SIXTEEN: Skye Asks (Part 1)

3.1K 221 5
                                    

Blythe's POV

Kung gaano kabilis ang pagsulpot ni Auburn ay ganoon din ito kabilis nawala sa paningin ko. Parang nga lumitaw lang siya dito para sabihin ang nag iisang linya na iyon.

"All of them except me."

What the heck? Is she some sort of a pyschic now? How could she just show up looking gorgeous with her ever exposed tummy with those yummy abs and then vanished in a second?

Wait, did you just said she's gorgeous? And girl, you sound perverted for a moment there.

I quit arguing with my brain and just admitted to myself that she is indeed an eye-catcher. Pati nga tong mga kasama ko ay napatanga nalang sa kanya habang nakasandal siya ng patagilid sa hamba ng pinto. Sabay sabay nalang kaming natauhan nang sumulpot rin sa kung saan si Night at tinawag si Auburn.

Which reminds me that I have to ask Night kung anong meron sa kanila ni Auburn. Napalitan kasi ang ekspresyon ng mukha niya noong nakita niya si Night. From the look of disgust when she's staring at me to a look of relief when Night showed up. And boy, I don't like the way she looked at him. Parang may kung anong sumikdong galit sa akin nang hinawakan siya ng kapatid ko at akayin paalis. I wanted to crush Night with my bare hands.

Pero natigilan ako kasi hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit na iyon. I have no reason to be mad at the first place.

Or maybe I have. Ayaw ko kay Auburn kaya ibig sabihin nun ay ayaw ko rin siyang umaaligid sa kahit sinong kapamilya ko.

Talaga? Iyon ba ang totoong dahilan?

Oh well, whatever.

I finished cleaning the porch and made sure that there are no instruments left. Umuwi rin ang Fermions after namin mag dinner. Ni hindi man lang ako tinulungan ng mga loko sa pagliligpit. Mag isa ko tuloy binuhat ang drumset pabalik sa music room at nakailang balik rin ako dahil marami iyon. Actually, Jenna insisted on staying to clean up pero yung mga lalaki, literal na binuhat siya palabas. Hindi tuloy ako nakapag paalam ng maayos kay Jenna.

Napangiti ako nang maalala ang jamming namin kanina. That girl can really sing. With a voice like that, she can be famous.

I went up straight to my room after kong magbilin kina nanay Helen na magligpit ng kalat sa porch. I took a half-bath and put on my cute unicorn onesie. I'm feeling extra cute and childish tonight.

Pero ang inaakala kong pagtulog ay naudlot dahil pumasok na naman sa isip ko sina Night at Auburn. Nasaan kaya sila? May relasyon ba sila? Bakit hindi nasasabi ni Night iyon? Bakit mukhang mabait si Auburn sa lahat except me?

Gustung-gusto kong ilabas ang mga tanong ko pero wala pala si Dana dito ngayong gabi. She's having an overnight in one of her friends house. While Dad and Mum went on a short business trip in Singapore this morning at tatlong araw daw sila doon. I have no one to talk to. Sana pala hindi ko na muna pinauwi sina Joseph para at least may kausap ako. Pero ano namang alam nila sa mga Romano?

Tsk. Di bale na nga. Mag iisip nalang ako ng puwedeng gawin bukas.

And with that in thought, I drifted to sleep.

- - - -

"Layla, we need to go."

"No! Not without her!"

"Shhh. Keep your voice down. Baka makita nila tayo."

I started crying, "P-please, l-let's not g-go without h-her."

The girl in front of me hugged me and rocked me back and forth. I instantly felt safe when her arms wrapped around me. "We won't leave her. We're going to escape here together. Okay?"

I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon