Chapter Sixteen

8K 274 48
                                    


Megan's P.o.V

"Oh my god! Thank god you're awake babe!" Halos pasigaw na sabi ko kay Ish pagkadilat na pagkadilat nya ng mata.

"Hmmnn." Groan nya nang pinilit nyang umupo at dali dali ko naman syang inalalayan.

"Where am I?" Sabi pa nya habang minamasahe ang kanyang ulo.

"Nasa ospital ka Ish. Di mo ba natatandaan ang nangyari?" Pagaalalang tanong ko sa kanya.

"Uhh." Sambit nya pag angat nya ng kanyang ulo upang ako'y tingnan. Pero binigyan nya ako ng confused look.

Napa kunot ang aking noo dahil naguguluhan ako. Halaaa!! Baka nagka amnesia na sya??

"Uhm?" Patanong nyang sabi at kinabahan naman ako. Napataas ang aking kilay.

"Uhm...naaalala mo or what? Kilala mo ba ako???" Pagaalalang tanong ko.

Natawa naman sya. Although giggle lang naman yun. Pero bakit, may nakakatawa ba?? Asar tong si Ish. Tinawanan pa kasi ako. Nagaalala na nga yung tao eh. Malay ko ba kung di na pala nya ko natatandaan. Shit. Ouch yun!

"Sige tawanan mo pa ko." Mataray na sabi ko sabay irap sa kanya.

Hinawakan nya agad ang kamay ko na nakapatong sa kama at hinigit nya ako papalapit sa kanya. Naramdaman ko na lang ang mainit nyang yakap at lihim akong napangiti.

"Baby I'm sorry." Pabulong nyang sabi na sapat lang para marinig ko.

Niyakap ko sya sa kanyang leeg at ulo dahil nakaupo sya sa kama at ako nama'y nakatayo sa gilid nito.

"It's okay. Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko habang magkayakap pa din kami. Yung totoo. Sobrang natakot ako nang mawalan sya ng malay two days ago. Magkasama kami sa parking lot ng university at kausap nya ang kanyang dad nang bigla na lang syang bumulagta sa tabi ko. Akala ko mawawala na sya sakin. Di ko ata yun kaya.

"Okay naman. Medyo masakit lang ang katawan ko." Sagot nya. Nagpullback ako at tinitigan sya sa kanyang mga mata.

"Naaalala mo ba yung nangyari two days ago?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang aking noo.

Tumitig lang sya saglit at maya maya pa'y umiling na sya.

"Ano ba nangyari babe? Pagkakatanda ko kasi..." Tumingala sya na para bang pilit nyang inaalala ang nangyari.

"You fell unconscious babe. And you've been here for two days." Pagkasabi ko nun ay napa buntong hininga ako.

"I was out of two days??" Medyo gulat nyang tanong.

"Uhm. Yea babe. The doctor said you're fine. Just stressed though kaya ka nahimatay. Baby. Saan ka naman nastress aber?" Medyo mataray kong pagkakatanong.

Kasi naman. Si Ish yung tipo ng taong hindi naiistress. Kahit problemado na yan sa grades kalmado pa din yan. Kahit naman may mga misunderstanding sila ni Tito ay hindi nagpapaka istress itong taong to. Kaya nakakagulat na sabihin ng doctor na stressed si Ish ko.

"Aha! Good question babe. Hindi ko alam." Natatawa nyang sagot sa akin hanggang sa napangiti na sya ng tuluyan. Kitang kita ko ang dimples nya na nasa bandang kaliwa ng kanyang pisngi na nagpa cute pa lalo sa kanya.

Napa iling na lamang ako ng ulo dahil kung sya nga hindi nya alam bakit sya stressed, ako pa kayang girlfriend nya makakaalam? Hai.

"Alam ko na." Maya maya pang sabi nya sabay tingin sa akin ng napaka seryoso. Tiningnan ko sya ng mabuti dahil interesado ako sa sasabihin nya.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now