PROLOGUE

927 83 92
                                    

ARIELLE P.O.V

HACIENDA AMORE
(BATANGAS CITY)

Letting go of a relationship is really hard. Accepting the end of everything is like choosing life or death!

And one of the hardest parts of getting over was dealing with the positive memories that would hit you out of nowhere.

When Francis left me without saying goodbye.
It feels like the end of the world.

Maraming mga katanungan ang nabuo sa aking isipan.

Tulad na lamang na kung,  paano ko nga ba haharapin ang isang bukas na wala ng mensahe o tawag na galing sa kanya?

Napakahirap na nasanay ako sa ganong sitwasyon. Palaging may isang Francis na laging nandiyan para saken. 

Bakit kaya ganon' na lang niya ako kadaling maiwan ?
Saan ako nagkamali?

Saan ako mismo magsi-simula para makalimot?
Limang taon iyon at hindi basta-basta na lamang malilimutan ang lahat ng aming magagandang ala-alang nabuo.

Magagawa ko pa bang mag-mahal muli?

Sa bawat pagpatak ng aking luha ay matinding awa ang aking nararamdaman para sa aking sarili . Kaya napag-pasyahan kong tama na ang kahibangan na ito.

Sa ngayon, sa palagay ko naman ay unti-unti ng naghi-hilom ang sugat sa aking puso . Salamat sa mga taong nasa paligid ko at kailanman hindi nila pinaramdam saken' na ako'y mag-isa.

Konti na lang ay magiging maayos na rin ang lahat sa akin at matatanggap ko ng hanggang duon lamang talaga ang aming relasyon.

"Arielle! "
Nahinto ako sa aking malalim na pag-iisip ng may tumawag sa aking pangalan. Kung kaya nilingon ko ito at nakita si Tatay Lucas na papalapit.

"Totoo nga bang babalik ka ng muli sa iyong trabaho sa Maynila? Naulit sa akin ng Inay Sally mo. " humahangos na tanong niya saken' .

Siya ang katiwala ni Lola sa aming Hacienda at si Inay Sally naman na kanyang asawa ang katulong ni Lola na nag-alaga saken' mula pagka-bata.

Walong taong gulang pa lamang ako ng pumanaw ang aking mga tunay na magulang dahil sa isang aksidente. Minahal at itinuring ako ni Tatay Lucas at Nay Sally na higit pa sa isang tunay na anak. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa.

Ngayon naman ay sila rin ang naging takbuhan ko ng masaktan dahil sa labis na pagmamahal sa isang lalake. Hindi ko non' halos maisip ang gagawin ko. Kaya minabuti kong magbalik rito sa aming Hacienda .
Sa ilang buwan kong naririto ay nakapagisip-isip na ako ng mas tamang gawin.

Kailangan ko ng kasagutan mula sa kanya . Haharapin ko siya ng buong tapang upang makipagusap para matahimik na ng tuluyan ang isipan ko.

"Opo , babalik na po muna ako sa aking trabaho sa Maynila. Hindi rin po kasi naging pormal ang naging pagpa-paalam ko sa aking mga kasamahan doon at napaka-bigla. " Tugon ko .

"Iha paano na itong Hacienda? Sinong mamahala dito? Wala na ang iyong Lola kaya dapat ikaw na ang mamumuno sa aming lahat. " naga-alala niyang sabi.

Kasabay lang halos ng break-up namin ni Francis ang siya namang paglisan ni Lola dahil sa isang matinding sakit. Ako lamang ang nagi-isang apo kung kaya ako lamang ang kanyang tagapag-mana .

"Huwag po kayong maga-alala may tatapusin lamang po ako sa Maynila pagka-tapos ay babalik rin ako dito kaagad. Sa ngayon po ay nasa inyo na muna ang aking pagti-tiwala na hindi ninyo pababayaan ang ating Hacienda "

Tulad ni Lola isa rin ako sa taga-hanga ni Tatay Lucas dahil nasaksihan ko na kailanman hindi niya kami pinakitaan ng kagaspangan ng ugali. Purong pagma-mahal at kasipagan ang ginagawa niyang pagta-trabaho sa Hacienda.

"Kung iyon ang nais mo ay yon' ang masusunod. Umasa kang hindi ko pababayaan ang Hacienda. Hihintayin namin ang muli mong pagbabalik. Magi-ingat ka palagi duon at huwag kang makakalimot na tumawag kapag may kailangan ka. " paalala niya , kaya nginitian ko siya ng napaka-tamis at niyakap.

"Maraming salamat po Tay' . Palagi po akong mag-iingat . Pangako, babalik rin po ako agad kapag maayos na saken ang lahat."

Hindi ko magagawang maibigay lahat ang aking buong atensiyon sa Hacienda kung alam kong may kailangan pa kong tapusin sa Maynila.

Kailangan ko muling buuin at hanapin ang dating ako.

***

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish ,transmit, modify or create derivative works from the contents of this story in any way , without permission of the author.

***

Warning!!!!

This story is contain content of an adult nature. If you are easily offended or under the age of 18 ' please exit now.

***

Ps : Typos and Grammatical Errors ay makikita sa ibat-ibang part.
Super Busy pa po talaga ako sa aking work kaya po hindi ko pa po maayos ang mga errors.
Pasensya na po.

-
SABLAY SA ENGLISH ANG AUTHOR KAYA KUNG PERFECTIONIST KA OKAY LANG KUNG MAIITAMA MO NAMAN NG AYOS ANG MALI KO.

***

Missing Half by: Mabzblue
© All Rights Reserved
June 2019 - October 18,2020

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon