Chapter Three

13.5K 405 50
                                    

Dahil may reader akong makulit. Maga-update ako ngaun. Aha.

Salamat sa pagbabasa nito. Sana basahin nyo din yung dalawa ko pang story. Thanks!!

-Chriss

----------


Nanlaki talaga yung mata ko nung nakita ko ang mukha nya.

"Megan?!/Mischa?!" Sigaw namin pareho.

Si Megan, ang ex girlfriend ko. Iniwan nya ako isang linggo bago magkagulo ang buong mundo. May pagka-bitter ako. Ahaha.

"Mischa! Ikaw nga!" Sabi nya sabay yakap sakin ng mahigpit.

Syempre gulat na gulat pa din ako kaya hindi ako agad nakapag react. Pero saglit lang yun kasi napayakap din ako ng sobrang higpit sa kanya.

Eeiiish! Grabe! Sobrang namiss ko sya. After kasi namin mag hiwalay wala na kong balita sa kanya hanggang sa magka zombie apocalypse.

Ayun, iyak na naman sya. Pati tuloy ako napaluha na. Aish! Kasi naman, miss na miss ko na sya. Akala ko hindi ko na sya makikita ulit.

"Shit, akala ko hindi na kita makikita Mischa." Pahikbi hikbi sya.

"Ako din, akala ko hindi na kita makikita." Singhot ko pa.

-flashback-

"Maghiwalay na tayo Mischa." Sabi ni Megan habang nakayuko.

Tae hindi mag register sa utak ko yung sinabi nya. Anu daw?! Baka nagkamali lang ako ng rinig.

"Ano?" Sabi ko na nakatulala sa kanya. Actually nangingilid na yung luha ko.

"I'm sorry Mischa. Hindi na ako masaya. Maghiwalay na tayo." Sabi nya. Tapos tumulo yung walanghiyang luha ko.

"B-babe. Ayoko." Sabi ko ng mahinahon. Tapos niyakap ko sya. Umiyak na din sya sa leeg ko habang yakap yakap nya ako ng mahigpit.

"Please, itigil na natin to babe. Ayoko na. Hindi na ako masaya. Humanap ka na lang ng ibang magmamahal sayo, yung hindi ka iiwan." Sabay hagulgol sya ng sobra. Hinigpitan ko ng sobra yun yakap ko. Ayaw kong bumitaw. Dahil pag bumitaw ako, alam kong huling yakap na namin to.

Tangna! Ang sakit hayup! Bakit ganito sya?! Bakit kailangan nya akong iwan?!

Mga ilang minutes din kaming ganito, tapos iniangat nya yung ulo nya at tumitig saken. Pinunasan ko yun luha nya gamit yung thumb ng parehong kamay ko.

"I'm sorry Mischa. Basta tandaan mo na mahal na mahal kita. Sobra. Pero kailangan natin tong gawin. Magiingat ka palagi ha." Pagtapos hinalikan nya ako sa mga labi ko sa huling pagkakataon. Yun halik na punong puno ng pagmamahal, na may lungkot, na nanghihingi ng tawad, na may pagkasabik pero yun nagpapaalam na.

Tapos humiwalay na sya sa yakap ko at tsaka umalis papalayo. Parang unti unti syang nagfe-fade habang naglalakad sya papalayo. Pero yung totoo hindi ko na sya makita dahil puno na ng luha ang mga mata ko.

-end of flashback-

"Hush Meg. Andito na ako." Sabi ko habang hinahaplos ko yung buhok nya.

Mga ilang minutes kaming magkayakap. Pakiramdam ko unti unting nakukumpleto yung buhay ko. Mga parents ko at si Vlad na lang ang kulang para makumpleto na talaga ko.

"Ish, I'm sorry." Sabi nya tapos nag pull back sya ng onti pero nakayakap pa din sya.

"Wala yun. Kalimutan na natin yun. Ang importante magkasama na tayo ulit." Sabi ko. Tapos biglang lumaki yung mga mata nya then humiwalay sya sa pagkakayakap sakin. Syempre nag frown ako.

My Zombie Girl (girlxgirl)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant