THIRTY-NINE: Arriving

2.6K 128 17
                                    

Hi gays!

If you have time, I've published a short story for you. Check niyo nalang sa profile ko. I hope it will gain at least a hundred reads hehe.

Here is an update for Blythe and Auburn's story. W're nearing the end so... I hope you'll stick until then. Enjoy!



🌈


--------


Blythe's POV


"Arrange these for me please," utos ko kay Chris. "And tell Rem to give me a copy of," I snapped my fingers and close my eyes trying to remember the goddamn thing.

"The data consistency report on the rain accumulation?"

"Yeah!" I beamed. "That's it. Pasensiya na. Ang dami lang kasing pinapagawa sa atin ngayon kaya hindi ko na alam kung saan ko ilalagay sa utak ko yung iba."

"Kung di na kaya ng utak niyo boss, bigay niyo nalang kay Rem yung iba. Para tumalino naman siya."

Bigla namang bumukas ang pintuan ng office ko at lumitaw si Rem na medyo basa. "Narinig ko ang pangalan ko. Ang pogi ko talaga."

"Ulul! Walang poging single," kutya ni Chris kay Rem. "Ako lang," sabay biglang bawi niya.

"Gago, pinagtatawanan ka ni boss sa kasinungalingan mo."

Lumingon naman si Chris sa akin at nagkunwari nalang akong nakatutok sa computer para hindi niya ako mahuling nakatawa.

"Bakit ka ba nandito? Gawin mo na raw yung data report." Utos ni Chris kay Rem.

"Saglit lang naman. Kita mong kagagaling ko sa labas at nangolekta ng tubig ulan."

"Kaya pala mukha kang tanga."

"Mama mo tanga."

"Gago ka ah, alam mo na ngang wala akong mama."

Tuluyan na akong tumawa ng malakas. Imbes na marindi sa pang aalaska nila sa isa't isa ay natutuwa pa ako. Pero dapat bang tawanan na walang mama si Chris? Siyempre hindi. I'm not that mean.

"Mga mama niyo hindi alam na puro bangayan lang ginagawa niyo sa trabaho noh?" Singit ko.

"Kulit mo naman boss. Sabi na ngang walang mama itong si Chris eh."

Binatukan na ng tuluyan ni Chris si Rem. "Tumahimik ka nalang, panira ka talaga ng mood araw-araw."

"Umalis na kayo sa harap ko dahil baka pareho ko kayong ibabad sa tubig ulan." I dismissed them and they immediately complied. Hanggang hallway ay naririnig ko pa rin silang nagbabangayan. Umiling-iling nalang ako.

I glanced at the clock on my computer. It's almost lunch time na din pala. I fixed the papers on my table, carefully stacking them so I can come back later with an organized working space. This is my assistant's job but I try to do these kind of small things for myself dahil ayaw ko naman iasa lahat sa isang tao.

I am gonna meet someone important today. For the whole year, I was used to having lunch by myself or kung mag-aaya sa labas yung mga mokong kong labmates ay sumasama naman ako. But most of the time, especially when we really needed to finish a research, hindi na umaangat ang puwet namin sa upuan. Sometimes I also get calls from my family for a lunch out, which rarely happens, because Night is busy with the company and Dana is... well, chasing someone. Sina Mum at Dad naman ay nag eenjoy na ngayon sa kanilang retirement plan. The last I heard from them is they are swimming sa Greece. Hay, sana sumama nalang ako sa kanila but who am I kidding? I needed to work my ass off to afford something like that someday. And hopefully, with someone.

I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon