Chapter Thirty One

11.3K 278 24
                                    

Hi guys!

Ako'y taos pusong humihingi ng tawad dahil sa hindi pagupdate ng chappy sa lalong madaling panahon. Busy lang po kasi ako sa buhay ko pati sa baby ko. Haha. XD

Pero have no fear! Andito na ang huling chappy ng My Zombie Girl. ;)

Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa inyong lahat. :)

Maraming salamat po sa lahat ng mga readers ko na walang sawang sumusuporta sa My Zombie Girl. Sa walang sawang pag boto at sa taimtim na paghihintay ng mga updates ko. ;)

Maraming salamat din sa baby ko na si InspiredbyChriss dahil sya ang naging inspiration ko habang ginagawa ko ang story na to. Hihi. I love you baby!! :3

Sana magustuhan nyo po ito mga kaibigan. Kung may violent reactions kayo o nais nyo lang talagang kausapin ako o ibash ako. Comment lang kayo or pm nyo ako. Hehe. Thanks po talaga sa inyong lahat. At. Paumanhin po talaga sa matagal na update! :)

-Chriss14<3

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Megan's P.o.V

"Ish? Ish??" Pagtawag ko sa walker na si Ish dahil kanina pa namin sya naririnig na umuungol. Hindi sya gumagalaw sa kanyang pagkakatayo at nakapikit pa ito.

Nagaalala kami dahil baka kung anong masamang epekto ng dugo ni Maddy sa kanya.

Kakasabog pa lamang ng liwanag mula sa haring araw at wala pa kaming tulog dahil sa pagaantay ng resulta. Sina Jayvee, Dylan at Kylie ay nakatali pa din at walang buhay. Kagabi pa sila nawalan ng buhay pero hanggang ngayon ay hindi pa din sila nagiging walker or gumaling man lang.

"Ish? Baby?" Pagtawag kong muli sa kanya habang yinuyugyog sya. Hindi ko na pinapansin ang sakit ng sugat ko dahil sa tama ng bala kahapon. I just want to see if Ish's alright. Hai.

Dumilat ang walker na si Ish at sa di inaasahang pangyayari ay nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, pagsasummersault ng aking sikmura at panghihina ng aking mga tuhod.

"I-ish?" Naiiyak kong sabi habang nakatitig sa kanyang mata.

Sa kanyang mga matang unti unting bumabalik sa dating kulay nito. Ang kanyang itim na itim na mata ay unti unting nagiging kulay asul muli.

Nakatingin lang sya sa akin. Kung umepekto ang anti virus ay siguro nagaadjust pa ang kanyang paningin.

"Mm...mmm...Mm-me-gan?" Pilit nyang pagtawag sa aking pangalan na ikinagulat ko.

Totoo ba to?? T-tao na si Ish?! Oh my god!!!

Kinurot ko ang aking braso para malaman kung nananaginip lang ba ako o hindi dahil for the first time, narinig ko nang binanggit ni Ish ng maayos ang aking pangalan!

"Aw!" Napalakas ang aking pagkakasabi dahil nasaktan ako sa aking kurot.

"Meg are you okay??" Nagaalalang tanong ni Trina sa akin at papalapit na sya sa amin ni Ish.

"Mmm...Megan?" Inulit ni Ish at this time ay napakalinaw ng kanyang pagkakasabi ng aking pangalan.

"Oh my god!!!" Napasigaw na ako sa tuwa at napatalon at napayakap na ako kay Ish kahit masakit pa ang sugat ko.

Maya maya pa ay yumakap si Ish sa akin at dun na tuluyang tumulo ang aking luha.

Hindi ko na napigilan pa ang mga ito. Sobrang saya ko lang kasi talaga dahil sa wakas ay bumalik na sa pagiging tao ang mahal ko.

My Zombie Girl (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon