Chapter Twelve

8.6K 238 8
                                    

"Rrrrrrraaaaaaaaaarrrrrrrrr!!!!!"

Nagulat si Megan at gusto nang gumalaw pero hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Please babe. Wag kang gagalaw! Baka umalis sila pag wala silang narinig or what!

Sigaw ko sa isip ko na sana nasasabi ko ngaun kay Megan.

Kitang kita ko sa labas ng bintana ang dami ng bilang ng mga walkers na lumapit sa Hummer.

Maya maya pa ay kinalampag ng mga walkers ang Hummer na ikinagulat namin ni Megan. Umungol si Megan dahil napasigaw sya pero buti na lang ay nakatakip ang kamay ko sa bibig nya. Napapikit na lamang ako.

Shems! This is it pansit na ba??

Lord, patawad!! I'm really sorry po sa times dati na hindi kami nagkakasundo ni mom. Lalo na ni dad. I'm really sorry po at lagi kong inaasar nuon si Vlad. Sa pagiging pasaway ko po. Sa pagbuko sa prof ko na may putok sya. Sa pag-

Naputol ang paghingi ko ng tawad kay Lord ng mapansin kong nawala ang ingay ng mga walkers. Dinilat ko ang aking mga mata at tumingin sa may bintana.

Wala na ang mga walker?

Sinilip ko ng dahan dahan ang kabilang bintana.

Wala nga!

Pero bakit? Bakit bigla silang umalis at bakit di nila tinuloy ang pag atake samin?

Unti unting kumawala sa yakap ko si Megan at dahan dahan namin itinulak ang mabahong katawan ni Diego. Dahan dahan kaming lumabas ng sasakyan at nag inhale ng malalim. Thank God we're alive!

"Babe? Ang weird kanina ng nangyari no?" Sabi ko kay Megan. Naglalakad na kami pabalik dun sa bahay dahil mahirap ng abutan ng dilim. Baka mamaya may makasalubong ulit kaming horde ng walkers.

"Oo grabe. One minute gustong gusto nilang sirain yung sasakyan tapos bigla na lang silang tumigil at umalis." Sabi nya sabay roll pa ng eyes. Aha. Ang cute nya lang talaga.

"Anong nginingiti ngiti mo jan babe??" Tanong nya.

"H-huh?" Napatigil naman ako. Nakangiti ba ko? Napatigil din sya sa paglakad.

"Oo nakangiti ka babe." Luh!!! Bakit ba lahat ng kasama ko nababasa isip ko??

"Hindi ko nabasa isip mo no." Tawa nya pa.

"Eeeii?! Ehh bakit sinasagot mo mga tanong ko sa isip ko??" Tinawanan na naman ako ni Megan.

"Ehh kasi babe obvious na obvious sa mukha mo yung gusto mong itanong. At isa pa, kilala na kita babe. " Sagot nya na nakangiti.

Napangiti na lang din ako kasi tama sya, kilala nya talaga ako.

Naglakad na kami ulit pabalik sa bahay kung saan naghihintay yung dalawa.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

"Hey baby." Bati ni Dylan kay Megan. Psh. Baby daw.

Lumapit si Megan kay Dylan at binigyan nya ito ng isang awkward na halik sa noo.

Nagkatinginan kami ni Megan after nun at binigyan nya ako ng apologetic look. Nginitian ko lang sya at dumirecho na ako sa bathroom para maglinis ng katawan.

Paglabas ko ay madilim na pala. Napasarap ata ligo ko. Bumaba ako at nakita ko sila sa may kitchen. Inaantay pala nila ako para makakaen na kami ng dinner.

Ang food namin for the night is corned tuna as usual. Tsk. Kelan kaya kami makaka kain ng totoong foods? Masyado na akong sumesexy sa kinakaen namin.

My Zombie Girl (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon