FIVE

5.4K 275 90
                                    

Wala akong maisip na title ng chapter na to kaya simpleng 'FIVE' lang ang nilagay ko. Hehe enjoy kayo sa POV ni Hali muah!

🌈
-------------
Hali's POV

What a beautiful day! I'm still lying on my bed feeling the warmth of my beloved pillows. Wala pa sana akong balak bumangon dahil mukhang kakayanin ko pang matulog ng hanggang ten years nang bigla na lamang sumabog ang liwanag sa aking kuwarto dahil may humawi sa mga kurtina.

"What the hell, Skye! Natutulog pa nga ang tao eh," reklamo ko kay Skye.

She jumped on my bed at parang batang nagtatalon talon. "Tulog ka pa sa lagay na yan eh nakapagsungit ka na nga."

"Stop--it!" Umalog-alog ang katawan ko dahil sa pagtalon niya. "Skye, isa!"

"Puwede pala pang trampoline tong kama mo noh?"

Kumuha ako ng unan at akmang ihahampas iyon sa kanya pero dali itong nakababa at tumakbo sa may pintuan. "Now that you're awake, bumaba ka na sa may patio. Dad wants us to join him for brunch."

Pagkarinig ko niyon ay agad akong napabangon sa higaan. Dad is still here! It's a rare moment for us.

"If you'll excuse me, I still have one more sister to wake up. Oh, and by the way Hali..." I eyed her while waiting for what she's gonna say. She quickly picked up one of the throw pillows on my couch and threw it towards me. Sapol ako sa mukha at sa lakas niyon ay napahiga akong muli sa kama. "You're it!"

"SKYE ASTRIIIIIIIID!" I screamed at the top of my lungs.

Nagpupuyos ang kaloobang kong bumangon habang hawak ko ang ilong ko. "That little piece of crap broke my nose! Argh! I hate her. Humanda ka sa akin mamaya Astrid."

I went to my bathroom and take a quick look of my face in the mirror. Namumula ang buong mukha ko dahil sa galit, hindi dahil sa unan na binato ni Skye sa akin. Oh well, maybe I just overreacted pero seryoso akong babawi ako sa bruhang iyon.

I brushed my teeth and put on my silk robe. Pinatong ko lang iyon sa suot kong nighties. I also wear my favorite bunny indoor slippers and tied my hair in a bun. Muli kong sinipat ang sarili sa salamin dahil gusto kong maging presentable sa harapan ng aking ama.

I was about to go out of my room when I heard Skye's screams next door. Si Auburn pala ang huli niyang ginising and I know how much Auburn hates people who wakes her up. She's a monster when someone disrupts her on her sleep.

I could hear Skye's muffled cries and I know that Auburn is killing her with her own feet right now. Di na iyon nakapagtataka dahil athlete siya, a track and field athlete to be exact. Using her feet to kill someone is no biggie.

"Serves her right." I smiled and walk out of my room.

Saktong paglabas ko ay pababa na si Gaia ng hagdan at diretso lang ito ng baba without even looking at me habang bumukas naman ang pinto ng kuwarto ni Auburn revealing her and Skye choking on her arms in an armlock.

"Hal--ack! He--lp." Skye dramatically reached out her hands.

I ignored her and smiled sweetly at Auburn instead. "Good morning sestra. Nice day to kill someone, huh? Don't worry, nandiyan naman si Gaia to get you out of charges. I will support you too, of course."

"Thanks." Maikling sagot naman ni Auburn pero pinakawalan na rin naman niya ang namumutlang si Skye. Mukhang hindi talaga nakahinga ito.

"YOU TWO!" Skye screamed.

Nag unahan kami ni Auburn sa pagbaba ng hagdan. Hanggang sa makarating kami sa patio kung saan naka-set ang brunch namin ay naghahabulan pa rin kaming tatlo.

I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLETED]Where stories live. Discover now