Chapter Twenty Eight

7.3K 216 21
                                    

Hi guys!

Isa itong update. Hooray!

Since maeexpire na internet load ko later eh napagdesisyunan kong magupdate para sa inyo. ;)

Sana magustuhan nyo ang chappy na ito. :3

Comment kayo!

Vote kayo!

Bagyo!

-Chriss

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Megan's P.o.V

Bago pa sumikat ang araw ay umalis na kami sa munting bahay na aming tinuluyan. Maganda na yung maaga pa lang ay makalayo agad kami dito dahil siguradong nakabuntot sa amin ang mga kalaban.

Ramdam ko pa din ang aking pagod. At malamang hindi lamang ako ang nakakaramdam nito. Bakas pa sa paglakad ng mga kasama ko ang pagod mula sa pagtakbo namin ng ilang oras kahapon.

Nauunang maglakad sina Trina habang ako naman ay nandito sa bandang likuran kasama ni Ish na maglakad. From time to time ay lumilingon kami sa aming likuran dahil baka nakasunod sila sa amin. Maganda na ang alisto.

"Ang lalim ng iniisip mo Meg ah." Biglang sabi ni Kylie sa akin na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

Tiningnan ko sya at ngumiti lang ng bahagya.

"Wala to. I'm just tired, I guess." Paliwanag ko sa kanya.

"I know something's bothering you Meg. You can tell me." Sabi nya and I can see concern in her eyes.

Napa sigh na lang ako dahil magmumukha akong katawa tawa kung sasabihin ko sa kanya ang pinoproblema ko.

"Hey." Hinawakan nya ako sa aking braso kaya napalingon ako sa kanya. "I'm here for you okay? Lahat kami actually." Dagdag pa nya at sabay na ngumiti sa akin.

Napangiti na lang din ako sa sinabi nya at hinawakan ko ang kamay nyang nakakapit sa akin.

~grrr...~

Narinig naming nag groan si Ish kaya napalingon kami sa kanya.

"Selos ka ba?" Parang sira kong tanong kay Ish. Nagkatinginan kami Kylie at sabay na tumawa.

"Oo na Ish. Sayong sayo lang si Megan mo." Pangaasar ni Kylie kay Ish. Napailing na lang ako habang nakangiti dahil para kaming timang na kinakausap ang walker na si Ish.

Medyo tanghali na ng makalabas kami ng gubat na ito. At sa puntong ito ay may concrete na kalsada.

Pinagisipan naming maigi kung dapat ba kaming dumaan sa kalsada dahil may chance na madaanan kami dito ng mga kalaban.

Napagdesisyunan naming tumawid sa kabila ng kalsada papasok sa kakahuyan. Iiwasan na lang namin ang kalsada pero at the same time tutungo pa rin kami sa bayan or kung saan man ang dulo ng kalsadang ito para makahanap ng pharmacy at iba pang supplies dahil kaunti na lang ang aming pagkain.

Mahaba habang oras din ang iginugol namin sa paglalakad at katirikan na ng araw. Tumigil muna kami sa isang malaking puno para kumain.

Gutom na ko! Yung pagiging matakaw ko dati ay nawala na dahil kailangan magtipid ng pagkain. Sobrang sexy ko na nga ngayon dahil sa pagda-diet at unwanted workout kakatakas sa kalaban. Grabe. Hindi ko akalaing mararanasan ko ang feeling ng alam mong limited lang ang makakain. Before, sa movies or sa tv ko lang to nakikita, pero ngayon, ako na mismo ang nakakaranas.

Nakaupo ako sa may bato na medyo malayo sa kanila. Sinamahan ko kasi si Ish. Nung huminto kasi kami ay dito na sya tumayo.

Ilang araw na syang hindi kumakain at kita kong pumapayat na talaga sya. Pero ang weird part pa rin is, halos pagaling na talaga ang mga sugat nya.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now