Chapter Seven

10.5K 345 32
                                    

Lumipas ang dalawang araw. Naghahanap pa rin kami ng camp na safe. Kasalukuyan kaming naglalakad sa kalsada at ang alam ko papunta na ito ng EDSA.

"Jayvee." Narinig kong sabi ni Shawn habang nagpapahinga kami sa loob ng isang bus.

"Yo, bakit?" Cool na sabi ni Jayvee habang sinisindihan ang yosi na hawak nya.

Oo nga pala. Halos halikan at sambahin ako ni Jayvee at Shawn ng ibigay ko sa kanila ang packs ng cigarette. Sabi sa inyo eh. Saviour nila ako. Aha.

"Uhm. Bakit hindi tayo kumuha ng sasakyan at magdrive na lang?" Sabi ni Shawn na sya namang naupo sa driver's seat ng bus.

Napalingon naman kami sa kanya.

"Oo nga kuya Jay. Grabe naman kasi. Napapagod na ako sa paglalakad. Bakit hindi natin yun naisip before." Si Kylie na umupo sa tabi ko at inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat.

Napaisip naman si Jayvee. Oo nga naman. Nakakapagod mag lakad. Pwede naman yun eh. Marunong naman kami mag drive bukod sa kambal.

"Hindi ba maingay ang sasakyan. Baka maka-attract tayo ng walkers." Sabi nya.

"Eh bakit naman sa The Walking Dead? Diba gumagamit sila ng sasakyan? Naka motor pa nga si Darryl eh. Tsaka depende yun sa uri ng gas na gamit at sa engine." Sabi ko habang naka-kunot ang noo.

Napa "oooohhhh" naman sina Kyle. Aha. Ang mga loko na amaze ata sa sinabi ko.

"Ay oo nga. Napanood ko din yung series na yun hanggang season 7." Sabi ni Dylan.

"Hmm." Si Jayvee na nagi-isip.

"Sige. Mag-hanap tayo ng SUV para kasya tayong lahat." Pag payag ni Jayvee.

"Woooo!" Sigaw namin. Aha. Natuwa kami eh. Hindi na kami maglalakad.

"Oye Innova na lang para malaki." Sabi ni Trina.

"Ayoko! Monterosport na lang. Para astig." Sabi ko.

"Gaga, astig ka pa jan. Tingin mo ba maa-appreciate yan ng walkers? Ano yan hihinto sa ginagawa nila para tangkilikin yang Monterosport mo?" Natatawang sabi ni Trina.

"Whatever. Nagsa-suggest lang ako no." Irap ko sa kanya na sya naman ikinatawa nila.

"Jeep ni Erap na lang kaya. Pang masa." Sabi ni Kyle na hindi mapigil ang tawa. Tumawa na lang tuloy kami. Adik tong batang to.

----------

Since nasa EDSA na kami, naghanap kami ng sasakyang kakasya kami.

Buti talaga umaga ngayon, walang walkers. Pero nakakapagtaka yon kasi nasa city na kami at malaki ang population dito nung buhay pa ang mga tao.

"Guys!" Whisper shout ni Kyle.

Napatakbo naman kami sa kanya. Parang urgent kasi ang pagkaka sigaw nya.

"Ano yun?!" Sabi namin sabay sabay.

"Eto sasakyan natin." Ngiting ngiting sabi nya.

Pag lingon namin sa kanyang likuran, napa-smirk ako.

"Mahal na kita Kyle." Naka-ngiting sabi ko sa kanya na ikina-blush naman nya.

"Sige blush pa." Si Kylie sabay batok kay Kyle.

Lumapit ako sa sasakyang nasa harap ko. Hindi ko mapigil ang excitement ko. Favorite ko kasi tong sasakyan na to eh.

Although pangkaraniwan nang nakikita to, hindi ko talaga mapigil ang tuwa ko. Isang black Hummer kasi ang nasa harap ko ngaun. Yung parang kay Vice Ganda. Oh, buhay pa kaya sya? Aha.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now