Chapter Two

14.3K 466 1
                                    

Lumabas ng Jollibee sina Shawn at Jayvee at dumirecho samen.

"Okay guys, clear na yung loob. Wala kaming nakitang walkers." Si Jayvee.

Tapos si Shawn yumakap kay Trina.

"Let's go. Please be quiet pa rin guys. Alam nyo naman na diba?" Jayvee said.

Nang makapasok kami, direcho kong binagsak yung gamit ko sa isang table. Ganun din yung iba. Although walang ilaw, may maliit kaming lampara. Actually dalawa yun. Good thing sa Jollibee na to, may shutter sila. So safe kami, for now.

Lahat kami nagpahinga muna. Grabe naman kasi nakakapagod talaga.

Si Jayvee ang tumatayong leader ng group namen. Matangkad sya and malakas gaya ni Shawn, who is second in command. Then andyan si Kyle at Kylie, yung kambal na nakilala namen along the way. Lahat kami mga bata pa. Yung kambal 17 pareho, kami ni Trina and Shawn 19, at 21 naman si Jayvee.

After ko magpahinga tumayo ako papunta sa comfort room. Flashlight flashlight din pag may time. Kakatakot eh. Ayaw ko pa naman ng madilim.

Gustong gusto ko nang maligo ng bongga. Kaso two days na ata na puro punas lang nagagawa ko. And pangatlong araw na to. Kasi mahina yun tubig dito sa faucet. Pasalamat na lang ako at hindi ako bumabaho. Aha.

After ko maggawa yung rituals ko lumabas na ko at pinuntahan sila. Kakain na pala kami. May mga foods silang nakita sa kitchen. In fairness hindi pa sira. Yun yung kinain namin imbis na mga canned goods na dala namin. Syempre tipid tipid pag may time.

May nahanap silang baril sa locker room dito. May clothes din na pwedeng gamitin. Tapos may shoes din na nakita at binigay nila yun kay Kyle kasi nasira na yung shoes na gamit nya. Kailangan nang palitan, mahirap na baka madapa pa sya pag nagmamadali kami.

After namin kumaen, nagkwentuhan kami ng medyo mahina. Nakapalibot kami sa lampara. Si Shawn yakap yakap si Trina. Minsan nakakainggit sila. Kasi kasama nila ang mahal nila sa buhay. Although pinsan ako ni Trina, iba pa din pag immediate family or significant other mo yun kasama mo.

Yung kambal tulog na, at inaantok na din ako. Nung medyo nakakatulog tulog nako, bigla kami may narinig na sigaw mula sa labas. Nagulat kaming lahat at nagsitayuan.

Tumakbo kami paakyat sa second floor ng fast food na to. Since walang shutter sa taas at glass yung window, kitang kita namin ang nangyayari sa labas.

May tatlong tao sa baba na nakikipaglaban sa mga walkers. Mga sampu siguro yung mga walkers. Hindi ako mapakali. Alam mo yung gusto mo silang tulungan.

"Babe, tulungan natin sila!" Si Trina na nagaalala para dun sa tatlo.

"Babe masyadong marami yung walkers. Baka mapahamak ang isa satin." Sabi ni Shawn.

"B*llshit Shawn! Tulungan naten sila!" Sigaw ko.

Parang nagulat sila saken. Eh bakit ba. Kung sila kaya andun diba?

"Pero..." Binatukan sya ni Trina.

"Aww babe ang sakit!" Sabay rub sa ulo.

"Kung ayaw mo ako na lang. Kambal paki buksan yun pinto at shutter, lalabas ako." Sabi ko at naglakad na pababa ng hagdan.

"Teka Ish!" Sabay grab ng kamay ko ni Trina. "Sasamahan kita. Ayokong mapahamak ka."

Tiningnan ko sya at ngumiti ako. "Thanks Ina, pero mas ayoko kung mapapahamak ka. Malulungkot si Shawn." Sabi ko at tuluyan ng bumaba.

"Sigurado ka ba dito sa gagawin mo Mischa?" Si Kylie na mukhang naiiyak. Tumango lang ako sa kanya.

Inaantay ko na itaas nila yung shutter. Kinakabahan ako pero kailangan ng ibang tao ang tulong ko. Yung handgun hawak ko, at sa sobrang kaba ko pinagpapawisan yun palad ko.

"Pag labas ko, ang isara nyo itong pinto, hintayin nyo kami dito ha, basta be alert lang kambal." Sabi ko sa dalawa at tumango naman sila.

Pag taas ng shutter, tumakbo ako sa labas at binaril sa ulo yung unang walker na nakita ko malapit dun sa tatlo. Syempre sapul, sharpshooter ako eh.

Nagulat yun tatlo pero di nila muna ako pinansin dahil malamang may zombie sa harap nila.

Binaril ko ulit yun isang walker na babae at bagsak sya. Tapos may lumapit saken na dalawa pang walker. Binaril ko yung isa sa ulo tapos bigla akong dinakma nung isa kasi di agad ako nakapag react. Sinusubukan nya ko kagatin pero lumalaban ako. Of course malakas sila kaya napahiga ako. Shit kang walker ka!

Kakagatin na sana akong ng zombie na to nang biglang sumabog yung ulo nya.

"Ay shit!" Sigaw ko. Nagulat ako eh. Pag tingala ko si Shawn yung bumaril tapos kasunod nya si Jayvee.

"Dali tayo na Ish!" Sabay hila sakin ni Shawn patayo.

Naubos namen yung natirang walkers, pero hindi pinalad yung isa sa tatlong tinulungan namen. Ayun, deads sya. So binaril ni Jayvee sa ulo para di na maging zombie.

Tiningnan ko yung dalawang naka survive. Isang lalaki at isang babae. Umiiyak yung babae at pinapatahan naman sya nun lalaki. Lumapit sa kanila si Jayvee at sinabing sumama sila samin sa loob ng fastfood.

After maibaba at masecure yung shutter, sinara na namen yun pinto tapos nilagyan ng mga harang. Safety first.

"Heto oh." Si Kylie inabutan ng basang cloth yung dalawa at tubig para mahimasmasan sila.

Nakaupo lang ako dito sa table na naka indian seat. Tinitingnan ko lang sila. Hindi ko masyado maaninag yun mukha nila kasi madumi sila tapos yung ilaw ng lampara di naman ganun kaliwanag.

"San kayo galing?" Tanong ni Trina.

Tumingin yun guy sakanya.

"Galing kami sa south. Napahiwalay kaming tatlo sa group namen." Sabay sigh.

"May camp kasi kami. Mga nasa sampu lang members namin. Tapos kaninang hapon may dumaan na horde ng walkers. Nagkahiwa-hiwalay tuloy kami." Continue pa nya.

"I'm sorry." Sabi ni Trina na nag frown.

"No it's okay. Thank you pala sa inyo ng marami sa pagtulong sa amin ng girlfriend ko." Sabi nya sabay ngiti sa amin.

Inaantok na ako. Syempre napagod ako kanina. Tatayo na sana ako nang magsalita yung babae. Naghahanap ng bathroom. Parang familiar yung boses nya pero di ko matandaan. Since nakatayo nako and may flashlight ako, nag volunteer na ako na samahan sya.

Di ko pa rin makilala yung mukha nya kasi hindi naman sya nagpunas and naka tabing yung mahaba nyang buhok.

Pag dating sa labas ng comfort room, hinayaan ko na syang pumasok at binigay ko yung flashlight sakanya.

Naririnig ko na naghihilamos sya. Tapos maya maya pa bumukas na yung pinto. Tumigil lang sya dun at nakayuko pa rin sya.

"Hey, sana okay ka na." Sabi ko. Kasi kung tatanungin ko sya kung okay lang sya eh malamang sa malamang eh hindi diba. Adik lang?

"Sana." Sabi nya sabay angat ng ulo nya at tumingin saken.

Holy fcking shit!!

"Megan?!/Mischa?!" Sigaw namin pareho.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now