Chapter Five

12.3K 357 36
                                    

Paggising ko, umaga na pala. Dito ako natulog sa second floor. Hindi ko kasi ma-take kagabi sina Megan at Dylan.

Humilig ako sa aking tagiliran. Nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Kylie, na mahimbing na natutulog. Oo nga pala. Tumabi nga pala sya sa akin kagabi.

Ewan ko kung gusto ako ni Kylie, ayoko mag assume, aha, pinapakitaan kasi nya ako ng mga signs na gusto nya ako. Pero ang tingin ko sa kanya ay nakababata kong kapatid lamang. Kaya nga inaalagaan ko din sya ng sobra. Silang dalawa ni Kyle.

Tumayo na ako at nag punta na ng banyo. As usual, morning rituals. Pagkatapos ko dito ay lumabas na ako at naupo sa may table na nasa tabi ng glass window.

"Mischa." Si Shawn. Nilingon ko sya saglit at ibinalik ko din sa labas ng bintana ang aking tingin.

"Ang aga mo nagising ah. Broken hearted bro?" Sabi nya sabay ngisi sa akin. Walanghyang to. Sarap batukan. Alam nya kasing ex ko si Megan. Malamang, kasi nagdo-double date kami dati nina Shawn at Trina noong kami pa ni Megan.

"Tantanan mo ko Shawn, ang aga aga ahh. Baka di ako makapag pigil mabigwasan kita jan." Sabi ko sabay irap at tss.

"Haha. Di ka na mabiro." Tawa nya. "Laki ng pinagbago nya no? Mas gumanda. Haha." Sabi nya sabay siko sa braso ko.

-Pack!-

"Aray!" Sigaw nya. Binatukan ko kasi sya ng bonggang bongga.

"Sabi ko di ba tantanan mo ako. Kulit mo din eh no." Irap ko ulit sa kanya. "Pabayaan mo na sya. Meron na syang iba. Okay na yung kasama ko sya at buhay. Kampante na ko dun Shawn." Sabay buntong hininga ko.

Tinap ni Shawn ang balikat ko sabay ngiti sa akin.

"Tama yan bro. Isa pa, andito naman kami ni Trina para sayo eh. Kay Kylie ka na lang kasi." Sabay ngiti ng nakakaloko. Adik to! Baliw lang!

"Aish! Baliw ka Shawn!" Sabi ko through gritted teeth pero kalmado lang. Adik kasi tong kausap ko. Tumawa pa ulit ang timang. Aish! Naman!

Pagbaba namin gising na pala sila. Sumunod na din sa amin si Kylie at tumabi sa akin sa isang lamesa at inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat. Napatingin naman sa amin si Megan na nakataas ang kilay. Wapakels ako kung anong isipin nya. Aha. Joke. Nginitian ko lang sya, yung nanga-asar. Tapos inirapan nya ako.

Nagulat ako kasi lumapit sya kay Dylan, pagkatapos ay yumakap sya at humalik sa pisngi sabay tingin sakin at naka ngiti ng nakaka-asar. Ay potek! Nabadtrip lang ako! Inirapan ko nga din sya. Tumayo ako at naglakad papunta kay Trina dun sa may kitchen. Maghahanda na lang ako ng pagkain.

"Ayan, mapang-asar ka kasi eh." Si Trina na naka ngisi sa akin. Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. Ibig sabihin nakita nya pala kami.

"Oo nakita ko." Woah! Mind reader ang gaga. "Praning ka kasi couz. Gumagawa ka ng ikasasakit mo." Sabi pa nya.

"Couz wala akong ginagawa. Sya nga tong sinasaktan ako eh." Sabi ko habang nagbubukas ng Argentina chunky corned beef. Naisip ko tuloy bigla. Buhay pa kaya si tito Boy? Aha.

"Heller couz? May karapatan silang maglambingan no, mag jowa sila nakalimutan mo na ba." Sabi nya na nakapamewang sa akin.

"Oo couz alam ko, pero hindi naman nya kailangang ipamukha yun sa akin eh. Alam ko naman na tapos na kami matagal na. Nakakabadtrip lang. Alam naman nya kasing may past kami eh. Nanga-asar pa." Sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Eh inasar mo kasi couz eh. Baka nagselos kay Kylie." Natatawa nyang sabi. Napa scowl naman ako.

"Selos? Eh hindi naman kami ni Kylie. And for fck's sake di ba break na kami? Sya nga nakipag quits di ba?" Sabi ko na medyo napapalakas na ang boses.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now