Chapter Nine

9.7K 322 11
                                    

Tahimik ang paligid. Tanging huni ng crickets ang naririnig ko. Dumilat ako.

Shit! Naaksidente nga pala kami!

Ang position ko ngayon ay nakabaliktad ako. Malamang, dahil nakabaliktad tong sasakyan namin.

Sinubukan kong gumalaw. Masakit sa lahat ng parte ng katawan ko. Pero kinapa ko kung may mga binti pa ba ako.

Wew! Buti meron pa! Kinabahan ako ng slight tengene.

Dahil feeling ko lahat na ng dugo ko ay nasa ulo ko, tinanggal ko na ang seatbelt ko na kanina pa ako sinasakal.

Good thing natanggal naman ito. Bumagsak ang katawan ko as soon as matanggal ko ang seatbelt. Pakinshet! Ang sakit! Una ulo eh.

I groaned in pain. Pain na nararamdaman ko ngayon sa buong katawan ko.

I tried crawling out of this damned car. May mga shattered glass from the window and windshield which cut me as I crawl out.

Paglabas ko, huminga ako ng malalim as soon as makasandal ako sa sasakyan.

Tangina! I'm alive!!!

Can you all believe that?! Masamang damo ata ako kaya buhay na buhay pa ako hanggang ngayon! Aha.

Naputol ang pagbubunyi ko nang makarinig ako ng ungol sa loob ng sasakyan.

Holy fck! May mga kasama nga pala ako!

I tried to stand up at umikot ako patungo sa passenger side. Nakita ko si Kylie kahit madilim. Tinungo ko ang pinto sa backseat. Oh my fcking gosh!

Wala si Megan!

Nag-panic ako pero I tried to calm myself. Walang maitutulong ang pagpa-panic. I'll look for her na lang.

I grabbed my flashlight from my waist. It's still working! Lucky me!

Inilawan ko si Kylie. Oh thank god! She's breathing!

I tried to open the door but it won't budge. Since basag na ang window dito, nilinis ko na lamang ito para hindi kami ma-cut pareho.

As soon as ma-clear ko na yung window, pinilit kong tanggalin yun seatbelt ni Kylie. Pero ayaw. Shit naman. Sinubukan ko ulit tanggalin pero to my surprise, may narinig akong footstep at groan at sabay grab saken from my behind.

Holy fck! Walker!

Hindi ko sya naramdaman ah! Daya! Pero I was able to get out of its grip. Walanghya kang walker ka!

Kinapa ko yun knife ko sa bandang paa ko and lucky me it was there. So kinuha ko yun pero as soon as makuha ko yun eto na naman si walker at natumba nya ako sa lupa ng makalapit sya saken.

Sinubukan kong pigilan ang pagkagat nya saken kahit napakalakas nya.

Ayokong makagat mo panget! Paaangeee-

"D-Diego?!" Sigaw ko ng maaninag ko kung sino sya.

"Rrrrrrr." Reply nya. Aha. Sumagot ka pa ha!

Oo si Diego ng bubble gang. Cool. May artista! Pero paano sya nakarating sa NLEX?

Maa-amaze pa sana ako pero syempre baka makagat nya ako at maging walker pa ako. Nabuhay ka nga sa car crash, namatay ka naman sa zombie. Nye?

Nakakuha ako ng chance na maisaksak ko sa ulo nya ang knife na hawak ko. Ayun. Tulog sya. I mean paktay na sya. Makayakap nga wagas eh. Akala mo girlfriend ko.

Asar na itinulak ko si Diego galing sa ibabaw ko. My heart still pounds so fast. Kinabahan ako dun. Muntik na ako.

Tumakbo ulit ako kay Kylie ng mahimasmasan ako. Pinutol ko gamit ang knife yung seatbelt ni Kylie at tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa roof ng sasakyan habang inaalalayan ko sya. Hinila ko sya palabas ng sasakyan at isinandal sa Hummer.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now