Chapter Fifteen

8.1K 261 37
                                    

Awtor's Nowt!!

Anoooo!! Update po ito!!!

Mabigat po sa loob ko habang ginagawa ko ang chappy na ito. Hindi ko kinaya at yung totoo naluha ako. Haha. XD

Hindi ko alam kung dapat ko bang iupdate to o hindi. Dahil nasasaktan ako. Haha. Drumuh. XD

Heartbroken ang peg ni Awtor. Huhuhu. T_T

So eto na po ang pinakainaabangang chappy. Sana po ay magustuhan nyo. Kung hindi. Okay lang. Wala akong magagawa. Haha.

Kung may hinanakit kayo. Icomment or iprivate message nyo lang ako. :p

Vote?

Read?

Eat ng pansit canton? :D

-Chriss </3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dumaan kami mismo sa toll gate ng exit na to. So far so good. Wala naman kakaiba o weird na bagay.

Same ol same ol. Mga empty streets. Mga establishments na abandonado. Mga kalat sa daan. Ilang naagnas na mga katawang pinagpyestahan na ng mga walkers. Mga kotseng sira sira at mga bus ng Bataan Transit, Saulog, Genesis, First Luzon at kung anek anek pa ang nakaparada. May pang-ilang ngilang sasakyan ang mukhang pupwede pang gamitin.

Alerto kaming apat. Nakakabingi kasi ang katahimikan. Tanging ihip lang ng hangin ang maririnig.

Kung tutuusin. Nakakatakot tong lugar na to. Since walang katao tao ang dating busy-busyhang sentro ng San Fernando, ay kikilabutan ka naman ngaun dahil sa eerie feeling ng mga abandonadong establishments at sa katahimikan ng lugar na to.

Yung totoo. Feeling ko nga may mga multong naka dungaw sa mga bintana dito eh. Ugh. Katakot!!

"Let's check these cars." Sabi ni Dylan pagkadating namin sa parking lot ng SM Pampanga.

"Okay." Sagot naming tatlo at nag umpisa kaming tingnan ang bawat sasakyan.

Pangalawang sasakyan na tong bubuksan ko dahil yun una ay walang manibela. Ene be. Pati manibela ba ay kinain na din ng walkers?? Patay gutom ang mga hampas lupa!

Tinted itong Pickup na titingnan ko. Kulay pula ito at kung parang dati lang ang araw na ito ay iisipin kong ang cool nito idrive at cool na ipakita sa madlang people sa kalsada. Hot na ang sasakyan, hot pa ang driver. Ahem. Ako yun. Haha.

Sinilip ko ang bintana sa may driver's seat ng pickup. Shems. Sobrang tinted naman nito. Wala akong makita sa loob.

Tinry ko kung naka lock ba ito pero buti ay hindi. Dahan dahan ko itong binukas pero isang malaking lalaking walker ang bumungad at dumamba sa akin.

"Grrrrrrrrrrr...." Groan nya pagkadamba sa akin.

Sa lakas ng walker na ito ay napahiga ako sa lupa at halos kapusin ako ng hininga nang mapabagsak ako nang dahil sa bigat nya.

"F-fuck!" Pagpapanic ko habang sinusubukang pigilan ang walanghyang walker sa tangkang pagkagat saken.

"Ish!" Sigaw nilang tatlo sa di kalayuan at narinig ko na nagmamadali silang pumunta sa akin.

I still struggled dito sa higanteng ito dahil sobrang lakas nya at feeling ko anytime ay makakagat na nya ako dahil hindi na kinakaya ng mga braso ko ang pagpigil sa kanya.

"O-oh s-shiiit!" Bigkas ko pa dahil ang lapit na ng pagmumukha ng walker na to sa mukha ko kahit na pilit kong iniiwas ang napakaganda kong mukha.

My Zombie Girl (girlxgirl)Kde žijí příběhy. Začni objevovat