Chapter Twenty Three

7.9K 242 55
                                    

Ola peeps!!

Pashneya ng buong puso dahil ngaun lang ako nakapag update. Mula kasi ng ako'y mapilayan ay nagpahinga muna ako. At isa pa walang pang load sa internet. Aha. Yun po talaga yung dahilan. XD

Sana po magustuhan nyo ang chappy na ito. Feeling ko walang sense ito pero feel ko lang din gawin ang chappy na ito dahil feeling ko ito ang nararapat. Feeler po kasii talaga ako kaya puro feels ko ang sinasabi ko. XD

Babala nga pala!! Ang chappy na ito ay may labing apat na P.o.V. Ahahaha. Joke lang. May APAT pong P.o.V ito. Feeling ko lang din ay need kong isulat ang apat na P.o.V na yan eh kaya pashneya ng sobra.

Basahin nyo to kung kayo'y interesado.

Comment kayo kung may gusto kayong sabihin sakin.

At...

Bumoto kayo kung ito'y nagusgtuhan nyo.

I thank you! Bow! :)

-Chriss

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Jayvee's P.o.V

"Sa tingin mo, gagawin nga ng batang yun ang ipinakiusap mo?" Pabulong na tanong ni Trina sa akin.

Napalingon ako sa kanya. Yun totoo malaking pursyento na hindi gawin ng bata ang pabor ko. Sino ba naman nga kami di ba. Pero alam ko, kahit na matatakutin ang batang iyon ay ramdam kong mabait sya at tutulungan nya kami.

"Tiwala lang Trina." Sagot ko sa kanya habang nakangiti sa kanya.

Maya maya pa ay may dumating na may dalang tray ng mga pagkain. Aha! Yung bata, si Maddy.

"K-kain na daw p-po kayo..." Nauutal na sabi ni Maddy habang nilalapag ang tray na may mga aluminum na plato na as usual, may ulam na laman ng tao.

Kinuha agad ni Shawn ang tray at nakita kong nginitian nya si Maddy. Humarap sa akin si Shawn at tumango. Ibig sabihin, nandoon ang ipinakiusap namin sa bata.

Tinanguan ko din si Maddy at saka sya nagmamadaling umalis.

Lumapit sa akin si Shawn at inumpisahan ng putulin ang mahigpit na pagkakatali sa aking mga kamay. Kahit alam naming mamaya pa dadating ang nagrorondang goon dito ay nagmamadali pa rin syang putulin ito. Nang maputol ang parehong tali ay agad kong hinawakan ang aking mga wrist. Tangina ang sakit!

Lumapit ako kina Kyle at sinimulan silang ibrief tungkol sa aming plano...

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Megan's P.o.V

"Seryoso isasama natin yan??" Pasigaw na tanong ni Dylan sa akin habang nglalakad na kami papunta sa highway.

Inikutan ko sya ng mata dahil nakakairita sya. Maka "yan" sya kay Ish akala mo bagay lang sya eh. Tsk.

"Oo isasama natin si Ish, Dylan." May pagkairita kong sabi.

"Nababaliw ka na! Baka nakakalimutan mo...Zombie yan!" Pasigaw na naman nyang sabi sa akin at biglang dinuro si Ish, na nasa bandang likuran namin.

~grrrrrr!~

Natawa ako dahil nagulat si Dylan sa galit na pag ungol ni Ish nang dinuro nya ito.

"Wag mo daw kasi syang dinuduro." Natatawang sabi ni Kylie kay Dylan pagkalagpas nya dito.

Naglakad na din ako at naiwan si Dylan na nakatingin sa amin. Nilingon ko si Dylan at nakita kong napaurong sya ng dumaan si Ish sa harap nya. Takot pala si Dylan kaya ayaw nyang isama si Ish.

My Zombie Girl (girlxgirl)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora