganda ang araw ngayon.

Napalingon ako sa nilabasan naming sirang shutter at parang may kumurot sa puso ko. Walang Mischang nakangiti ang lumabas mula dito. At nagsimula na namang mangilid ang aking mga luha. Ang sakit damnit!!

Chineck na naman namin ang mga sasakyan na pwede pang magamit. Paglapit ko sa isang sasakyan. Nagalburoto ang aking tyan. Psh! Gutom na ako. Kumukulo na ang tyan ko. Pero wala akong ganang kumain. Hai.

"Aish! Wala bang gagana sa mga to?!" Asar na sigaw ni Dylan. Hindi ko sya pinansin. Wala ako sa mood ngayon. Masama ang pakiramdam ko.

No choice na naman kami kundi ang maglakad. Hindi namin alam kung saan tumungo ang mga hayop na walkers. Pero wala kaming paki. Lakad lang kami ng lakad.

"Hindi ko na kaya." Pagmamaktol ni Kylie sabay naupo sa may gutter.

"Anong di mo na kaya?" Walang emosyong tanong ko matapos kong huminto sa paglakad.

"Gutom na ko. Damnit. Di pa tayo kumakain mula kahapon. Please. Kumain na tayo." Pagmamakaawa ni Kylie.

Bago ako naupo sa kanyang tabi ay ibinagsak ko ng hindi kalakasan ang bag ni Mischa dahil ang bigat. Daming laman ehh. Mga damit nya at iba pang mga personal na gamit. Andito na din ang mga damit ko at iba pang gamit. Hai.

Si Dylan sa hood ng sirang sasakyan naupo sabay bagsak din ng kanyang bag.

Binuksan ko ang bag ni Ish at kumuha ng corned tuna. Iniabot ko yun kay Kylie at napatingin naman sya sa akin na nagtataka.

"Kainin mo na yan." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"P-pero. May pagkain pa ako dito. Kaw na kumain nyan. Malamang gutom ka na din." Sabi nya at itinulak nya ng dahan dahan ang aking kamay na may hawak sa corned tuna.

"Sige na go. Wala akong gana kumain. Tsaka pampa bawas na din yan sa bigat ng bag ko." Sabi ko.

Nagisip pa si Kylie at maya maya pa'y kinuha na ang corned tuna sa aking kamay.

Nagumpisa na syang kumain ng tahimik. Si Dylan ay kumakain na din ng sarili nyang corned tuna.

Wala akong magawa kaya tumayo akong muli at naglakad lakad sa gitna ng kalye. Hindi ko na tanaw ang SM mula sa aming posisyon ngayon.

Nakaramdam na naman ako ng kurot sa aking puso. At pakiramdam ko nangingilid na naman ang aking mga luha. Fuck. Ang sakit pa din. Hindi ganun kadaling mag move on sa totoo lang lalo pa kung kagabi lang namatay ang mahal mo.

"Uminom ka muna." Sabi ni Kylie na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Inabutan nya ako ng isang bote ng tubig. Tinigitan ko muna ang hawak nya bago muling tumingin sa kanya.

"Salamat." Sabi ko at kinuha na ang bote sa kanya.

Binuksan ko ang bote at uminom. Napansin kong nakatingin din si Kylie sa direksyon ng pinanggalingan namin. Malamang iniisip din nya ngayon si Ish.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now