EIGHT: Second Time

4K 206 24
                                    

Blythe's POV

Am I real?
Do the words I speak before you make you feel.

Sinabayan ko ang kanta sa stereo habang nasa daan kami para sunduin si Dana. Night is driving while I was seated beside him.

That the love I have for you
Will see no ending?

Kinanta ni Night sa sumunod na linya habang nakatingin pa rin ng seryoso sa daan.

Well, if you look into my eyes
Then you should know.
That there is nothing here to doubt
Nothing to fear.

I sang with feelings. I held my phone up para makita kaming pareho ni Night sa camera. I am taking a video of us singing.

And you can lay your questions down
'Cause if you'll hold me.

Night slowed down since nasa tapat na kami ng gate kung saan naghihintay si Dana with two other people. She saw us at saglit ata itong nagpaalam sa mga kasama. Mga kaibigan siguro niya ang mga iyon.

We can fade into the night
And you'll know

Sabay naming kanta ni Night at the top of our lungs. Sakto namang bumukas ang pintuan sa likod ng sasakyan at pumasok si Dana. "What is happening here? May pa-concert?"

She seems to be in a good mood now. Hindi kagaya kanina nang ihatid ko siya. Ganun kami tuwing may alitan, we won't apologize for what we did pero maya-maya ay magkakasundo nalang ulit. It's like a silent agreement between us na 'okay na lahat kahit hindi natin pag-usapan.' That's how normal siblings are, right? Right?

"Ang ingay niyong dalawa, nakakahiya. Naririnig ko pa kayo sa labas sa lakas ng mga boses niyo," reklamo ni Dana.

2 minutes later...

The world could die
And everything may lie
Still you shan't cry
'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side

Kung kanina ay dalawang boses lang ang maririnig sa sasakyan, oh well. We just can't resist singing along to a good music. Tatlong feeling singer na ang naririnig panigurado ngayon ng mga tao sa labas.

Hanggang natapos ang kanta ay nagkatinginan kami at nagtawanan. Nasa kamay na ni Dana ang kaninang hawak kong cellphone dahil nag presinta siyang kumuha ng video.

"Ngayon nalang ako ulit sumaya habang nasa biyahe," biglang sabi ni Night.

Napalingon ako sa kanya. "Does my absence made you sad while you're on the road, brother? Awww, I feel so special," tudyo ko sa kanya.

"Don't flatter yourself. Kuya Oscar is not just a fan of singing while driving," depensa ni Night.

"Sus, dinamay mo pa si Kuya Oscar. Kung sana sinabi mo nalang na namiss mo ako, eh di mabilis ang usapan."

"Of course I missed you. All of us did but you're just stubborn enough not to let us know where you are so we could at least tell you that we miss you."

I scoffed at what he said, "Geez, I am only asking if you missed me. Ang drama na agad ng sagot mo."

"Masama lang ang loob ni Kuya kasi hindi siya ang sinasabihan mo ng mga whereabouts mo," Dana said from the back.

"Talaga? How true is that, Night?" Nilingon ko siya pero seryoso lang ito sa pag dra-drive. "Huy! Don't tell me masama talaga ang loob mo?" I poked at his cheek.

He swatted my hand pero naiwas ko iyon. I laughed a little dahil ayaw na ayaw niya ang hinahawakan siya sa pisngi. Ang cute talaga ng mga kapatid ko, sarap tirisin!

I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon