FOUR: The Kiss

6K 249 48
                                    

Blythe's POV

"Red? If only I could sue you for not following the dress code. But nevermind. You look too good in that dress anyway." Another blue-eyed stranger suddenly showed up in my face.

"What is it with you people?" di ko na naitago ang inis ko. Paano ba naman kasi, di pa ako nakakabawi kay Hali meron na namang susulpot na kamukha niya. "May lahi bang kabute ang mga tao sa village na 'to at bigla bigla nalang kayong lilitaw?"

The girl laughed. Napatingin tuloy ang ilang mga tao na malapit sa kinaroroonan namin.  "You grew up to be as funny as I thought you would be," amused na sabi nito sa akin.

I needed to say something para ma-distract ako sa magandang mukha ng kaharap ko. Deym!  She looked so hot with just laughing. "Excuse me, do I know you?"

And just like that, the magic disappears. Kagaya ng reaksiyon ni Hali kanina ay may dumaang pagtataka sa mukha nito. Pero saglit lang iyon dahil bumalik ang playfulness sa mga mata niya. "Let's just say na kahit mapunta ka pa sa langit, sa akin ka pa rin babagsak, I'm Gaia," sabay abot ng kamay sa akin.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hali is one thing, but this woman? This woman is beyond words on having the worst pick up lines ever. Seriously? Mabuti nalang at na-gets ko yung pick-up line niya dahil kung hindi ay siguradong mapapahiya ito. Her name means "earth" at dahil may gravity sa earth,  malamang na babagsak at babagsak pa rin lahat ng tao sa lupa. Mabuti nalang di siyang mukhang lupa.

"Ooooookay," mukhang natauhan rin siya sa kakornihan niya kaya ito unti-unti niyang binawi ang kamay. Pero bago pa niya tuluyang maibaba ang kamay niya ay inabot ko na iyon. But I didn't just reached her hand out for a handshake.

I grabbed her by the wrist and pulled her closer to me. Walang-wala iyong ga-platitong pagitan namin ni Hali kanina dahil pati langaw ay hindi makakadaan sa sobrang lapit ng mga katawan namin netong si Gaia. Mukhang hindi naman ito tumutol sa ginawa ko because I see her biting her lips na parang nagpipigil. I automatically stared at that specific part of her face. If we were in a different situation in a different place, I would surely give everything just to taste this tempting "earth" in front of me. But of course, I knew better.

The lights started to get brighter dahil tapos na iyong performance sa stage at alam kong mapapatingin lahat, as in lahat, sa gawi namin kung hindi ko pa siya papakawalan. "Heaven meets earth then." I whispered close to her ear and I took a step back.

Saglit itong natahimik habang nakatingin lang siya sa akin. Nang makabawi ay isang sinserong ngiti ang binigay niya sa akin. "So much for introducing ourselves, miss. But I'd really like to know your real name now."

Bipolar ba tong kausap ko? How could she switch from being naughty to being nice in one snap? "It's Blythe."

"So Blythe, bakit hindi ka nakabihis ng naaayon sa party na 'to?" tanong niya.

I mentally rolled my eyes. "I didn't know, okay? Geez, I'm new here at hindi ko alam ang patakaran sa mga parties na ginaganap dito sa lugar na 'to. Masyado na bang malaking kasalanan ang hindi pagsunod sa dress code?"

"Hindi naman. But you are definitely a scene stealer dahil sa suot mo."

Pinipilit kong hanapin kung may himig ba ng insecurity ang mga sinabi niya pero wala. She said it like she was actually expecting me to be the scene stealer for tonight. I can't help but wonder kung kilala ba ako ng taong ito nang hindi ko alam.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Hindi ko kasi siya masyadong naaninag kanina dahil dim iyong lights. She's wearing a strapless black satin gown na may malaking slit. Exposed ang kaliwang binti nito and I can't help but admire her long legs. Mas matangkad siya sa akin dahil sa suot nitong heels pero kung tatanggalin niya iyon ay paniguradong mas matangkad ako. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. She have a long wavy blonde hair but what strikes me the most is her eyes. They were blue. Hali have the same eye-color but in Gaia's, oh man. They will  make you feel like telling the truth.

I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang