THIRTEEN: Hali's Game (Part 2)

3.1K 170 14
                                    

Hali's POV

"Kyaaaah! Look Blythe!"

Pansamantala kaming tumigil nang may madaanan kaming tindahan ng mga plushies. The sizes of the teddy bears being sold varies from small to ultra mega huge.

I know, I sound exaggerated and all pero kasi kapag tinapat mo sa akin iyong malaking teddy bear, baka malunod na ako.

"Mura lang ang mga ito ma'am." Isang binatilyo ang umagapay agad sa amin. Halatang na-excite ito nang makita niya kami. "Gawin ko nalang limang-daan para sa inyo," pinakita niya iyong medium sized na kulay pulang teddy bear. Kung sa mall iyon bibilhin ay aabot na iyon sa mahigit isang libo.

Saglit kong sinulyapan ang kasama ko. May bahid ng pagod ang maganda niyang mukha. Pinunas niya sa noo ang likod ng kanyang palad at pagkatapos ay pinaypay sa mukha ang dala nitong baseball cap. Namumula na ang mga pisngi nito dahil sa init at paniguradong ganun na rin ang hitsura ko.

Hinawakan ko sa braso si Blythe para mapalapit siya sa akin. Di ko maiwasang mangiti nang madikit ang kamay ko sa balat niya.

"Choose one and I'll buy it for you," anas ko.

She rolled her eyes and I just laughed. "Nasa bungad palang tayo ng Divisoria pero sandamakmak na ang gusto mong bilhin. Bakit di mo nalang bilhin tong buong Divi kung ganun?"

"Grabe ka naman, pinapapili lang naman kita ng teddy bear kung anu-ano nang sina-suggest mo. Huwag kang ganyan, baka patulan ko at totoong mabili ko tong Divisoria ng wala sa oras."

"You're unbelievable." May naglalarong ngiti sa mga labi nito. "I don't really like teddy bears Hal."

"Ganyan din ang sinabi mo sa nadaanan nating bilihan ng underwears, stationary store, mga damit at tindahan ng mga sapatos ah."

"Kasi kung bibili tayo sa lahat ng mga madadaanan nating tindahan, malamang ay sangkaterbang plastic bags na ang bibitbitin natin pauwi niyan. At sino ang pagbubuhatin mo? Ako? Akala ko ba date ito? Mukhang nagyaya ka lang ng kasama para magawa mo iyong mga bagay na gusto mong gawin eh."

Ang haba ng sinabi niya. Pero isa lang ang rumehistro sa isip ko. "So inaamin mo ng date ito?"

Her eyes widened at the realization of what she said. "H-Hindi ah!"

"Narinig mo ba yun boi? Nag de-date kami," baling ko sa binata na tila nagpapantasya na sa aming dalawa.

"Ah eh, mas maganda ang date niyo ma'am kung bibilhan mo siya neto. Para sweet," suhestiyon niya.

"See?" I looked at Blythe once again. "Besides, who doesn't like fluffy teddy bears? Come on Blythe. Just choose one."

She grunted and rolled her eyes. A sign of defeat. "Argh! Oo na. I'll take that one," tinuro niya iyong kulay brown na maliit na mukhang aso.

"Ayaw ko niyon. I want the yellow one with a blue bow," turo ko sa medium sized na teddy bear na nasa display.

Agad namang kinuha iyon ng binatilyo ay nilagay sa malaking plastic bag. Ayaw ko na sanang ipalagay pa iyon sa supot pero baka maalikabukan sa daan.

"You let me choose but you decided anyway. Baliw."

"Baliw sayo," I wiggled my eyebrows.

She gave me a poker face as I delivered that lame pick-up line. Pero halatang may nagtatagong ngiti sa mga labi niya. I never felt more accomplished than now.

"Heto ma'am," inabot sa akin ng binatilyo ang binili namin at binigyan ko naman siya ng isang libong buo.

"Keep the change," anas ko.

I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLETED]Where stories live. Discover now