Chapter Twenty Five

7.4K 237 55
                                    

Sa wakaaaas! May load na din ako sa net!!! At sa wakas!!! May update ako ngaun!! Hahahaha. Hirap ng pulubi hayufff! XD

Sana magustuhan nyo ang chappy na to guys. Since hindi ako related sa medical field dahil isa akong inhinyero eh hindi ko magawang iexplain further more ang science dito sa story na to. Pashneya dahil dun! Dalawang beses ang P.o.V ni Megan dito. Isipin nyo na lang na isa itong movie or series sa tv kaya nagkakaroon ito ng dalawang beses na P.o.V's ng mga characters.

Malapit na nga palang matapos to guys. As in. Sa next chappy tapos na to. Hahahaha. Joke lang! XD

So kayo ay mag comment?

Mag vote?

Kain tayo ng spateti oh! :3

-Chriss

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Megan's P.o.V

Nanlaki ang mata ko ng makita kong may mga walkers silang binabaril at lahat ay headshot. Dahil dito ay lalo kong minadali ang pagtakbo papunta kay Ish ng may marinig ulit akong putok ng baril...

Buti ay hindi si Ish ang tinamaan, kundi ang walker na sumalubong sa dalawang sasakyan. Kaya binilisan ko ang takbo ko kay Ish.

Malapit na ako sa kanya pero malapit na din ang mga sasakyan at patuloy pa din sila sa pagbaril. Natakot ako lalo dito.

Ng malapit na ako at malapit na din sila ay niyakap kong bigla si Ish mula sa kanyang likuran at hinila sa likod ng punong pinakamalapit sa kanya.

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib lalo na habang dumadaan ang dalawang sasakyan. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan namin ni Ish. Mga ilang minuto pa ay narinig kong may mga putok uli ng baril pero this time ay medyo malayo na sa kinatatayuan namin.

Napahinga ako ng malalim na kanina ko pa pala pinipigil. Shemay! Nakakakaba yun. Hai. Binitawan ko si Ish at iniharap sya sa akin.

"Bakit di ka sumunod??" Naiinis kong sabi sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin. Or direcho lang talaga tingin nya. Ewan!

"Kainis ka! Pinakaba mo ko!" Whisper shout ko sa kanya at hinahampas hampas ko pa sya sa braso. As if naman maiintindihan ako ng zombing si Ish.

~rrrr...~

Ang tanging ingay na nagmula sa kanya.

"Di kita naiintindihan Ish! Ayusin mo nga!" Naiinis ko pa ding sabi.

~rrrr...rrrrr...~

Napataas ang kilay ko. Sumasagot ba sya? Tumigil ako sa paghampas sa kanya dahil wala namang mangyayari. Manhid tong si Ish na kaharap ko at lalong di nya ako naiintindihan. Hai.

Tinitigan ko sya sa kanyang mukha at bandang huli ay nauwi sa kanyang mga mata. Ang kulay itim na itim na mga mata.

"Namimiss na kita Ish..."

At walang anu ano ay kusang lumapit ang aking katawan sabay hila sa kanyang mukha at agad ko syang hinalikan sa kanyang labi.

Hindi ko alam kung bakit ko to ginawa. Siguro dahil sa takot ko kanina ito. Na akala ko mawawala ng tuluyan si Ish sa akin.

Napangilid ang aking luha. Ang lamig kasi ng kanyang mga labi. Pero nakapagtatakang hindi mabaho ang kanyang bibig. Hindi amoy ng nabubulok. At ang nakapagtataka pa ay malambot pa din ang mga labi ni Ish tulad noong buhay pa sya. How weird is that.

"Meg?! Are you okay??" Nagulat ako ng tawagin ako ni Kylie kaya napahiwalay ako bigla sa pagkakahalik kay Ish.

"Y-yea I'm fine." Medyo napautal ako dahil pa din sa pagkakagulat kay Kylie.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now